Chapter 30

1.4K 47 16
                                    

IRIS/ VICE POV

Eto na, magkikiss na kami. Malapit na, pinikit ko naman ang aking mga mata. Ramdam na ramdam ko na ang hininga niya.

"OMG!"

"SHIT!"

"WHAT THE?!"

Ilan lamang sa narinig ko kaya naman tinulak ko ng mabilis si Ion. Bigla naman akong napatayo sa kinauupuan ko. Ramdam ko naman na nag-iinit ang mga pisngi ko.

"Saglit pa lang kami nakakaalis may ganyan ng nangyari. Grabe!" Bulalas samin ni Karylle.

Napatungo naman ako sa kahihiyan. My Gosh! Muntikan na kaming magkiss ni Ion! Magkakasala ako kay Terrence. Buti na lamang bumalik sina Anne.

"Wa... Wala lang yun. Hihipan lang sana ni Ion yung sa may mata ko. Kasi napuwing ako. Diba, Ion." Kabado kong sabi kay Ion.

Medyo kinusot ko pa ang mata ko para naman makatotohanan. Nilingon ko naman si Ion at kita ko ang nakakalokong ngiti nito sakin. Tiningnan ko naman ito ng masama.

"Oo, napuwing lang siya." Prenteng sagot naman ni Ion sa kanila.

Tiningnan naman nila kami ng may pagdududa. Kinakabahan ako sa mga tingin nilang ganun. Ang tanga ko naman kasi eh.

"Talaga lang huh. Parang di naman." Panunukso samin ni Anne at sinundot pa ang tagiliran ko.

"Ay sus, bet na bet." Pang-aasar pa rin ni Jhong samin.

"Ang dudumi ng utak niyo!" Angal ko naman sa kanila.

Tawa naman sila nang tawa sa reaksyon ko. Naramdaman ko naman na inakbayan ako ni Ion. Mas lalo naman namula ang mukha ko.

"Hoy! Hoy! Ano yan?!" OA na reaksyon naman ni Vhong. Tinanggal ko naman agad ang pagkakaakbay sakin ni Ion.

"Para kayong sira! Binibigyan niyo ng malisya ang mga bagay. Wala lang naman yun eh." Depensa ko naman sa mga nangyayari.

"Para sayo, wala. Pero sakin, meron." Saad ni Ion at nagkiller smile sakin. Fuck, ang gwapo niya.

"Ayon naman pala eh." Masayang saad ni Jhong.

"Huy! Para kayong sira! May asawa na ako no." Sagot ko naman ulit sa kanila.

"Alam namin yun no. Harutan lang naman." Saad ni Ion sakin saka ako kinindatan.

Inirapan ko naman siya. Habang inaasar asar nila kami. Nag-ring naman ang cellphone ko.

On Phone "Terrence Honey"

"Honey, tumawag ako sa bahay. Kasama mo pala ang kambal." Saad agad sakin ni Terrence sa kabilang linya.

"Ahm, yes. Kasi hinahanap daw ako ng kambal eh. Susunduin mo naman kami diba?" Malambing kong saad kay Terrence. Kunwari wala akong ginawa.

"Oo naman. Family date tayo?" Pagtatanong sakin ni Terrence.

"Sure, excited na ko mamaya. See you later. I love you." Saad ko.

"I love you too. Miss na kita, Honey." Sagot nito sakin.

End Call

Napangiti naman ako sa pag-uusap namin. Ang lambing talaga niya kahit kailan.

"Tapos na kayo maglandian?" Pagtatanong sakin ni Ion.

Nagulat naman ako sa pagtatanong niya sakin. Sinamaan ko naman ito ng tingin. Landian?!

"Hoy! Anong sinasabi mo na landian?! It's a normal thing sa mag-asawa no. Ang bastos ng mouth mo, SIR. BENIGNO PEREZ!" Inis kong sabi sa kanya.

"Bitter kasi yang si Ion! Wag mo ng pansinin yan." Pang-aalo sakin ni Anne saka tinapik ang balikat ko.

Tumango na lamang ako. Saka ako lumapit sa may kambal kong anak. Napangiti naman ako habang pinagmamasdan ko ang mga anak ko. Bakit ba ganun?

"Parang kamukha niyong dalawa si Ion." Wala sa sarili kong nasabi.

Akala ko mahina lamang ang pagkakasabi ko. Yun pala narinig na naman nila.

"Oo nga. Kanina pa namin gustong sabihin yun. Kaso baka magalit ka. Gusto namin sayo mismo manggaling." Ngiting sabi sakin ni Karylle.

"Kamukha ko nga sila, mga gwapo't maganda eh." Masayang sabi ni Ion saka tumabi rin sa kambal.

"Mahal ko kayo, Savannah at Sky." Malambing na sabi ni Ion sa mga anak ko saka nito hinalikan sa may noo.

Mas lalo naman akong napangiti sa nasaksihan ko. Mukha kaming isang pamilya sa nasasaksihan ko.

"Ang sweet naman." Bulalas ni Anne. Kaya naman napatango ako.

"Sana pwedeng laging nandito ang mga anak mo, Iris. Kahit wag na ikaw ang pumasok, yung kambal na lang. Hahahaha." Saad sakin ni Ion.

"Ah talaga ba. Sige, sabi mo yan huh." Inis kong sabi sa kanya. Nasaktan ako dun sa sinabi niya!

Tatayo na sana ako ng bigla ako nitong hinigit palapit sa kanya. Kaya sa 'di inaasahang pagkakataon. Nagkalapit na naman muli ang aming katawan lalo na ang mukha naming dalawa. Pinulupot niya ang mga braso niya sa baywang ko.

Ramdam na ramdam ko ang bilis nang tibok ng puso ko. Parang sasabog na yung puso ko. Hanggang sa may tumulak ng ulo ko at ulo ni Ion. Kaya naman ang naudlot na kiss kanina. Natuloy na.

Ang lambot ng labi niya. Napapikit naman ako dahil sa kiss na 'to. Hanggang sa unti-unting gumagalaw na ang labi ni Ion. At sa hindi malamang dahilan kusang tinugon ko ang halik ni Ion.

Mali ito eh, may asawa na ko. Pero hindi ko mapigilan na hindi tumugon sa halik ni Ion. Fuck, parang ito yung pumupuno sa pagkatao ko.

"Aaaaaahhhhhhhh! Ang sweeeeeeeet!" Irit nina Anne.

Kaya naman napahiwalay kaming dalawa ni Ion. Habol naman naming dalawa ang hingan namin. Ang intense nun. Di ko akalain na ganoon katindi ang halikan sa pagitan naming dalawa.

"Wow huh! Ayaw niyo pa ng lagay na yan." Pang-aasar naman samin ni Jhong.

Napatungo naman ako sa hiya na naramdaman ko. Nagkasala na talaga ako kay Terrence.

"Don't be shy. It's okay to us. Support namin kayo. At hindi rin yun makakarating sa asawa mo." Ngiting saad sakin ni Anne.

"Sa... Salamat." Tanging nasambit ko na lamang.

"I'm sorry, Iris." Sambit sakin ni Ion. Tumingin naman ako sa kanya at nginitian siya ng tipid.

"It's okay. May kasalanan din ako. Pero last na ito." Sagot ko naman sa kanya.

Sana nga last na ito. Kung hindi talagang mababaliw na ako. Nagkakasala ako sa asawa ko ng wala sa oras. Dahil sa kanya makakapagtaksil ako.

Pero, infairness ang sarap niyang humalik. Napakarupok ko. Nakakahiya.

#Marupok101

Way Back Into My Wife and Kids (COMPLETED)Where stories live. Discover now