Chapter 22

1.6K 48 12
                                    

VICE POV

Ilang buwan na ang lumipas simula nang makabalik ako sa pamilya ko. At sa mga buwan na rin yun, hindi ko pa rin kilala kung sino ang nagpapadala sakin ng mga death threats. Sa pag-aasikaso ko dun nawawalan na ko ng oras sa asawa't mga anak ko. Ilang beses na rin kaming nag-aaway dahil sa pag-alis ko.

"Bakit ka tulala, Sis?" Pagtatanong sakin ni Anne. Hindi ko namalayan na napatulala na pala ako dahil sa pag-iisip.

"Wala naman." Simpleng sagot ko naman sa kanya.

"Sis, tell me. What's your problem?" Pagpupumilit ni Anne. Kami lang ngayong dalawa ang magkasama. Busy kasi ang iba naming kaibigan.

"Malimit kasi kaming nag-aaway ngayon ni Ion. Kaya nga yung kambal namin nandun kay Mommy. Nakokonsensya ako, kasi nagkukulang na ko ng oras sa kanila." Sagot ko naman dito. Tumulo naman ang mga luha ko.

"Bakit ba kasi?" Pagtatanong pa rin nito. Napabuntong hininga naman ako.

"Vice, dahil nawawalan ka na ng oras sa asawa mo at ang lagi mong kasama si Jhong. Napapalapit na si Ion kay Raissa. Pinag-uusapan na nga sila eh na may relasyon yung dalawa." Dugtong pa ni Anne. Napatingin naman ako sa kanya.

"May tiwala ako sa asawa ko. Hindi niya ko magagawang lokohin, mahal ako nun eh. Hayaan na natin yung mga naninira sa relasyon namin. Si Raissa lang yung nalapit sa asawa ko. Pero hindi naman yun pinapansin ni Ion.". Nakangiti kong sagot sa kanya. Alam kong hindi ako kayang lokohin ng asawa ko. Mahal ako nun eh.

"At saka nga pala, diba ang huli niyong pinag-awayan ni Ion. Yung hinayaan mong makalaya na si Terrence. Bakit ba?" Pagtatanong muli nito.

"Anne, wag kana magtanong. Basta lahat ng ginagawa ko may rason. Magtiwala lang kayo sakin." Sagot ko muli.

Hanggang sa nagkayayaan kami na pumunta sa may opisina. Kasama na namin ngayon ang buong tropa. Sasabihin ko na pati ngayon kay Ion yung hinaharap kong problema. Dapat harapin namin to ng magkasama kami.

Masaya kaming nagkekwentuhan habang papasok sa loob ng opisina ni Ion. Pagkabukas ko ng pinto, laking gulat ko sa nakita ko.

Si Ion may kahalikan nasa ibabaw niya yung babae. Lahat kami natulala sa nasaksihan namin.

"ION, ANO IBIG SABIHIN NITO?!" Gulat na sigaw ni Karylle.

Napatingin naman sila samin. Pagtingin ko sa babae, ang kahalikan niya pala ay si RAISSA! Agad naman tinulak ni Ion yung babae niya. Kinurot ko ang sarili ko dahil baka panaginip na naman ito. Pero hindi totoong nangyayari talaga lahat ng ito.

"Raissa, lumabas ka muna dito. Kapag hindi naging maayos ang pamilya ko malalagot ka sakin!!" Galit na saad ni Ion kay Raissa.

Ang kapal ng mukha niya. Agad naman lumabas ang babae ni Ion at tiningnan pa ko nito ng nakangiti. Lumapit naman ako kay Raissa at sinampal ito saka sinabunutan. Inawat naman ako nina Anne pati ni Ion, kaya nakalabas ito.

"Ion, ano ibig sabihin nito?!" Galit kong tanong sa kanya.

"Hindi ito katulad ng iniisip mo. Hinalikan niya ako, Darling. Alam mo namang hindi kita kayang pagtaksilan diba. Nakainom ako, hindi ko na alam yung nangyayari." Paghingi ng paumanhin sakin ni Ion at hinawakan ang mga kamay ko. Nasampal ko naman ito dahil sa galit. Kung ayaw niya yun bakit hindi man lang niya itinulak agad. Siguro, kung hindi kami dumating baka hindi pa sila tumigil.

"Diba, dapat magalit din ako sayo! Dahil lagi kang walang oras samin ng mga anak natin. Tapos ngayon ka lang bumalik. Halos mabaliw na ko kakaisip kung nasaan ka." May halong pagsusumbat sakin ni Ion.

"GUSTO MO TALAGANG MALAMAN KUNG BAKIT WALA NA AKONG ORAS SAYO?! DAHIL MAY NAGTATANGKA SA BUHAY KO PATI SA BUHAY NIYO NG MGA ANAK NATIN! HANGGANG NGAYON HINAHANAP KO PA RIN KUNG SINO ANG NASA LIKOD NG MGA YUN! NAGTATAKA KA KUNG BAKIT ISANG LINGGO AKO NAWALA?! KASI NABARIL AKO NUNG NAKARAAN, NAGPAGALING PA AKO! ANG KARAMAY KO LANG NUN SI JHONG!" Galit na galit kong sigaw kay Ion.

Sa gitna ng pag-aaway namin ni Ion at punasok sina Mariel.Kinaladkad nila si Raissa pabalik sa opisina ni Ion. Nag-init muli ang ulo ko ng makita ko siya.

"Magsalita kang malandi ka! Sisirain mo pa ang pamilya ng kaibigan namin!" Galit na saad ni Mariel dito.

"Ako ang unang humalik kay Ion. Matagal ko na talaga siyang nilalandi, pero miski kailan hindi man lang niya ako pinansin. Dahil nga mahal na mahal ka niya. Kaya naman pwinersa ko siyang halikan. I'm sorry po." Saad ni Raissa. Tiningnan ko naman ito kung nagsasabi nga ng totoo. Base sa pagkikita ko sa kanya nagsasabi nga ito ng totoo. Sinenyasan ko naman sila Vhong na ilabas na ang malanding babae na ito.

"Wag na kayo mag-away na mag-asawa. Pag-usapan niyo ang mga problema na yan. Laban ng isa, laban niyo parehas. Ayusin niyo huh. Aalis na muna kami." Nakangiting saad samin ni Ate Amy bago sila tuluyang umalis.

"Pasensya na kung hindi ako naniwala sa sinabi mo." Paghingi ko ng paumnahin kay Ion. Tumango naman ito sakin at hinalikan ang noo ko.

"Bakit hindi mo sinabi sakin? Diba sabay nating haharapin yung lahat ng problema. Anong nangyari?" Sagot nito sakin.

"Kasi natatakot akong baka madamay ka. Baka mas lalo kayong mapahamak ng mga anak natin." Umiiyak ko namang sagot sa kanya. Niyakap naman niya ko ulit at saka ako hinalikan ng mabilis sa labi.

"Darling, haharapin natin ng sabay ang lahat ng problema. Okay? Magsisimula ulit tayo. Mas lalo pa tayong magiging matibay. I love you." Malambing niyang sabi sakin.

"I love you too, Darling. Pangako tayo ng dalawa ang haharap sa lahat ng problema." Sagot ko naman sa kanya.

Naglapat naman ang aming mga labi. Hanggang palalim na ng palalim ang aming halikan. At ang mga iba pang mangyayari, ay sa amin na lamang mag-asawa.

Way Back Into My Wife and Kids (COMPLETED)Where stories live. Discover now