Chapter 5

2.1K 65 28
                                    

VICE/IRIS POV

Wala akong pasok ngayon sa trabaho. Mabuti na rin yun para maiwasan ko si Ion. Iba na yung nararamdaman ko sa kanya. Parang nagkakagusto na ko kay Ion. Ang sweet niya naman kasi. Kaya naman ginagawa ko ang lahat para pigilan yung nararamdaman ko sa kanya. Mali kasi yun dahil may asawa na ko.

Simula nung sinaktan ulit ako ni Terrence, hindi pa rin ako umiimik sa kanya. Andun pa rin yung galit na nararamdaman ko.

"Mommy, let's play at pawk (park)." Anyaya sakin ni Sky. Ngumiti naman ako sa kanya.

"Sure baby. Prepare muna tayo huh." Sagot ko naman dito. Pinaayos ko naman sa kasambahay namin ang kambal. Mag-aayos naman ako at yung dadalhin namin sa park.

"Honey, I'm so sorry for hurting you. Please forgive me. I know what I did is really wrong. Give me last chance Iris. I love you." Pagsusumamo sakin ni Terrence habang nakaluhod sa harapan ko.

"Ilang beses mo ng sinabi sakin yan. But, what happened? You did it again, Terrence!" Galit kong sabi sa kanya.

"I know. That's why, I'm saying sorry to you, Honey. Hindi ko na kaya na hindi tayo nag-uusap. Honey, please." Pakiusap nito sakin habang umiiyak. Bigla namang nanlambot ang puso ko.  Kahit nasaktan niya ako, alam ko namang mahal niya ko. Nagawa lang niya yun sa selos.

"Apology accepted, pero last na to huh. Kapag sinaktan mo ulit ako, iiwanan ka na namin." Nakangiti ko ng sabi sa kanya. Agad naman akong niyakap ni Terrence at niyakap ko rin ito ng pabalik.

"Thank you, Honey. I miss you and I love you." Malambing na saad nito sakin.

"I love you too." Sagot ko naman sa kanya. Nagkaayos na nga kami ni Terrence. Natuloy din ang pagpunta namin sa park. Masasabi kong bumalik kami sa dati ni Terrence. Mas lalo pa nga itong naging malambing samin nina Savannah at Sky. And we're so lucky to have him.

FAST FORWARD

Araw na ulit ng pasok ko sa trabaho. As usual, kasama ko ulit ang kambal. Hinatid naman muli kami ni Terrence.

"Himala bumaba ka ng kotse ngayon Terrence Romeo." Komento ko naman sa kanya.

"Para naman tigilan na ng mga lalaki ang tingin sayo. Para alam nilang ako ang asawa mo." Sagot nito sakin. Napatawa naman ako ng dahil dun.

"Possessive ka huh. Hayaan mo na sila. Hanggang tingin lang naman sila at saka alam mo namang ikaw ang mahal ko diba. Nagagandahan lang sakin yang mga yan." Sagot ko naman dito. Ngumiti na lang ito sakin. Inihatid na nga muna kami ni Terrence sa loob ng building.

"Alis na ko, Honey. Sunduin ko kayo mamaya." Saad nito sakin. Tumango na lamang ako bilang sagot. Humalik naman muna si Terrence sa kambal, pagkatapos ay sakin. Nakarinig naman kami ng tikhim at bumulong pa ng PDA raw kami.

"Ace ikaw ba yan? Vice?" Gulat na Tanong ng isang hindi pamilyar na lalaki sakin. Napangiwi naman ako sa kanya. Napagkamalan na naman ako, pero teka. Bakit pati si Terrence?

"Honey, alis ka na. Ako na lang magpapaliwanag sa lalaking to. Mahuhuli kana sa trabaho mo." Utos ko kay Terrence.

"Sige. Mamaya huh." Bilin naman niya sakin at tumango na lamang ako.  Tinalikuran ko na lamang yung lalaki at pumunta na kami sa opisina ni Ion. Pero nanatiling nakasunod samin yung lalaki.

Pagkapasok namin ay nandun na agad si Ion, sina Anne at ang pamilya ni Ion. Ang aga ata nila. Napatingin naman ako sa relo ko, hindi pa naman ako late ah.

"Vice, andito kana pala. Bakit kayo nagkiss kanina ni Ace?" Saad sakin nung makulit na lalaki.

"Ang kulit mo. Hindi ako si VICE. Ako si IRIS. And yung asawa ko hindi Ace ang pangalan niya, TERRENCE yun ang name niya. Wala naman sigurong mali kung magkiss kami diba. Kasi asawa ko siya. Sino ka ba huh?!" Inis kong saad sa kanya. Gulat ang reaksyon naman nitong lalaki.

Way Back Into My Wife and Kids (COMPLETED)Where stories live. Discover now