Chapter 17

1.7K 55 4
                                    

VICE POV

Nakatitig lamang ako sa mukha ni Ion. Pinagod na naman niya ko ng husto. Inabot ulit kami hanggang umaga.

Naisipan ko namang maligo na. Pagkatapos kong maligo ay pumili na lamang ako ng simpleng damit na masusuot.

Tulog na tulog pa rin si Ion. Sigurado yung iba pa naming mga kasamahan, hanggang ngayon nakahiga pa rin. Maglalakad lakad na muna ako para makalanghap ng sariwang hangin. Dinala ko na lamang ang aking cellphone at wallet.

Ang sarap ng simoy ng hangin. Ang fresh sa pakiramdam. Sana lagi na lang kaming ganito. Wala na sana pang manggulo samin.

GENERAL POV

Habang nakatanaw sa malayo si Vice ay hindi niya namalayan na may nakalapit na sa kanya.

"Ms. Vice!" Hinihingal na sabi ni Kiefer kay Vice. Gulat naman ang naging reaksyon ni Vice. Lumayo naman agad si Vice sa kanya.

"Anong ginagawa mo rito?!" Nagtatakot na tanong ni Vice. Nag-aalala siya na baka may mangyaring masama na naman sa kanila.

"Wag kang matakot. Andito lang ako para balaan ka." Sagot ni Kiefer kay Vice. Napakunot naman ang noo ni Vice dahil sa narinig.

"Ano na naman ang sinasabi mo?!" Medyo inis ng tanong ni Vice, dahil naguguluhan na siya.

"Kumalma ka muna. Ipapaliwanag ko sayo ang lahat." Saad naman ni Kiefer. Miski mang nag-aalangan si Vice, ay ginawa na lamang din niya. Para matapos na ang usapan nila.

"Ms. Vice, mag-iingat kayo, lalo kana. Merong masamang tao ang nagbabalak na masama sayo pati sa pamilya mo. Unti-unti na silang kumikilos." Pagbabanta pa rin ni Kiefer kay Vice.

VICE POV

Kinabahan naman ako sa sinabi sakin ni Kiefer. What if totoo yun? Hindi ko na alam kung ano ang maaaring mangyari sa pamilya ko. Paano naman kung nagsisinungaling siya sakin?

“Baka naman nagsisinungaling ka. Inutusan ka lang siguro ni Terrence, para guluhin kami." Matapang kong saad sa kanya. Kailangan kong ipakita na matapang ako. Hindi ako natatakot sa kanila.

"Maniwala ka sakin, sa pagkakataon na ito kami ang kailangan mo. Kami ang kakampi niyo. Wag kang mag-alala, babantayan namin kayo. Basta mag-iingat ka lang sa lahat ng kilos mo. Wag ka rin mabilis na magtitiwala sa ibang tao." Sinseridad na sagot nito sakin at mabilis na umalis.

Nakaramdam ako ng takot sa sinabi niya. Gusto ko man baliwalain yung sinabi niya, pero alam ko namang pagdating sa mga ganitong bagay ay alam ko namang malabo na magsinungaling sila sakin.

Nabigla naman ako ng makatanggap ako ng tawag mula kay Ion.

On phone, "Darling"

"Good morning, Darling." Bungad ko agad sa kanya. Hindi ko pinahalata na medyo may takot akong naramdaman pagkatapos namin mag-usap ni Kiefer. Hindi ko na rin sasabihin sa kanya na nag-usap kami.

"Good morning din. Asan ka? Iniwanan mo ko rito, Darling." Medyo pagtatampo sakin ni Ion. Napatawa naman ako sa narinig ko.

"Hahahaha, tulog na tulog ka kasi." Sagot ko naman sa kanya.

"Pagkatapos mong pagsawaan ang katawan ko, iiwanan mo ko ritong mag-isa." Saad sakin ni Ion. Napanganga naman ako sa narinig ko. Sino ba namang hindi? Ako pa ang nagsawa sa katawan niya?

"Ang kapal mo Ion! Ako pa talaga huh! Bahala ka sa buhay mo!" Sagot ko naman sa kanya, na kunwari'y naiinis.

