Chapter 10

2.1K 63 15
                                    

VICE POV

Laking gulat ko na nasa resort na pala kami. Hindi na ako ginising nina Ion para kumain. Siya na ang nag-asikaso sa kambal namin para nanman daw makabawi ako ng tulog.

Pagkababa namin sa sasakyan ay hindi na masyadong masakit ang katawan ko at nakakalakad na rin ako ng maayos. Dumiretso naman kami sa kanya kanya naming kwarto.

"Mommy, I'm excited to swim. Let's go." Masayang pagyaya sakin ni Sav.

"She's yight (right), Mommy. Let's go." Dagdag pa ni Sky at hinigit pa ang kamay ko.

"Babies, magbihis muna kayo." Saad ko naman sa kanila. At binihisan ko na nga sila. Si Ion naman nakatingin lang samin habang nakahiga.

"Darling, mauna na kayo dun ng kambal. Magbibis lang at susunod na ko sa inyo." Utos ko sa kanya pero hindi pa rin ito kumikilos.

"Dito na lang muna ako matutulog. Kayo na lang bumaba." Inaantok na saad ni Ion habang humihikab hikab pa. Naawa naman ako sa kanya.

"Sige." Simpleng sagot ko na lamang sa kanya. Nagbihis na rin ako ng swimsuit ko. Wala akong pake kahit may red marks pa rin ang leeg ko.

Iniwanan na rin namin si Ion sa kwarto. Hindi na kami nag-abala pang gisingin siya. Pagdating namin sa tabing dalampasigan ay nandun na sina Anne.

"Hi sa inyo, samin na muna ang kambal maliligo kami sa dagat." Mabilis na sabi nina Anne at Karylle. At kinuha nila agad.

Napili ko namang maupo na lamang sa may tabing dagat. Tuwang-tuwa naman ako habang pinapanood ang kambal ko kasama sina Anne.

Nabigla naman ako ng may nag-iiritan sa gilid ako. Kilig na kilig ang mga ito, sigurado may gwapo dun. Lumingon naman ako at ang nakita kong kinakikiligan nila ay si Ion. Hindi nakuntento yung mga babae sa pagtingin lang. Lumapit sila at kinausap pa ang ASAWA KO!

Agad naman akong pumunta dun at inayos ang sarili ko. Nakita ako agad ni Ion na nakataas ang kilay sa kanya.

"Vice, a... asan na ang kambal? Naliligo na ba si... sila?" Kabadong tanong ni Ion. Nag-init naman ang ulo ko dahil tinawag lang niya akong Vice.

"Kasama nina Anne and oo naliligo na sila, DARLING." Sagot ko sa kanya at diniinan ko ang pagkakabanggit ng Darling para marinig ng mga mahaharot na babae. Pinag-iinit talaga nila ang ulo ko.

"Sino ba siya, Ion? Tinatawag ka niyang Darling." Malanding sabi nitong babae at kumapit pa sa braso ni Ion. Kilala na pala siya. Napatingin ako sa kamay nung babae at tinititigan ko si Ion na walang reaksyon na mababasa sa mukha ko. Pero si Ion nakangisi lang sakin. Pinag-iinit pa lalo ni Ion ang ulo ko.

"Ion, sabihin mo sa kanya kung sino ako." Malamig na sabi ko kay Ion at nakakatitig lang siya. Hindi pa rin tinatanggal ang braso nung babae.

"Uy, andito lang pala kayo mag-asawa. Tara punta na tayo dun." Masiglang yaya ni Vhong samin. Hindi ko naman siya pinapansin at nakatitig pa rin kina Ion. Nakangiti naman yung babaeng unggoy kay Vhong.

"Kaibigan po ba kayo ni Ion? Nakakatuwa naman kayo. Hindi ako asawa ni Ion, kakakilala lang namin. Mapagbiro ka pala." Tuwang tuwa na sabi ni Babaeng Unggoy! Napatawa naman si Vhong.

"Ay Miss, hindi ikaw. Wag kang assumera." Natatawang saad ni Vhong. Napangiti naman ako sa sinabi ni Vhong. Napanganga naman yung babae. Mukhang hindi siya makapaniwala kay Vhong. Si Ion naman napatawa.

"What the! Ang kapal ng mukha mo na sabihan akong assumera!" Galit na sabi nung babaeng unggoy. Sasagot sana si Vhong ng pigilan ko ito.

"Vhong, hayaan mo na sila. Tara na dun. Andun na ba sina Anne?" Pagbaling ko kay Vhong.

"Oo, andun na, kasama yung anak niyo." Sagot sakin ni Vhong. Napatango naman ako. Paalis na sana kami ng may lumapit saking lalaki.

