Chapter 32

1.4K 46 8
                                    

IRIS POV

Sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon. Nakokonsensya pa ako dahil sa naging halikan namin ni Ion. Pero mas malala pala ang ginawa niya sakin.

Habang umiiyak ako ay dumating na ang mga anak ko at tagapagbantay nila.

"Mommy, why are you crying?" Pagtatanong sakin ni Savannah.

"Sav, let's kiss and hug Mommy. Para mabawasan yung nararamdaman niyang hurt." Sabi ni Sky kay Savannah.

"True! Ganun ginagawa satin ni Mommy eh." Sagot naman ni Savannah.

Agad naman nila akong niyakap at hinalikan sa pisngi. Pinunasan din nila ang mga luha ko. Ngumiti naman ako sa kanila.

"Effective diba. Okay ba, Mommy." Ngiting saad sakin ni Sky. Tumango naman ako sa kanya.

"Ang swerte ko talaga sa inyong dalawa. Thank you, babies." Saad ko naman sa kanila.

Nababawasan ang sakit na nararamdaman ko dahil sa kanila. Nakangiti naman samin ang mga kasama dito sa kwarto.

"Salamat, Sheena at Alex sa pagbabantay sa mga anak ko." Ngiting saad ko sa kanila.

"Totoo ba ang hinala mo, Ma'am kay Sir. Terrence." Tanong sakin ni Sheena.

"Oo, kalimutan natin yan. Hiwalay na kami ni Terrence. Ayokong magpakatanga sa kanya. Pagkatapos niya kong lokohin." Sagot ko naman.

Tumango-tango naman sila sakin. Kita kong nainis din sila. Sila ang karamay ko sa panahong nalulungkot ako. Kinulbit naman ako ng mga bata.

"Mommy, hiwalay na kayo ni Daddy? Edi, wala na kaming Daddy. Hindi na rin ba namin siya makikita?" Malungkot na tanong sakin ni Sky.

"Yes, baby. Hiwalay na kami, pero Daddy niyo pa rin siya. But, I can't promise you na makikita niyo agad ang Daddy niyo. Masyadong masakit ang ginawa niya sakin. Maiintindihan niyo yun pagmatanda na kayo." Sagot ko naman sa kanila. Matatalino ang anak ko, kaya alam kong naiintidihan naman nila ang lahat.

"Okay, Mommy. We understand. It's okay kahit hiwalay na kayo ni Daddy. Basta hindu ka na naiyak and hindi ka na rin niya maloloko." Nakangiting saad sakin ni Savannah.

Nayakap ko naman sila dahil sa suportang natatanggap ko. Okay na talaga kahit wala si Terrence sa buhay namin. Basta kasama ko ang mga anak ko masaya na ako.

"Saan kayo titira na mag-iina?" Pagtatanong sakin ni Anne.

"Hindi ko pa alam. Kasi hindi pa tapos yung pinapagawa kong bahay. Baka maghotel na lang muna kami." Sagot ko naman sa kanila.

"Sakin na lang kayo tumira. Ako lang mag-isa sa bahay. At least may kasama na ako roon." Saad ni Ion.

Nabigla naman ako sa sinabi nito. Nababaliw na ata itong lalaki na to. Lumapit naman ito sakin at hinawakan ang kamay ko.

"Pumayag kana. Bawas gastos din yun sayo." Pagpupumilit naman sakin ni Ion.

"Ma'am bagay kayo ng Boss mo. Kayo na lang kaya." Pang-aasar sakin ni Alex. Namula naman ako sa sinabi nito, kaya inalis ko ang kamay ni Ion na nakahawak sakin.

"Para kayong sira!" Pagsuway ko sa kanya.

"It's true, Mommy. You and Dada are good together. I wish he can be our Daddy, too. Right, Sky?" Masayang saad ni Savannah. Tumango naman si Sky.

Napatampal naman ako sa noo ko. Ang mga anak ko talaga. Kung anu-ano naiisip.

"I can be your Daddy too. Pilitin niyo si Mommy niyo na pumayag sakin kayo tumira. Para lagi tayong magkakasama." Nakangiting saad ni Ion sa kambal.

Nagtatalon naman sa tuwa ang kambal ko. Tiningnan naman nila ako ng nagpapacute na pumayag sa gusto ni Ion.

"Oo na sige na. Pero kapag nagpasaway kayo aalis tayo roon. Okay?" Sagot ko naman sa kanila.

Nagtatalon naman sa tuwa ang mga anak ko. Nagdiwang din naman ang mga kasama ko rito. Niyakap naman ako ni Ion.

