Chapter 33

1.4K 45 22
                                    

IRIS POV

Lumipas ang dalawang buwan at naging maayos naman ang buhay ko pati ng kambal. Maganda ang naging pakikitungo sakin ng buong pamilya ni Ion. Habang natagal mas lalo ko silang nakikilala. Patapos na ang bahay na pinapagawa ko. Kaya sa makalawa o bukas, pwede na kaming makalipat.

Naisipan ko namang magpahangin at magkape muna sa garden nina Ion. Ang sarap ng simoy ng hangin. At nakakalimutan ko na ang sakit na dinulot ng pagtataksil sakin ni Terrence. Hindi ko rin maitatanggi na nahuhulog na ako kay Ion.

Habang nagmumuni-muni ako ay nakaramdam naman ako ng presensya mula sa likuran ko. Paglingon ko ay si Ion na may hawak din ng kape.

"Bakit hindi ka pa tulog?" Pagtatanong niya sakin.

"Hindi pa kasi ako makatulog. Eh, ikaw?" Balik na tanong ko naman sa kanya.

"Katulad lang din ng sayo." Sagot naman niya sakin.

Namayani naman ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Naiilang tuloy ako sa kanya. Ang rupok ko pagdating sa kanya.

"Ahm, Ion. Bakit ang bait mo samin? Sa totoo lang, pwede mo naman kaming baliwalain eh." Tanong ko naman sa kanya.

"Hindi ko rin alam. Basta ang alam ko masaya ako kapag natutulungan at kasama ko kayo." Sagot naman niya sakin ng may ngiti.

"Alam mo malakas ang pakiramdam ko. Ikaw ang asawa ko, ikaw si Vice. Sina Savannah at Sky naman ang anak natin. Yung nararamdaman ko sayo ngayon, ganoon na ganoon ang pakiramdam ko kay Vice..." Hindi ko naman siya pinatapos sa pagsasalita.

"So, all this time. Kaya mo lang kami tinutulungan kasi sa tingin mo kami ang pamilya mo? Ion, patay na sila. Hindi ako ang asawa mo, HINDI MO RIN ANAK ANG MGA ANAK KO!" Inis kong wika sa kanya. Naiinis ako.

"It's not what you think." Tarantang sagot naman niya sakin.

"Yes, it is. Kaya ka lang mabait sakin kasi nakikita mo samin ang pamilya mo. Ilang beses ko bang ipapaliwanag sayo ang lahat! Grabe ka naman!" Saad ko sa kanya.

Ewan ko ba naiinis ako, nagagalit dahil ang nakikita niya lang pala sakin ay ang asawa niya. Nasasaktan ako, puta. Nasasaktan talaga ako, parang tinutusok ang puso ko.

"Magpa-DNA test tayo para matahimik na tayo parehas." Kalmadong saad sakin ni Ion. Inirapan ko naman siya.

"No way! If you think na papayag ako sa gusto mong yan, nagkakamali ka. Mas lalo mo lang ako sinasaktan!" Galit kong sabi sa kanya at tumulo naman ang mga luha ko.

"I'm sorry." Tanging nasambit lang nito sakin.

Habang namamayani ang katahimikan saming dalawa ay dumating ang taong kinaiinisan ko. Si Raissa, may gusto siya kay Ion. Sa totoo lang, siya ang babae ni Terrence! Pagkatapos kay Terrence kay Ion naman! Napakalandi!

"You don't need to conduct a DNA test, Ion sweetheart. Here, bago mo pa naisipan yun. Nagawa ko na. And this is the result." Nakangising saad ni Raissa at kumapit pa sa braso ni Ion. At tinanggal din naman ni Ion ang kamay ni Raissa.

Pagkakita naman namjn sa resulta ay negative ang nakalagay. Yan ang sinasabi ko eh, hindi talaga ako ang asawa ni Ion.

"So, wala ng dahilan para manatili pa ang mga sampid na yan dito." Saad sakin ni Raissa. Tinitigan ko naman ito sa mata.

"Hindi mo na kailangang sabihin yan. Dahil bukas na bukas din, aalis na kami." Sagot ko naman sa kanya.

