Chapter 34

1.5K 47 33
                                    

IRIS POV

Maaga akong nagising, pumapasok pa rin sa isip ko ang nangyari kagabi. Hindi ko akalain na liligawan ako ni Ion. Napapangiti na lamang ako kapag naaalala ko yun.

"Ma'am tuloy na po ba ang alis natin ngayon?" Pagtatanong sakin ni Alex. Tiningnan ko naman siya. Inaantay ko naman na magising si Ion para makapagpaalam na kami.

"Oo, tuloy na tuloy na tayo." Sagot ko naman sa kanya.

"Hindi niyo po ba mamimiss si Sir. Ion?" Pang-uusisa sakin ni Sheena.

"At saka Ma'am napanood namin yung nangyari sa inyo. Diba nililigawan niya na ikaw?" Pang-aasar sakin ni Alex.

"Mga chismosa kayo. Pero, oo, mamimiss ko si Ion." Nakangiting sagot ko sa kanila.

Nagtitili naman sila dahil sa sinabi ko. Napatingin naman samin ang kambal. Pero nginitian na lang namin sila.

"Ma'am kinikilig ako. Bagay na bagay talaga kayo." Saad ni Alex, napatawa naman ako sa kanya.

"Eh, paano po si Sir. Terrence?" Sabat ni Sheena. Ang ngiti sa labi ko ay biglang nawala.

"Wala na kami ni Terrence at saka inaayos ko na ang divorce paper naming dalawa. Inaantay ko na lamang yung abogado ko." Sagot ko naman sa kanya.

Napatango naman sila sakin. Habang nagkekwentuhan kami ay dumating naman si Ion kasama sina Anne. Binigyan naman niya ako ng tulips.

"Good morning, Iris. Tulips for you." Nakangiting saad sakin ni Ion.

"Good morning din. You don't need to give me flowers." Sagot ko naman sa kanya.

"Iris, aalis na kayo?" Pagtatanong sakin ni Anne. Napatingin naman si Ion sa mga maletang nandoon. Nag-iba rin ang reaksyon ng mukha niya.

"Ahm, yes. Okay na kasi yung pinapagawa kong bahay." Nahihiya kong sagot.

"Awwwww, dadalawin niyo naman si Ion diba at sa kanya ka pa rin magtatrabaho." Tanong sakin ni Karylle. Tumango naman ako sa kanya.

Nanatili namang walang imik si Ion. Wala man lang bakas na kahit anong reaksyon.

Nakatanggap naman ako ng tawag mula sa abogado ko. Sinensyasan naman nila ako na iloud speaker.

On phone "Atty. Chavez"

"Good morning, Atty." Pagbati ko.

"Good morning din, Ms. Iris. May nalaman ako, hindi ko alam kung maganda o masamang balita ba ito para sayo." Wika sakin ni Atty. Chavez. Napatahimik naman ako sa sinabi nito.

"What is it?" Pagtatanong ko sa kanya.

"Hindi kayo totoong mag-asawa ni Mr. Romeo." Sagot niya sakin.

"What?! How?! Are you kidding me?!" Inis kong saad sa kanya.

Gulat din naman ang naging reaksyon nila Anne. Miski sila hindi makapaniwala sa sinabi ng abogado ko.

"Peke lang yung dokumento na pinakita sayo ni Mr. Romeo. Hindi kayo totoong ikinasal. At isa pa, hinahanapan kita ng record mula sa mga documents mo. Kasi  nahalata kong peke. At tama nga ang hinala ko Lahat yun fake. Ang tumatakbo sa isip ko. Sino ka ba talaga Ms. Iris?" Saad sakin ni Atty. Chavez.

Putangina, sino nga ako?! Kung peke lahat ng documents ko. What the heck?! Terrence Romeo, bakit mo ko pinaglalaruan?!

"Ms. Iris, you better to talk Mr. Romeo. Maaaring masagot niya lahat ng katanungan mo. And diba nagkaamnesia ka." Dugtong pa nito.

Nanatili akong tahimik dahil sa sinabi niya. The fuck! Malaki ang chance na niloloko na ako ni Terrence noon pa. Inagaw naman sakin ni Ion ang phone ko.

"Hello, Atty. Chavez. This is Ion Perez. What do you mean? All the documents about Iris is fake? And may amnesia siya?" Sunud-sunod na tanong ni Ion.

