Chapter 2

2.6K 69 28
                                    

VICE/IRIS POV

Ngayon ang unang araw ko sa trabaho. Sobrang excited ako, bukod sa makakapagtrabaho na ako pwede ko pa isama ang kambal. Parang gusto ko na ring makita si Mr. Perez. Napailing naman ako. Mali ito, may asawa akong tao.

Pero di ko talaga mapigilan ang ibang nararamdaman ko. Sa tuwing naalala ko yung pagkikita namin, parang kinikilig ang pagkababae ko, kahit di naman ako tunay na babae.

Flashback

Napagdesiyunan kong isama ang aking kambal na anak pati ang kasambahay namin. Namangha naman ako sa laki ng buong company. Sana matanggap ako bilang secretary.
Akay-akay ko ang kambal habang nainom sila ng kanilang paboritong chocolate drink. Nakita ko ang gulat sa reaksyon ng mga empleyado nang makita ako. May mga nagbow naman sakin at narinig ko ang bulungan nila na "Buhay pala siya. Bakit ngayon lang siya bumalik?" Ilan lamang sa narinig ko. Nagtanong naman ako sa front desk.

"Hi, Ms. Office of the CEO please. I'm applying as  hi secretary." Nakangiti kong saad dito.

"Ms... Ms.. Mrs. Perez, sa 20th floor po." Sagot nito sakin. Nagulat naman ako dahil sa pagtawag niya sakin.

"Salamat sayo huh. At saka nga pala, hindi ako si Mrs. Perez. Ako si Iris Romeo. Sige, mauna na ko." Masayang saad ko. Pumunta na nga kami sa floor na sinabi sa front desk.

Pagkabukas ng elevator ay, tinginan sakin ang mga empleyado. Ano ba?! May dumi ba ko sa mukha?! Nakakailang naman ang tingin nila. Hanggang sa may lumapit saking lalaki at niyakap ako.

"Bumalik ka.." Bigkas nito sakin at yakap pa rin ako. Itinulak ko siya at sinampal.

"Ano ba problema mo? Bakit ka nangyayapos? Sasabihin mo rin ba na ako yung.... Mrs. Perez. Baka magkahawig lang kami. Mag-aapply sana ako bilang secretary ng CEO." Inis na saad ko sa kanya.

"Pasensya na. Baka nga magkamukha lang kayo. This way, Ms." Sabi na lang nito. Pumasok ito sa isang opisina. Hanggang sa pinapasok niya na ko.

Pagkapasok ko ay kita ko rin ang parehas na reaksyon ng mga tao kanina. Pero napako ang tingin ko sa isang napakagwapong kilala. Kay Mr. Benigno Perez. Nagkatitigan kaming dalawa. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Parang dumadagundong sa lakas. Hindi ko pa nararamdaman to miski sa asawa kong si Terrence.

"Mommy, let's go na. I'm hungry." Saad sakin ni Savannah. Buti na lamang kinulbit niya ako. Napaiwas na ko ng tingin kay Mr. Perez.

"Wait, Baby. Mag-apply muna ng work si Mommy. Okay? Go to your brother outside. Where is your nanny?" Tanong ko naman sa kanya. Itinuro naman niya ang labas. At pumasok na rin si Sky.

"Good morning, Sir. Perez. I'm Iris Romeo. Mag-aapply po sana ako as your secretary." Saad ko sa kanya. Gulat naman ang naging reaksyon sa mukha nito.

Nagulat ako ng bigla akong niyakap ng mga taong nandito sa loob ng opisina.

"Vice? Bakit Iris ang pangalan mo? Bakit ngayon ka lang bumalik?" Umiiyak na sabi ng babaeng kulot ang buhok.

"Ahm, Ma'am. Hindi po ako si Vice. Ako po si Iris, Iris Romeo. Baka kamukha ko lang po yung sinasabi niyo." Paliwanag ko naman dito. Lagi na lang nila sinasabi sakin na ako si Vice o kaya si Mrs. Perez.

"Hindi pwede. Ikaw si Vice, ikaw talaga yan. Siya si Ion oh. Yung asawa mo." Giit naman ng isang babae na medyo parang paos ang boses.

"Ma'am pasensya na po. Pero hindi po siya ang asawa ko. May asawa na po ako si Terrence Romeo. Nagkakamali lang kayo." Litong lito na sabi ko.

"Mrs. Ro... meo, maupo ka muna. Isama mo na rin ang mga anak mo." Malamig na sabi  sakin ni Mr. Perez. Parang nasaktan ang puso ko noong malamig ang pakikitungo niya sakin. Pero bakit?

"Thank you, Sir." Simpleng sagot ko na lamang.
"Ano pangalan ng mga anak mo? Ilang taon na sila?" Tanong nito sa akin.

Way Back Into My Wife and Kids (COMPLETED)Where stories live. Discover now