Chapter 7

2K 63 10
                                    

VICE POV

Pwede na kong lumabas ngayon ng ospital at makikita ko na muli ang aking mga anak. Namimiss ko na sila. Pero nagtataka ako, simula ng magkita kami ulit ng buong pamilya ko. May isang importanteng tao ang hindi ko pa nakikita ulit.

"Mommy, where's Daddy? Simula nung bumalik ako. Di ko man lang siya nakita." Saad ko kay Mommy. Lumungkot naman ang mata nito at umiyak. Tumabi naman siya sakin.

"Wala na siya. Patay na ang Daddy mo. Hindi niya nakayanan ang pagkawala mo noon, akala talaga niya patay ka na, kayo ng mga apo ko. Napabayaan niya ang sarili niya. Hanggang sa nagkasakit siya, hindi na siya nagpagamot. Dahil gusto ka na raw niya ulit makita. Iniwanan ako ng Daddy mo mag-isa." Umiiyak na sabi nito sakin. Nang marinig ko iyon ay bumuhos na lang din ang luha ko. Namuo naman ang galit sa dibdib ko.

"Kailan pa siya patay?" Umiiyak kong tanong. Niyakap naman ako ni Ion para kumalma. At hinawakan ang nga kamay ko.

"2 taon na Vice." Saad sakin ni Mommy. Napakuyom naman ang mga kamao ko.

"Ion, pupuntahan ko si Terrence. Mag-uusap kami." Seryosong saad ko. Tumayo naman ako para umalis. 

"No, Darling. Dito ka na lang." Sagot naman niya sakin at humarang sa daraanan ko. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Hindi, pupuntahan ko siya! Sumang-ayon ka man o hindi!  Get out of may way, Ion!" Galit kong saad sa kanya.

"Sige na puntahan mo na siya pero sasamahan kita." Sagot niya sakin. Tiningnan ko naman siya ng diretso sa mata.

"Hanggang sa labas ka lang ng kwarto. Ako lang makikipag-usap sa kanya." Saad ko naman kay Ion at tumango na lamang ito sakin. Lumingon namana ako sa mga kasama namin.

"Mauna na kayo. Susunod na lang kami ni Ion." Sabi ko sa kanila at pumunta na nga kami sa room ni Terrence.

Pagkapasok ko dun ay paalis na rin pala ito. Dadalhin na sa kulungan. Mabuti naman. Pero bago yun, dapat ko muna siyang kausapin.

"Mga Sir, iwanan niyo po muna kami. Kakausapin ko lang siya. Sa labas na lang muna kayo at saka nakaposas naman siya eh." Saad ko sa kanila. Tumango na lamang sila sakin. Pagkaalis nila ay nilapitan ko agad si Terrence.

"Terrence, bakit?! Bakit mo ko nilayo sa pamilya ko?!" Saad ko sa kanya. Pinipigilan kong wag magwala sa galit na nararamdaman ko.

"Nagawa ko yun kasi... kasi.. Mahal kita! Mahal na mahal kita. Inilayo kita dahil ayaw kong madamay ka sa away nina Ion at Alexander. Kaya ko ginawa yun, Honey." Sagot nito sakin. Nasampal ko naman siya dahil sa galit.

"Wag mo kong tawaging Honey! Napakasama mo! Akala ko masama na si Alexander, pero mas malala ka pala sa kanya!" Galit kong saad sa kanya.

"Sabihin mo na ang gusto mong sabihin sakin. Pero ang masasabi ko lang sayo, nagawa ko lang ang lahat ng mga yun. Dahil mahal kita." Sagot niya sakin.

"Ang selfish mo! Ang selfish mo! Dahil sa pagtatago mo sakin sa totoong pamilya ko. Namatay ang ama ko! Namatay siya! Hindi ko man lang nalaman na patay ang Daddy ko." Umiiyak kong sabi sa kanya at sinuntok suntok ko ang dibdib niya. Pero umiwas siya ng tingin sakin.

"Teka, alam mo bang patay na si Daddy?!" Pagtatanong ko sa kanya. Pero hindi siya sumasagot sakin.

"SUMAGOT KA, TERRENCE! SUMAGOT KA!" Sigaw ko sa kanya.

"O... O.. Oo, alam ko. Sorry. Sorry talaga." Paghingi ng tawad nito sakin. Para akong nabingi sa mga narinig ko.

"PUTANGINA! TERRENCE, ALAM MO NA PALA DATI PA! NAPAKAHAYOP MO, TERRENCE! DEMONYO KA! ANONG NAGAWA KONG MALI SAYO?!  PARA GAWIN MO TO SAKIN, SA PAMILYA KO!" Galit na galit kong sigaw dito. Pumasok naman sina Ion para pakalmahin ako at ilayo si Terrence sakin.

"Darling, kumalma ka. Lahat ng ginawa niya satin. Pagbabayaran niya lahat yun." Saad sakin ni Ion at niyakap ako. Humiwalay naman ako sa kanya at tumingin kay Terrence. Tiningnan ko siya na diring diri ako sa isang katulad niya.

"Vice, minahal mo ba ako miski paano?" Tanong sakin ni Terrence. Napasmirk naman ako sa kanya.

"Oo minahal kita dahil akala ko ikaw talaga ang asawa ko. Pero ngayon wala na! Kinamumuhian kita!" Galit kong saad sa kanya. Napatungo naman si Terrence.

"Alis na tayo, Darling. Ayaw ko ng makita ang pagmumukha ng lalaki na yan." Saad ko kay Ion. Paalis na sana kami ng magsalita muli si Terrence.

"Babawiin kita sa kanya, Vice pati ang mga anak natin. Babalikan ko kayo." Saad nito. Sasagot sana ako ng pigilan ako ni Ion.

"Hayaan mo na siya. Uwi na tayo, Darling. Inaantay ka na ng mga anghel natin." Saad sakin ni Ion at hinalikan ang aking noo.

Magsisimula muli kami ng aking pamilya. Magiging masaya kami at kakalimutan namin na nagkaroon ng Terrence sa buhay namin.

Way Back Into My Wife and Kids (COMPLETED)Where stories live. Discover now