Chapter 23

1.8K 45 16
                                    

ION POV

Lumipas ang isang buwan at mas lalong tumatag ang relasyon namin ni Vice. Nagtutulungan na rin kami sa paghahanap kung sino man yung gustong sirain ang pamilya namin.

May napapansin din ako sa misis ko. Laging nahihilo at nagsusuka pa tuwing umaga. Nagiging mapili rin sa pagkain. Katulad ngayon, siya na mismo ang nagluluto ng pagkain niya dahil baka kung iba pa raw hindi niya kainin yun.

Nabigla naman kami ng dumating na ang mga kaibigan namin pati ang kambal. Niyakap ko naman sila.

"Dada, where is Mommy?" Pagtatanong sakin ni Savannah.

"Nasa kitchen. Go to her, I'm sure, Mommy miss the both of you." Sagot ko naman at tumakbo na nga ang dalawang bata papunta sa Mommy nila.

Ngumiti naman ako sa buong tropa. Yung reaksyon nila halatang sobrang saya. Bakit kaya?

"Ion, na sabi na ba sayo ni Sis?" Tanong sakin ni Anne. Napakunot noo naman ako.

"Huh? Ang alin?" Balik tanong ko naman sa kanya.

"Niloloko mo naman kami eh. Pero... Congrats, Ion! Magiging Daddy kana ulit! Buntis ulit si Vice! 1 month na yung tiyan niya!" Masayang sabi ni Anne.

Napatulala naman ako sa narinig ko. Buntis? Si Vice buntis? Paano?

"Darling, bakit nakatulala ka?" Saad sakin ni Vice. Nabalik naman ako sa ulirat. Tiningnan ko ng mabuti si Vice.

"Sis, nakakatuwa si Ion parang hindi pa rin pala nagsisink in sa kanya na buntis ka ulit, hahahaha." Masayang saad ni Anne. Sinamaan naman ito ng tingin ni Vice.

"Anne, mukhang hindi pa nasasabi ni Vice kay Ion yung tungkol dun." Awkward na saad ni Mariel.

Napatitig naman si Anne kay Vice. Nanatili namang seryoso ang mukha ng aking asawa. Nagpeace sign namin si Anne.

"Ang daldal mo, ngangabu. Mamaya ko pa dapat sasabihin eh. Inunahan mo ako!" Inis na saad ni Vice. Nagtawanan naman kami.

"Sorry na. I didn't mean to do it." Nahihiyang saad ni Anne.

Nilapitan ko naman si Vice at binack hug siya. Lumingon naman ito sakin nang nakanguso. Ngumiti naman ako sa misis ko. Niyaya ko itong umupo habang kalong namin ang kambal.

"Totoo ba yung sinabi ni Anne?" Pagtatanong ni Ion. Tiningnan naman ako ng mabuti ni Vice.

"Bakit? Anong meron?" Nalilitong tanong ni Sky samin.

"Ion, Savannah at Sky. Buntis ako, I'm 1 month pregnant. Nagpacheck-up ako kahapon kasama si Anne. I thought hindi na ako pwedeng magbuntis ulit. Kasi diba nga my case of pregnancy is rare. Ipinaliwanag sakin ng Doctor na dahil nga nagcaesarian section ako nung pinanganak ko kayo Sav at Sky, pwede ako magbuntis hanggang tatlong beses. Then, eto na nga buntis na ulit si betle." Masayang paliwanag niya sa amin. Nayakap ko naman ng mahigpit ang aking mag-iina.

"Mommy, totoo ba yun?" Sabay na sabi ng kambal namin. Tumango naman si Vice.

Nagtatalon sa tuwa sina Savannah at Sky. Pati rin sina Vhong nagdidiwang. Nilingon ko si Vice, ito naman ay umiiyak.

"Bakit ka naiyak?" Tanong ko kay Vice habang hawak ko ang magkabilang pisngi niya. Pinunasan ko na rin ang luha niya.

"Masaya lang ako. Hindi ko akalain na pwede pa pala akong magbuntis ulit. Kasi diba alam mo yun milagro na lamang nung nagkaanak tayo. Kaya sobrang saya ko na pwede pa pala tayong magkaanak." Umiiyak na sagot niya sakin.

"Hush, Darling. Kung masaya ka masaya rin ako. Bonus na yung nabigyan tayo ng supling noon tapos ngayon meron na naman. Thank you, Darling. I love you." Malambing kong tugon sa asasa ko.

"I love you too." Sagot niya sakin.

Nagyakapan naman kaming dalawa at naglapat ang aming labi. Inabot ng ilang minuto ang halikan namin bago kami naghiwalay.

"Mommy, Dada you're so sweet." Nakangiting saad ni Savannah bago lumapit samin.

"Excited na ko kay baby brother." Masayang sabi ni Sky at nagtatalon pa nga.

"Shut up, Sky. It's a girl. We will have a baby sister." Masungit na sabi ni Savannah.

"No, it's a boy!" Sagot muli ni Sky.

"Girl!" Galit na sabi ni Savannah.  Pumagitna naman ako sa dalawa kong anak. Dahil naghahampasan na sila.

"Mga anak, kahit ano man ang maging gender ng kapatid niyo. Tanggapin at mahalin niyo pa rin. Kasi blessings yun satin eh. Alam niyo naman diba yun." Pangangaral ko sa kanila.

Lumingon naman kami sa pwesto ni Vice. Kita ko ang galit sa mukha nito. Napalunok naman ang aming kambal. Agad silang nagtago sa likod ko.

"Dada, Mommy is really mad." Takot na sabi ni Savannah.

"Dada, galit si Mommy. Sigurado she will not talk to us." Saad ni Sky. Inalalayan ko naman ang kambal papalapit sa Mommy nila. Pero nagpupumiglas sila dahil sa takot nga.

"Savannah Khione Viceral-Perez, Sky Eros Viceral-Perez. Lumapit kayo sakin." Seryosong saad ni Vice punung-puno naman ang boses nun ng authority at galit. Miski naman ako napalunok. Pero hindi pa rin lumalapit ang kambal.

"Ang sabi ko, lumapit kayo sakin!" Galit na talagang sabi ni Vice. Dali-dali namang lumapit ang kambal.

"What did I said to the both of you?" Pagtatanong ni Vice.

"Wag kaming mag-aaway kasi kapag nag-aaway kami. Nasasaktan ka rin, dahil ayaw mo kami nakikitang ganun." Sagot ni Sky at lumapit sa kanilang Mommy para kumalong.

"Dapat lagi kaming nagtutulungan at nagmamahalan." Dugtong ni Savannah at gumaya kay Sky.

Napabuntong hininga naman ang aking Misis. Nanatili akong nakamasid sa kanila. Tumabi na rin ako sa pag-upo kina Ate Amy.

"Ang galing ng pagpapalaki ni Vice sa anak niyo no. Halatang naturuan niya talaga ng maayos. Tingnan mo lahat ng pangaral niya tanda pa ng anak niyo." Nakangiting saad ni Ate Amy. Napatango naman ako sa narinig ko.

"Mukhang okay na yung tatlo. Nagyakapan na eh at nakangiti na sila." Saad ni Teddy. Napalingon naman kami at ganun nga ang nakita namin.

"Magcelebrate na tayo! Inuman na!" Anunsyo ni Jhong. Agad naman kaming sumang-ayon.

Another blessing na naman ang natanggap namin sa Panginoon ngayon. Excited na ko para sa magiging anak namin muli ni Vice.

Way Back Into My Wife and Kids (COMPLETED)Where stories live. Discover now