"Talaga naman eh, hahahaha." Sagot pa rin nito sakin habang tumatawa. Napailing na lang ako sa kanya. Narinig ko naman sa kabilang linya ang boses ng kambal. Mukhang andun na sila.

"Balik na ko dyan, para asikasuhin yung kambal." Saad ko sa kanya.

"Wag na dyan kana lang. Ako na bahala sa kambal natin." Mabilis nitong sagot sakin.

End call

Binabaan na agad niya ako ng phone. Well, hahayaan ko na muna siyang alagaan ang kambal. Alam ko namang gustong gusto niya na magkaroon ng bonding sa kambal namin eh.

"Vice, Vice!" Sigaw ni Jhong. Akala mo naman nawawala itong unggoy na to kung makatawag ka. Tumabi naman ito sakin at hinawakan ang bewang ko.

"Anong kailangan mo?!" Pagsusungit ko sa kanya.

"Ang aga naman ng pagsusungit mo sakin." Saad naman nito sakin. Inirapan ko naman siya.

"Kung makasigaw ka naman kasi akala mo nawawala ka." Sagot ko naman sa kanya.

Salita pa nga ng salita si Jhong pero hindi ko na lamang siya pinansin.

"May problema ka no? Sabihin mo sakin, baka matulungan kita." Saad sakin ni Jhong at tinapak pa ang balikat ko. Napalingon naman ako sa kanya. Sasabihin ko ba sa kanya o hindi?

ION POV

Dali dali kaming bumaba nina Savannah, kasabay na rin namin sina Anne. Nabigla kaming lahat ng hinalikan ni Jhong si Vice sa kanyang noo at saka sila nagyakapan. Bigla naman kumirot ang puso ko. Nakaramdam ako ng selos sa nakita ko. Alam ko naman na nagkagusto noon si Kuys Jhong kay Vice eh. Sino ba naman kasi ang hindi mapapamahal kay Vice.

"Awwww, ang sweet naman nung magcouple na yun." Saad ng mga babae sa may gilid namin habang nakatingin kina Vice. Napasimangot naman ako sa narinig ko.

"Mga binibini, hindi sila couple. Magkaibigan lang sila, super close friend as in magtropa. At saka eto yung asawa niya oh, pati mga anak." Saad ni Teddy at itinuro kami. Napatango na lamang ang mga ito at umalis na.

"Wag mo masyadong intindihin yung sinabi ng mga yun. Ang importante alam natin kung ano ang totoo." Sabi sakin ni Ate Amy at tinapik ang balikat ko.

"Alam ko naman yun. At saka magkaibigan lang naman sila. Sigurado akong namiss nila ang isa't isa." Simpleng sagot ko na lamang sa kanila at ngumiti.

Tumungo na nga kami kina Vice. Yumakap naman agad ang kambal sa kanilang Mommy. Si Jhong naman ay ngumiti lang sakin.

"Hi, Darling. Bakit ang seryoso mo ata?" Malambing na saad sakin ni Vice at kumapit sa mga braso ko.

"Wala naman. Ano pala ang pinag-usapan niyo ni Kuys Jhong?" Balik tanong ko sa kanya. Gulat naman ang naging reaksyon ni Vice pati na rin ni Jhong. Nagkatinginan pa ang dalawa.

"Wala no. Nagkamustahan lang at saka namiss kasi namin ang isa't isa. Diba unggoy." Nakangising sagot sakin ni Vice at bumaling kay Jhong. Tumango naman bilang pagsang-ayon si Jhong.

Parang may mali talaga sa kanila. Mukhang may itinatago sila sakin. Baka naman wala. Ewan ko ba, basta iba ang nararamdaman ko.

"Darling, trust me. Wag ka na mag-isip ng kung anu-ano. Kita ko sa mukha mo, na hindi ka naniniwala. Magtiwala ka sakin." Saad sakin ni Vice at hinalikan ako sa labi ng mabilis.

Sumunod na sila kina Anne papunta sa isang restaurant. Siguro nga magtiwala na lamang ako sa kanila. Alam ko namang hindi nila ako niloloko eh.

Way Back Into My Wife and Kids (COMPLETED)Where stories live. Discover now