"Ahm, yes. Yun ang malaking palaisipan sakin. Kaya the only key to know her true identity is maalala niya ang nakaraan." Sagot naman ni Atty. Kinuha ko naman ang phone ko.

"Thank you, Atty. Tawagan na lang ulit kita." Nasabi ko na lamang at pinatay na ang tawag.

End Call

Sumasakit ang ulo ko dahil sa nangyayaring ito. Paano nangyari na lahat ng dokumento ko ay peke? Tinawagan ko naman agad si Terrence para malinawan ako. At sinabi muli nila na iloud speaker ko.

On phone "Terrence"

"Thanks, God. Tumawag kana sakin. Bumalik kana sakin, bumalik na kayo ng mga bata. Miss na miss ko na kayo." Bungad ni Terrence sakin.

"Stop it! Bakit mo ko niloloko?! Kakatapos ko lang makausap ang abogado ko. Pinapaayos ko ang divorce paper natin. And yung document na yun ay fake miski yung akin. I don't know who I really am. Sino ba talaga ako?!" Galit kong sabi kay Terrence at hindi ko na rin maiwasang umiyak.

"Stop, crying Vice. Hindi ko makayanang marinig ka na umiiyak..." Hindi ko na pinatapos pang magsalita si Terrence dahil sa itinawag niya sakin. Tinawag niya akong Vice. Pati sina Jhong nagulat at kita ko ang pagkuyom ng kamao ni Ion.

"What did you called me? Vice?! Whose Vice?! Another na babae mo na naman?!" Tanong ko sa kanya.

"No, no, no! Hindi kita tinawag na ganun. Wala na akong babae." Pagdadahilan niya sakin.

"Whatever! Sino ba talaga ako?! Anak ko naman talaga ang kambal diba?! Ikaw ba ang ama nila?! Sagutin mo naman yung tanong ko. Terrence lagi mo na lang akong sinasaktan, pinapaiyak. Terrence naman." Pagmamakaawa ko na. Nilapitan naman ako ni Anne at niyakap ako.

"I'm sorry. But, I can't tell you. Oo, ikaw ang ina nila at hindi ako ang tunay nilang ama. I really love you and the kids. At hindi ko kayang mawala ka sakin. Pasensya na kung nasasaktan ka ng dahil sa akin. Pero hindi ko sasabihin sayo ang lahat." Saad sakin ni Terrence.

"If that's what you want! Well, tutal nalaman ko na peke naman lahat yun. Pinuputol ko na ang koneksyon natin. Tigilan mo na kami." Nasambit ko na lamang.

"Vice, let me explain. Please." Pagmamakaawa nito at sa pangalawang pagkakataon tinawag na naman niya akong Vice.

"Vice?! Ako ba si Vice? Ako ba ang nawawalang asawa ni Ion kaya ayaw mo kaming mapalapit sa kanya?! Tell me. Alam ko na ang totoo." Saad ko sa kanya.

"Ye...yes, you are Vice. Ikaw si Jose Marie 'Vice Ganda' Viceral-Perez. I'm sorry, anak niyo ang kambal. Pasensya na kung inilayo ko kayo, sobrang mahal na mahal ko kayo!" Sagot naman nito sakin. Napahagulgol naman ako ng iyak sa nalaman ko. Sinusubukan ko lang naman siya at umamin na nga ito.

"Pero, ito ang tandaan mo. Akin ka lang, akin lang kayo ng mga bata! Babawiin kita sa kanya. Hindi ako papayag na maging masaya kayong dalawa." Saad nito sakin at bigla na lamang nitong pinatay ang tawag.

End call

Lumapit naman sakin si Ion at niyakap ako ng mahigpit. Rinig ko ang malulutong na mura mula sa kanila. Hindi naman ako makaimik dahil nabibigla pa rin ako sa pangyayari.

Sumakit na naman muli ang ulo ko. May bumabalik na mga alaala mula sa nakaraan ko. Nakikita ko si Ion, ang mga magulang ko at marami pang iba. Hindi ko na kaya ang sakit ng ulo ko. Hanggang sa magdilim na ang paningin ko.

Way Back Into My Wife and Kids (COMPLETED)Where stories live. Discover now