Chapter 21

1.7K 51 6
                                    

ION POV

Pagkatapos ng giyera sa pagitan naming dalawa ni Vice ay naligo muna kami bago bumaba sa sala. Ang mga tropa namin iba ang tinginan. Mukhang nakatunog sila na may nangyari na namang milagro samin.

"Andyan na pala yung mga kasambahay niyo. Nagpaluto na rin kami ng " Saad samin ni Karylle. Tumango naman kami bilang sagot.

"Vice, may sasabihin ako sayo. Usap muna tayo." Makahulugang sabi ni Jhong sa asawa ko.

Nagkatitigan naman ang dalawa at tumango naman sa isa't isa. Miski yung mga kasamahan namin nagtataka sa kilos ng dalawa. Kalma, Ion. Magtiwala ka sa asawa mo.

"Darling, mag-usap lang kami ni Jhong." Pagpapaalam sakin ni Vice.

"Sige." Tugon ko naman at ngumiti na lamang ako sa kanya.

Lumabas naman agad ang dalawa. Inalalayan ni Jhong si Vice sa may hagdanan pababa papuntang garden namin. Nakasunod naman ang tingin namin sa kanila. Umupo naman ako sa tabi ni Vhong.

"May napapansin ba kayo sa dalawa?" Usisa samin ni Anne. Wala naman nagtangkang umimik samin. Para bang hinahanap ang tamang salita na gagamitin.

"Ahmmmmm, mas lalo sila naging close." Sagot naman ni Mariel. Napatango naman ang iba. Miski ako rin naman kasi nag-iisip sa tanong ni Anne.

"Parang may itinatagong sikreto satin yung dalawa." Saad naman ni Karylle. Yun din ang nasa isip ko.

"Alam ko na!" Sigaw ni Ryan. Binato naman ito ni Vhong dahilan para magtawanan kami.

"Ano yung gusto mong sabihin, baby boy?" Tanong naman dito ni Ate Amy.

"Baka naman may lihim silang relasyon." Serysong saad ni Ryan. Natigilan naman ako sa narinig ko.

Tiningnan naman ng masama nina Vhong si Ryan. Hindi naman ako makaimik sa narinig ko.

"Ryan, watch your words! Hindi ka na nahiya kay Ion!" Galit na saad ni Anne kay Ryan bago tumingin sakin.

"Sorry, pasensya na." Paghingi ng paumanhin ni Ryan. Nanatili naman akong walang kibo.

"Ryan, hindi nakakatuwa yung sinabi mo. Sana naman naisip mo yung mararamdaman ko. Sa harap ko pa talaga sinabi na baka may relasyon yung dalawa. Dahil sa ginawa mong yan, hindi ko na naman alam kung ano ang dapat kong isipin at gawin." Seryoso kong saad  kay Ryan. Napatahimik naman ang lahat.

"Pero, Ion dun sa sinabi ni Ryan mukha talagang meron sila na relasyon o sikreto." Saad naman ni Jhugs. Napatitig naman ako sa kanya.

"Alam kong marami kayong iniisip o nagtataka kayo kung anong meron talaga sa kanila. Pero, magtiwala tayo sa kanila. Mukha bang kaya nila akong lokohin? Tayo? At saka kilala natin sila, kung ano man yung sikreto nila siguradong may dahilan yun, para iyon sa ikabubuti ng lahat." Mahaba kong sabi sa kanila.

Napatango naman silang lahat. Tama naman ako eh, kapag iintindihin ko pa yung sasabihin ng lahat. Magkakagulo lang kaming mag-asawa. Magtitiwala ako sa kanya.

Maya-maya pa ay pumasok na sina Vice. Takang taka silang nakatingin samin. Siguro iniisip nila kung bakit ang tahimik naming lahat.

"Ang tahimik niyo, para kayong sira hahahahaha. Di porket wala kami hindi na kayo nag-uusap." Puna naman ni Jhong, pero ngumiti lamang kami. Tumabi naman sakin si Vice.

"Darling, bakit ang tahimik niyo? Hindi pa rin ba kayo nagkakasundo?" Pagtatanong sakin ni Vice. Niyakap ko naman siya.

"Okay lang kaming lahat. Siguro hindi lang namin gusto na magsimula sa kwentuhan hanggang wala kayo." Sagot ko naman sa kanya. Sana naman hindi niya mahalata na nagdadahilan lang ako.

