Chapter 35

1.6K 56 48
                                    

TERRENCE POV

Ang tanga ko nasabi ko kay Vice kung sino ba talaga siya. Bwisit na abogado yun! Hindi ko akalain na magfile ng divorce si Vice samin. Lahat tuloy ng documents niya nalaman ang katotohanan.

"Bakit ka nakasimangot? What happened?" Pagtatanong sakin ni Raissa. Andito na naman itong babae na 'to.

"Alam na niya ang totoo." Sagot ko naman sa kanya.

"What do you mean? Alam na ni Iris na siya si Vice?" Tanong muli nito sakin. Tumango naman ako sa kanya.

"Nagpakahirap pa tayong pekein ang DNA test na yun. Pagkatapos malalaman din pala niya. Paano ba nalaman?" Pang-uusisa nito sakin.

"Nasabi ko kanina. Naisahan niya ako, umiiyak kasi kanina si Vice. Yung iyak niya na yun, yun ang iyak niya bilang si Vice. Nasasaktan ako na naririnig siyang ganun." Saad ko naman sa kanya.

"Your so stupid! Nagpakahirap tayong magplano tapos sasabihin mo lang ng ganun kadali! Paano na yan?!" Eksaheradang sabi sakin ni Raissa. Hinawakan ko naman ito ng mahigpit sa braso.

"Wag na wag mo kong pagsasalitaan ng ganyan!" Galit kong saad sa kanya.

"I'm sorry. Please, bitawan mo na ako." Daing nito sakin. Binitawan ko naman na siya.

"Tayo na lang kaya, Terrence. Gusto ko lang naman si Ion, pero ikaw pa rin ang mahal ko. Tutal, wala ka namang mapapala kay Vice eh. Ni hindi nga active ang sex life niyo. Kapag sakin ka, araw-araw pwede." Malanding sabi sakin ni Raissa at inilapit pa ang katawan niya sakin.

"Tigilan mo ko, Raissa! Wala akong pakialam sa sex na yan! Wala na tayo. Basta gagawa tayo ng paraan para magkahiwalay ulit ang dalawa." Sagot ko naman sa kanya saka ito itinulak palayo.

"What's the plan na ba?" Tanong niya sakin. At ipinaliwanag ko naman sa kanya ang nabuo kong plano.

ION POV

Dinala namin agad si Vice sa ospital pagkatapos niyang mahimatay. Ibinalita naman nina Anne ang totoo kina Nanay.  Isinama na rin namin ang kambal. Sabi ng doctor, sobrang stress daw si Vice at maaaring na trigger ang utak niya dahil nalaman na ang totoo. Inaantay na lang namin magising si Vice.

"Totoo nga ang hinala mo na si Iris ay si Vice." Ngiting saad sakin ni Nanay Rosario. Gusto niyang itawag na lang sa kanya ay Nanay at hindi na Mommy.

"Opo, hindi ako nawalan ng pag-asa. Alam ko rin naman po na naghihinala kayo sa kanya eh." Sagot ko naman. Nginitian naman ako nito.

Masaya naman kaming nagkekwentuhan nang dumating si Raissa na may ngiti sa labi. Sinamaan naman ito ng tingin nina Anne.

"Nabalitaan ko ang nangyari kay Iris. How is she?" Saad ni Raissa, lalapit naman ito dapat sakin ng sinenyasan ko itong tumigil.

"Lumayo ka sakin! Anong ginagawa mo rito?! Niloko mo pa kami na hindi si Iris si Vice." Inis kong wika sa kanya. Gulat naman itong napatingin sakin.

"I don't know what you're saying. But, I'm telling the truth. Yun talaga ang resulta. Malay ba natin na baka dinaya yun ni Terrence. Diba hanggang ngayon naghahabol pa rin yun dyan sa babaeng yan." Sagot nito sakin.

"Wala akong pakialam sa sinasabi mo! Lumayas kana rito, ayaw ka na naming makita! Layuan mo ako may asawa na ako!" Saad ko sa kanya.