"Thank you! Thank you very much, Lab!" Masayang sabi sakin ni Ion.

"Wow, Lab!" Pagpuna ni Jhong samin. Namula naman ang mukha ko sa sinabi nito.

"Hoy, Ion! Anong Lab?! Magtigil ka nga dyan." Saway ko naman sa kanya.

Pero hindi ako pinansin nito. Ang sunod niyang niyakap ay ang kambal. Bakas sa mukha ni Ion ang saya. Kung buhay siguro ang asawa't anak niya sobrang swerte nun. At masaya naman ako dahil nararanasan ko ang alagang Ion Perez.

Pagkatapos ng trabaho ay dumiretso kami sa bahay ni Ion. Sumakay kami sa iisang sasakyan lamang. Pagkarating namin doon ay namangha ako sa ganda ng bahay niya.

Pagkapasok namin sa loob ay mas lalo akong humanga sa ganda. Sa tingin ko yung asawa ni Ion, si Ms. Vice ang nagdecide ng design sa bahay. Halata eh.

"Ang ganda ng bahay niyo, Ion. Ang galing ng asawa mo sa pagdesign ng bahay niyo." Nakangiting sabi ko kay Ion.

Rumehistro naman ang gulat sa mukha ni Ion sa sinabi ko. Ngumiti naman ito sakin.

"Paano mo nalaman?" Tanong niya sakin.

"Halata naman eh. Kung ikaw ang magdedesign dito, sigurado pangit, hahahahaha." Pang-aasar ko sa kanya.

Lumapit naman ito sakin at hinapit ang baywang ko palapit sa kanya. Nilapit naman nito ang mukha niya sakin.

"Kapag inasar mo ulit ako hahalikan kita dyan. Gusto mo yun?" Pananakot nito sakin. Rinig ko naman ang impit na tili nina Sheena at Alex.

"I...ito naman hindi mabiro." Utal kong sabi sa kanya at itinutulak ko siyang palayo.

Hindi naman nagpatinag si Ion sakin. Mas lalo naman siyang lumapit. Hanggang sa may dumating na mga panauhin.

"Totoo ba na dito kayo titira?" Tanong sakin ni Nanay Rosario. Sabi niya sakin yun daw ang itawag ko sa kanya. Kilala ko na ang buong pamilya ni Ion. Nagpakilala sila sakin habang nasa ospital noon si Ion.

"Opo. Nagprisinta po kasi si Ion na dito na lang muna kami tumira. Dahil hindi pa tapos yung pinapagawa kong bahay." Sagot ko naman.

"Ano bang nangyari?" Tanong naman sakin ni Nanay Zeny.

Ikinuwento ko naman sa kanila ang buong pangyayari. At sa pagkukuwento ko hindi ko naman maiwasang umiyak at masaktan.

"Tarantado pala yun eh. Tama ba namang saktan ka. Buti dito kayo pinatuloy ni Ion." Saad sakin ni Nanay Rosario.

"Oo nga po eh. Kahapon lang naman po kami nagka-usap ng matagal." Sagot ko naman.

"Gusto ka kasi ng anak ko, Iris." Sabi sakin ni Nanay Zeny. Namula naman ako at nagkatinginan kami ni Ion. Pero nginitian niya lamang ako.

"Hindi na po nakakapagtaka kung magkagusto sakin si Ion. Sa ganda ko ba naman na ito." Pagbibiro ko naman sa kanila. Nagtawanan naman sila sa sinabi ko.

"Hindi kita nagustuhan dahil sa ganda mo. Nagustuhan kita dahil sa ugali mo at sa kung sino ka." Seryosong sabi sakin ni Ion.

Napatahimik naman kaming lahat sa sinabi niya.

"Baka naman kaya mo siya nagustuhan dahil kamukha siya ng asawa mo." Saad ni Nelson.

Bakit hindi ko naisip yun? Na baka kaya lang mabait sakin si Ion ay dahil kamukha ko ang asawa niya. Nawala sa isip ko yun.

Hindi naman nakaimik si Ion sa sinabi ni Nelson. Ibig sabihin, totoo nga? Buti na lang, crush ko lang si Ion kaya hindi ganoon kahurt. Pero mas lumalamang pa rin sakin ang sakit na nararamdaman ko kay Terrence.

Kailangan makaalis din kami agad dito. Baka mahulog ako kay Ion. Ang nakikita lamang niya sakin ay si Vice. At ayokong masaktan.

Way Back Into My Wife and Kids (COMPLETED)Where stories live. Discover now