"Ang sweet niyo naman. Kaya mahal na mahal ko kayo eh." Tugon ni Jhong habang medyo natatawa. Napatawa naman kami dahil sa kalokohan ni Jhong.

"Ang corny mo, Jhong." Saad ni Mariel ngunit si Jhong  tumatawa pa rin. Kinulbit naman ako ni Vice.

"Happy Monthsary, Darling." Malambing ni Vice sakin habang nakaangkla ang kamay niya sa braso ko.

"Iniisip mo siguro anong monthsary ang ipinagdiriwang natin. Monthsary natin ngayon bilang magjowa noon diba. Baka naman nakalimutan mo na." Dugtong pa ni Vice habang nakanguso sakin. Napangiti naman ako sa kalambingan niya.

"Syempre alam ko na monthsary natin noon bilang magjowa. Pero ang akala ko naman kasi ang ipagdiriwang na lang natin kapag anniversary na natin. Pero, Happy Monthsary, Darling. I love you." Sagot ko naman sa kanya at hinalikan siya ng mabilis sa labi.

"Mommy, Dada ang sweet niyo po talaga." Singit ni Savannah samin. Napatawa naman kaming dalawa na mag-asawa.

"Dada, I want to be like you when I grown-up." Saad ni Sky napangiti naman ako sa narinig ko. Nakakatuwa naman na gusto niya akong gayahin paglaki niya.

"Ang sarap naman niyan marinig galing sa inyo." Masaya kong saad sa kanila.

Hanggang sa nagtuloy-tuloy na nga ang kwentuhan namin. Masaya kaming nag-uusap tungkol sa mga bagay-bagay. Inabot na rin kami ng hapon dahil sa pag-eenjoy. Kasalukuyan kaming kumakain ng merienda nang lumapit ang kambal namin kay Vice.

"Mommy, gusto ko na po ulit magkaroon ng kapatid. Yung may baby sa bahay." Saad ni Savannah. Bigla naman nabulunan si Vice sa narinig. Dali dali ko namang binigyan ng tubig si Vice.

"Mommy, gusto ko na rin ng kapatid." Nakangusong saad ni Sky. Nagkatinginan naman kaming dalawa ni  Vice.

"Seryoso ba kayo dun mga anak?" Tanong ni Vice sa kambal. Tumango naman sila. Narinig naman namin ang tawanan ng aming tropa.

"Babies, hindi ko na kasi kayo mabibigyan ng kapatid. Milagro yung dumating kayo sa buhay namin ng Dada niyo. Alam niyo naman na hindi ako tunay na babae diba. Kaya pasensya na talaga mga anak ko." Malungkot na sabi ni Vice sa kambal namin at tumulo na lamang ang luha nito. Niyakap ko naman ito ng mabilis.

"Naiintindihan namin Mommy. Sorry po." Paghingi ng paumanhin ni Savannah.

"Don't worry po, masaya na kami, kahit kami lang ang magkapatid." Tugon ni Sky. Niyakap ko naman ang aking mag-iina.

"Picture ko kayo buong pamilya. Happy Family." Saad ni Anne.

Umayos naman kami ng pwesto at Nagpicture na nga kaming buong pamilya. Hanggang sina Anne na nga ang nagselfie at isinama ang kambal. Iniharap ko naman sakin si Vice.

"Darling, wag mo na masyadong pakaisipin yung sinabi ng kambal. Diba sinabi naman nila sayo na okay lang kahit hindi na sila magkaroon ng kapatid pa. At saka hindi yun kakulangan sayo, may mga anak na tayo at ako pa asawa mo na gwapo." Nakangiti kong saad kay Vice pero hinampas lamang niya ako.

"Ang yabang mong lalaki ka. Pero salamat huh. Pinapagaan mo lagi ang loob ko. Dahil dyan, may prize ka sakin. I love you." Mapang-akit na saad sakin ni Vice habang nakakagat labi pa. Bigla naman akong nakaramdam ng ibang sensasyon.

"Sige, Darling huh. I love you." Sagot ko naman sa kanya.

Ang tagal naman maggabi, para makuha ko na yung premyo sa asawa ko. Kakain ako ng marami mamaya para magkaroon ako ng lakas na pangmatagalan mamaya.

Way Back Into My Wife and Kids (COMPLETED)Where stories live. Discover now