"Hindi pa tayo tapos! Magiging akin ka rin! I will get you by hook or by crook." Pagbabanta niya sakin.

"Ah talaga ba, Raissa?! Subukan mong lumapit sa asawa ko, dadanak ang dugo. Magsama kayong dalawa ni Terrence. Umalis kana baka hindi ako makapagpigil sayo manghiram ka ng mukha sa aso." Saad ni Vice kay Raissa. Gising na pala ang asawa ko.

"Are you threatening me?" Taas kilay na sabi ni Raissa.

"I'm not threatening you. Sinasabi ko lang ang gagawin ko sayo kapag hindi ako nakapagtimpi." Ngising saad ni Vice. Nagbalik na talaga ang asawa kong selosa.

Magsasalita pa sana si Raissa nang binato ito ni Vice ng orens. Tinamaan niya si Raissa sa may tiyan. Napadaing naman ito ng sakit.

"How dare you?!" Galit na sabi ni Raissa, lalapit na sana ito ng may dumating na guard.

"Ma'am ano pong nangyayari dito? Naririnig po namin na may nagkakagulo eh." Sagot ni Manong Guard.

"That bitch! She threw me an orange in my stomach!" Wika ni Raissa at tinuro pa si Vice. Tiningnan naman ng guard si Vice.

"Paano ko po yun magagawa? Kita niyo naman po mahina pa ako." Medyo paawang sabi ni Vice. Nagpipigil naman kami nang tawa.

"Umalis na kayo rito, Ma'am. Kapag hindi pa kayo tumigil ipapadampot namin kayo sa pulis." Saad ng guard kay Raissa.

"Paalisin niyo na yan dito. Hindi makapagpahinga ang asawa ko. Pakiban na siya dito." Utos ko naman at tumango na lang sakin ang guard.

Sinamaan naman ng tingin ni Raissa si Vice. Dinilaan naman ito ni Vice at tuluyan na ngang umalis si Raissa.

Nilapitan ko naman na si Vice. Niyakap ko siya agad at naramdaman kong nag-iiyakan na kaming dalawa.

"Darling, I miss you. Thanks God. Bumalik kana sakin." Masayang sabi ko. Pinagdikit ko naman ang noo namin parehas.

"I miss you too. Pasensya na kung ngayon ko lang naalala ang lahat. Sorry, sorry, so..." Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita at hinalikan ko na ito sa labi.

"Biktima ka lang din. Wag ka magsorry. Ang importante magkakasama na tayo ulit." Saad ko na lamang sa kanya. Pero may gusto talaga akong itanong sa kanya eh.

"Darling, may tanong ako sayo. Ilang beses may nangyari sa inyo ni Terrence?" Tanong ko sa kanya. Tinawanan naman niya ako.

"Sir. Ion, wala pang nangyayari sa kanila ni Ma'am. Kasi pakipot yan, baka nga kaya naghanap ng babae si Terrence gawa nun eh. Kasi halik, halik lang." Kwento ni Sheena. Si Vice naman tawa lang nang tawa pati mga kasamahan namin.

"At saka ayaw ni Ma'am ng ganun. Kwento ni Ma'am samin, hindi man lang daw siya nakakaramdam ng kahit ano." Dugtong pa ni Alex.

"Ibig sabihin, wala?" Paninigurado ko kay Vice. Tumango naman ito sakin.

"Tuwang tuwa ka ah." Puna sakin ni Vice.

"Oo naman. Kasi wala nangyari sa inyo at buo na ulit ang pamilya natin. I love you, Darling." Malambing kong sabi kay Vice.

"I love you too." Sagot naman niya sakin.

Sa wakas buo na muli ang pamilya ko. At hindi ko na hahayaan pang magkahiwalay pa ulit kami. Makikipagpatayan ako para lang sa kanila.

Way Back Into My Wife and Kids (COMPLETED)Where stories live. Discover now