Chapter 3

2.1K 65 21
                                    

VICE POV

Mag-10 am na ng matapos kaming paglalaro. Kinuha ko naman ang bag ng kambal. Kumuha ako ng pamalit nilang damit, towel, powder, alcohol at cologne.

"Ion, akin na muna si Savannah at Sky. Bibihisan ko lang sila." Saad ko naman dito. Ibinigay naman niya sakin ang kambal. Inayos ko ng mabuti ang kambal. Mahirap na baka magkasakit sila. Lumapit naman sakin si Ion.

"Basa kana rin ng pawis." Sabi niya sakin. Habang ipinasok ang kamay niya sa loob ng suot kong damit at hinagod ang likod. Parang nakuryente naman ako sa ginawa niya.

"Ah.. Ion, yung kamay mo. Naiilang na ko. Chinachansingan mo ko." Matapat kong sabi sa kanya at inirapan siya.

"Hahaha, sorry. May dala ka bang damit, Iris?" Tanong niya sakin habang tumatawa. Sapakin ko kaya to. Yung kilig at saya na nararamdaman ko sa kanya. Nawala lahat yun. Badtrip to. Ano tingin niya sakin, easy girl?

"Kanina natutuwa pa ko sayo. Ngayon hindi na. Bahala ka dyan. Wag mo rin akong tatawagin na Darling. Badtrip ka." Inis kong saad sa kanya. At binigyan ko ng tinapay ang aking kambal.

"Sky, wag kang makikinig sa ituturo sayo ni Dada mo. Manyak yan. Savannah, kung magboboyfriend ka paglaki mo. Wag yung katulad ng Dada Ion mo." Pangangaral ko naman sa kanila.

"Yes, Mommy." Sagot naman ng kambal.

"Grabe ka naman sakin, Iris. Hindi pa nga tayo, LQ na agad." Nakangising tanong niya sakin. Itong lalaki na to, parang sayang saya kapag naiinis ako. Landi pa nito.

"Ang landi mo. I do not know lang huh. At saka malabong maging tayo. May asawa na ko si Terrence. At mahal ko siya. Kaya please, iba na lang landiin mo." Saad ko naman sa kanya at inirapan siya. Nag-iba naman ang reaksyon ng mukha nito. Mula sa nakangiti, sumimangot.

"Magbihis ka na muna, eto damit ko suotin mo muna." Sabi niya sakin at iniabot ang damit niya. Kinuha ko naman ito at nagbihis na sa C.R.

Infairness, ang bango ng damit ni Ion. Napakamanly ng amoy. Siguradong didikit ang amoy ng damit niya sakin.

"Iris, lumabas kana dyan. Wag mo ng masyadong amuyin ang damit ko. Ako na lang ang amuyin mo." Pang-aasar nito sakin. Agad naman akong lumabas at binatukan siya.

"Ang kapal ng mukha mo. Dyan kana nga. Magtatrabaho na ko." Saad ko sa kanya at nilapitan ko ang mga anak ko.

"Babies, maglaro lang muna kayo dito. Maya-maya mag-order na ng food si Mommy. Ano ba gusto niyong pagkain?" Malambing kong tanong sa kanila.

"Chicken, fries, ice kwiim (cream)." Bulol na saad sakin ni Sky. Napatawa naman ako dahil sa kanya.

"How about you, Darling? What do you want?" Tanong ko naman kay Savannah. Ng biglang umepal si Ion.

"Ako, Darling yung katulad ng kay Sky." Nakangiting saad nito sakin. Inirapan ko naman siya dahil dun.

"Hindi ikaw ang kausap ko. Si Savannah, ang feeling mo. Magtrabaho kana lang dyan." Sagot ko naman dito at lumingon muli ako sa aking anak.

"Baby, tell me." Malambing kong sabi rito.

"Mommy, I want lasagna." Sagot naman nito at tumango na lamang ako bilang sagot.

"Okay. Just play here, Okay?" Saad ko naman sa kanila.

Umupo na nga ako sa may table ko. Habang ginagawa ko ang mga paper works na kailangan kong tapusin ay sinisilip silip ko ang kambal. Buti na lamang hindi sila nag-aaway. Tanging ang kambal lang ang maingay dito sa opisina.

"Ahm, Iris. Wag ka na mag-order ng pagkain. Pupunta dito sina Anne, yung pamilya ko at pamilya ng asawa ko. At yung hiling ng kambal wag mo ng intindihin kasama na rin dun." Saad sakin ni Ion habang nakatutok pa rin ang paningin niya sa laptop.

Way Back Into My Wife and Kids (COMPLETED)Where stories live. Discover now