"At wala kang karapatan na paalisin kami rito. Hindi naman ikaw ang may-ari ng pamamahay na ito." Dugtong ko pa. Nakita ko namang napuyos ito ng galit sakin.

"How do you say so? Soon, magiging mag-asawa rin kami ni Ion at magiging akin din ito." Sagot naman nito sakin.

"Ah talaga ba? Uy, ako lang to oh! Wag ka naman assuming. Hindi ka nga nililigawan diba? Pakasalan pa kaya. Wow naman! Wag kang masyadong assumera kasi nasasaktan ka lang. Pagkatapos mo sa dati kong asawa, ngayon kay Ion naman! Ang kati mo rin eh no?!" Nakangiting sagot ko sa kanya.

Susugurin na dapat niya ako ng pigilan ito ni Ion. Sinamaan ng tingin ni Ion si Raissa. Alam niya ang lahat tungkol kay Raissa at kay Terrence.

"Touch her and you'll be dead." Malamig na sabi ni Ion.

"Totoo naman ang sinasabi niya eh. At saka malay ko ba na dinaya mo lang ang DNA test na ito." Dugtong pa ni Ion.

"What the heck?! Are you insane, Ion?! Why would I do that?! Yes, I'm inlove with you. But, I will not do stupid things like that. I'll not waste my money to fake that results! When, I did that. I'm with Nelson. Duh, so stop!" Inis na saad ni Raissa.

Nanahimik naman si Ion sa sinabi ni Raissa. Miski ako hindi makaimik. Dahil tama naman ang sinabi niya eh. Bakit gagastos ito para lang pekein ang resulta.

"Ion, aalis na kami bukas ng mga bata. Thank you for all the things that you did to us. I really appreciate it. Sana matahimik kana na hindi talaga ako si Vice." Wika ko kay Ion. Napatitig naman ito sakin.

"Well, that's good! May reason na ko para mahalin ka ng buong buo na walang pag-aalinlangan. I love you because who you are. At hindi dahil sa nakikita ko si Vice sayo. Iris, can I court you?" Tanong sakin ni Ion. Napatahimik naman ako sa tinanong niya.

Napatango na lamang ako sa kanya. Niyakap naman ako nito ng mahigpit. Hinalikan naman niya ako sa noo at pisngi. At si Raissa naman umalis na nagdadabog. Napatawa na lamang kaming dalawa.

RAISSA POV

Akala ko naman pagkatapos kong pekein yung resulta magiging akin na si Ion. Hindi naman pala. Tsk, bakit ba kasi bumalik pa si Vice?! Si Iris ay si Vice! Dinaya ko na ang resulta eh! Bakit ba kasi hindi pa ito namatay noon?!

Agad naman akong sumakay sa sasakyan ko. Tiningnan naman ako ni Terrence. Tsk, pagkatapos niya akong hiwalayan para sa Vice na yun! Binugaw naman niya ako kay Ion! Tapos hindi rin ako gusto! Kung kailan naman nagugustuhan ko na si Ion eh!

"Ano nangyari?" Pagtatanong niya sakin.

"Alam mo mas lalo pang sumaya yang si Iris o Vice man yan dun sa asawa niya!" Sagot ko naman.

"Hindi pwede yun!" Sagot naman niya sakin.

"Yes, it is!" Inis ko naman na saad.

"Gagawa tayo ng paraan para magkasira sila. Ikaw sayo si Ion, akin si Iris. Akin lang siya. Dapat tulungan mo ako. Dahil ikaw ang may dahilan kung bakit kami naghiwalay!" Galit na saad sakin ni Terrence.

"Shut up! Ginusto mo rin yung nangyari sa atin no! Sarap na sarap ka nga sakin eh. Well, I will help you. Mas lalong bet ko na si Ion kesa sayo." Sagot ko na lamang sa kanya.

Nagplano na nga kami kung paano namin masisira ang relasyon ng dalawa. I will make sure that Ion will be mine. He is only mine.

Way Back Into My Wife and Kids (COMPLETED)Where stories live. Discover now