"Iris Romeo? Kayo po ba yan? Andito ka rin pala." Masayang bati sakin ng isang lalaki. Medyo pamilyar siya sakin.

"Sorry huh. Sino ka ba?" Tanong ko naman dito.

"Ako po si Sebastian Cruz, nagtatrabaho ako sa isang magazine. Matagal ko na po kayo gustong gawin na model. Hindi lang pumayag yung asawa mo." Paliwanag nito.

Natatandaan ko na siya. Pinagselosan siya ni Terrence noon, dahil gwapo nga ito. Ngumiti naman ako sa kanya.

"Tanda na kita. Buti natatandaan mo pa ko." Nakangiting saad ko kay Sebastian.

"Sino ba naman ang makakalimot sa ganda mo Iris?" Maharot na sagot nito sakin. Napatawa naman ako sa kanya. Infairness, nababawasan ang init ng ulo ko.

"Bolero ka. Anyway, my true name is Jose Marie Viceral. You can call me, Vice. And hindi ko asawa si Terrence." Saad ko sa kanya. Napangiti naman ito sakin.

"So Vice, single ka ngayon?" Pagtatanong nito sakin. Sasagot na sana ako ng umakbay sakin si Ion.

"Hindi siya single. Ako nga pala si Ion Perez, ASAWA NIYA." Seryosong saad ni Ion. Napatingin naman ako sa kanya. Sumingit naman ang unggoy.

"Pasensya na sa nangyari kanina. Di ko sinasadya na asawa ka pala niya. Pasensya talaga." Paghingi ng paumanhin sakin ng babaeng unggoy at tumango na lamang ako. Umalis na rin ang mga ito.

"Alam ko na kung anong nangyayari rito hahaha." Tuwang tuwa na sabi ni Vhong. Sinamaan ko naman ito ng tingin.

"Sebastian, so ano ba? May kailangan ka ba sakin?" Tanong ko rito at tinanggal ang pagkakaakbay sakin ni Ion. Hindi ko rin siya pinansin.

"Ahm, yung katulad pa rin na dati." Sagot nito sakin.

"Pag-usapan natin yan mamaya. Kita tayo mga 4pm sa coffee shop dito." Nakangiti kong saad sa kanya.

"Sige, so can I get your number?" Tanong naman sakin ni Sebastian.

"Bakit mo pa kukunin ang number niya? Magkikita rin naman kayo mamaya diba." Pagsingit naman ni Ion at nakita ko si Vhong na natatawa.

"Don't mind him. Pasensya kana sa ugali ni Ion huh. Mamaya ko na lang sayo ibibigay. See you later." Nakangiting saad ko kay Sebastian. Nagpaalam na rin ito at umalis na.

Tumingin naman ako kay Ion ng masama. Akala ata niya nakalimutan ko yung nangyari kanina. Kainis to.

"Ibibigay mo talaga ang number mo sa labanos na yun?" Nakasimangot na saad sakin ni Ion habang naglalakad kami.

"Anong labanos? Ano ba sinasabi mo huh?!" Inis kong tanong kay Ion.

"Yung kausap mo kanina." Giit nito sakin. Inirapan ko naman ito.

"Wala kang pake. Dun ka sa babaeng unggoy mo!" Inis kong sagot kay Ion. At nilayasan ito.

Nagulat naman samin ang mga kasama namin dahil hindi kami magkatabi ni Ion. Ang kambal naman ay nakipagbonding kina Anne.

"Bakit hindi kayo nag-uusap na mag-asawa? Magkaaway ba kayo?" Pang-uusisa ni Mariel. Hindi naman ako umimik pati na rin si Ion.

"Ako alam ko. Kasi ganto yan.." Hindi na natapos ni Vhong ang sasabihin niya ng binati ko ito ng saging.

"Manahimik ka, Gluta Boy!" Inis kong saad kay Vhong. At kumain muli. Sila lang ang maiingay ako naman tahimik lang.

"I'm done. Alis muna ako." Pagpapaalam ko sa kanila.

"Darling, saan ka pupunta?" Pagtatanong sakin ni Ion. Ngayon naman Darling na ang tawag niya sakin.

"Maghahanap ako ng unggoy na kakapit sa braso ko. At saka nga pala wag kang tatabi samin mamaya. Sa kwarto ka nina Jhong, ION." Saad ko sa kanya at umalis na. Tinatawag pa ko ni Ion pero hindi ko na siya nilingon pa.

Bahala siya sa buhay niya, dun siya sa babaeng unggoy. Badtrip sila!!!!

Way Back Into My Wife and Kids (COMPLETED)Where stories live. Discover now