Chapter 24

1.7K 58 24
                                    

VICE POV

Sobrang saya ko dahil magkakaroon na naman ng panibagong anghel sa pamilya namin. Hindi ko akalaing pwede pa pala.

"Darling, bakit ka naiyak?" Tanong sakin ni Ion at yumakap sa may bewang ko. Hinalikan ko naman ng mabilis sa labi si Ion.

"Masaya lang ako, dahil magkakaroon na naman ng panibagong anghel sa bahay natin. Excited na ko." Nakangiting sagot ko naman sa kanya.

"Ako rin, Darling. Babae o lalaki kaya ang bunso natin?" Tanong naman niya sakin sabay subsob sa may leeg ko.

"Di ko pa rin alam. Pero kahit ano man ang gender niya okay na okay sakin." Sagot ko naman.

Namayani naman ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Umaga pa naman kaya masarap magmuni-muni. Ang kambal namkn tulog pa. Napagod sa paggagala namin kahapon.

"Darling, punta kaya tayo sa Tarlac ngayon? Isama natin si Mommy mo." Saad ni Ion sakin saka lumayo para pumunta sa may cabinet namin.

Napaisip naman ako sa sinabi ng asawa ko. Oo nga naman, pwede yun. Pumayag naman ako sa naisip ni Ion. Ginising na rin namin agad ang kambal at tinawagan si Mommy para makapunta sa Tarlac.

Sumama na rin samin ang buong tropa dahil wala naman daw silang gagawin. Nakabukod sila samin ng sasakyan. Hanggang sa nakarating na kami kina Ion.

"Nanay, andito na po kami." Bungad ni Ion pagkapasok namin sa loob ng bahay.

Sinalubong naman kami ng pamilya ni Ion este ng pamilya ko na rin. Yumakap naman kami sa kanila.

"Buti, dumalaw kayo rito." Saad samin ni Nanay Zeny.

"Naisipan po kasi ni Ion. At saka matagal na po kami hindi nakakapunta rito." Nakangiti ko namang sagot.

"At saka may sasabihin po kami sa inyo." Masayang saad ni Ion. Napatingin naman samin ang lahat.

"Mommy, is pregnant again!" Sabay na sabi nina Savannah at Sky habang mga nagtatalon talon pa. Tiningnan ko naman ang reaksyon ni Ion at nakasimangot ito. Napatawa naman ako dahil dun.

"Inunahan niyo naman ako sa pagsasabi mga anak eh." Nakangusong saad ni Ion. Tinawanan naman namin siya at tuwang-tuwa ang buong pamilya.

"Ion, magbibihis lang muna ako huh. Okay na naman ang kambal eh." Saad ko kay Ion.

"Gusto mo bang tulungan kita?" Pilyong tanong sakin ni Ion. Kinurot ko naman ito sa tagiliran.

"Ang pilyo mo talaga." Saad ko rito. Hinalikan lamang ako ng mabilis nito sa labi.

"Mamaya na yan, ano ba naman kayo?!" Panira na naman saad ni Jhong. Inirapan ko na lamang ito at umalis na ko para magbihis na nga.

Nagsuot na lamang ako ng over sized tshirt at ng maikling short. Dinala ko na lamang din ang cellphone ko. Pagpunta ko sa sala ay may mga merong hindi pamilyar na tatlong lalaki ang nandun.

"Nasan na ba yung asawa mo, Pareng Ion?" Tanong nung isa kay Ion. Yung lalaki moreno,matangkad, macho at gwapo rin.

Napatingin sila sa gawi ko at ngumiti. Lumapit naman sakin ang isang lalaki na katulad din ng kasama niya maputi nga lang ito at medyo marami ang tattoo.

"Hi, Ms. Beautiful. Ako nga pala si Troy. Pinsan ka ba nina Ion?" Pagtatanong nito sakin at inilahad ang kamay niya sakin. Siniko naman ito ng isa at lumapit sakin yung isa nilang kasamahan na medyo katulad nito ni Troy.

"Ahm, wag ka dyan bolero yang si Troy. Ms. Perfect, ako naman si Harry." Nakangiting saad naman nito. Bolero raw si Troy siya rin naman. Hanggang sa lumapit na rin sakin yung kausap kanina ni Ion.

"Ako naman si Christian, My Future." Sabi nito sakin. Hanggang sa nagsisikuhan na ang tatlo.

"Ate Vice, gusto mo ba ng mangga?" Tanong sakin ni Natalia galing sa kusina.

"Sige, Natalia. Tamang tama magsasabi pa lang din sana ako niyan kay Ion eh." Sagot ko naman sa kanya. Tumango naman ito sakin at bumalik na sa kusina.

"Vice, pala ang pangalan mo. Alam mo ba, you can be the president of my life." Sabi ni Harry sakin at saka ako kinindatan.

"Wag na kayong magpacute sakin. May asawa at anak na ko." Nakangiting saad ko sa kanila. Nanlaki naman ang mga mata nila.

"Ang sakit naman nun. Sabihin mo na agad samin kung di mo kami type hindi yung sasabihin mo na may asawa't anak ka na." Kunwaring nagdadamdam na sabi ni Troy.

Lumapit naman na ako kay Ion at nakasimangot ang mukha nito. Halatang hindi niya gusto yung nakita niya. Palibhasa hindi siya makatayo dahil nakaunan sa mga hita niya ang kambal habang tulog.

"Wag ka ng sumimangot, Darling." Malambing na sabi ko sa kanya saka hinalikan ng medyo matagal ito sa labi. Ngumiti naman na ito.

"Halik lang naman pala ang sagot para hindi na magselos." Pang-aasar ni Nelson samin. Natawa naman kami dahil dun.

"Ion, asawa mo talaga si Vice?" Tanong ni Christian kay Ion.

"Oo, kaya mga Pare sa iba na lang kayo. Anak namin at saka nga pala buntis ulit itong Misis ko." Seryosong saad ni Ion.

Humingi naman ng pasensya ang mga kaibigan ni Ion. Hindi naman nila alam kasi na ako ang asawa ng Darling ko.

"Ganda mo talaga ,Sis. Kahit saan ka magpunta malakas ang dating mo." Puna sakin ni Anne. Ngumiti naman ako sa kanya at nagpose na parang model.
Hinapit naman ni Ion ang bewang ko.

"Bakiiiiiiit?" Tanong ko kay Ion. Inirapan naman ako nito. Gets ko na kung bakit ganito ang asawa ko.

"Darling, wag ka na magtampo. Alam mo namang ikaw lang ang mahal ko. Miski marami man ang magpacute dyan sakin. Ikaw lang, wala ng iba. I love you." Panunuyo ko sa kanya at sumandal ako sa balikat niya.

"I love you too." Tugon nito at hinalikan ang tuktok ng ulo ko.

Nagreact naman ang mga kasama ko na kinakagat na raw sila ng langgam. Tumawa na lamang kami. Hindi na maiaalis samin na maging sweet sa isa't isa. Namiss ko ang pagiging ganto namin na mag-asawa.

Way Back Into My Wife and Kids (COMPLETED)Where stories live. Discover now