Chapter 18

1.6K 44 0
                                    

VICE POV

Buti na lamang nakapagpalusot ako kay Ion. Sinabi ko kay Jhong yung naging pag-uusap namin ni Kiefer. Handa siyang tulungan ako para sa kaligtasan ng pamilya ko.

"Meme, ano pinag-usapan niyo ni Jhong?" Tanong sakin ni Ate Amy. Libre kaming makakapag-usap. Dahil nakabukod ng upuan ang mga boys at isinama nila ang kambal.

"Ahmmmmmmm..... Nangamusta lang siya sakin." Sagot ko at kumain muli.

"Parang may itinatago ka samin." Nakataas kilay na sabi sakin ni Anne.

"Para kayong sira. Yun nga lang yun. Ano naman itatago ko sa inyo." Pilit kong tawa sa kanila at tiningnan sila isa't isa. Maniwala kayo sakin, maniwala kayo.

"Oo nga naman." Sagot ni Karylle. Napangiti naman ako sa narinig ko. Buti naman napaniwala ko siya. Muntikan na yun. Napasubo na lamang ako ng pagkain dahil sa stress.

"Meme, alam mo ba na nakita namin na hinalikan ka ni Jhong sa may noo at nagyakap kayo. Sabi nga nung mga babae na narinig namin kanina, ang cute niyo raw na couple." Saad ni Mariel. Nabulunan naman ako sa narinig ko. Inabutan naman agad nila ako ng tubig.

"Okay ka na ba?" Nag-aalalang tanong sakin ni Mariel. Tumango naman ako bilang sagot.

"Hahahaha, grabe naman kasi yun. Anong couple? Grabe huh." Natatawa kong sabi sa kanila. Kaya pati rin sila ay natawa na.

"Pero nakita yun kanina ng Darling mo, Meme." Sabi sakin ni Buern. Napalingon naman ako sa kanya. OMG! Kaya pala siya seryoso kanina.

"Anong sabi niya?" Medyo kabado kong sabi. Seloso si Ion. Alam ko yun.

"Wag kang kabahan, Meme. Alam naman niyang namiss niyo lang ang isa't isa kaya ganun. Wag ka nang kabahan." Nakangiting saad sakin ni Ate Amy. Natahimik naman ako sa narinig ko.

Binaling na lang namin ang usapan sa ibang bagay. Bukas na rin ang uwi namin. At bukas na rin ang simula sa pag-iimbestiga namin ni Jhong.

"Darling, tingnan mo oh. Halos ayaw na satin ibigay yung kambal." Nakangusong sabi sakin ni Ion habang nakatanaw sa mga tropa namin na kinuha na naman ang kambal.

"Hayaan mo na, bukas at sa mga susunod pa na bukas masosolo mo na ang kambal." Nakangiti kong saad kay Ion saka ko pinisil ang pisngi nito.

"Haraaaaay naman Darling." Daing ni Ion. Napatawa naman ako sa narinig ko, haray daw.

"Hahahahahaha, anong haray?! Baka aray, hahahahaha." Tawa ng tawa kong sabi kay Ion. Miski naman si Ion ay natawa na rin.

"Swimming tayo, Darling." Yaya sakin ni Ion.

"Sige, pero sa isang kondisyon." Nakangisi kong sabi sa kanya.

"Ano naman yun?" Tanong niya sakin.

"Sagutin mo lahat ng tanong ko sayo, honestly. Okay?" Saad ko naman, tumango naman ito sakin bilang sagot.

"Bakit ang seryoso mo kanina huh?" Pag-uusisa ko sa kanya.

"Wala lang, ikaw kasi iniwanan mo ako sa kwarto kanina." Sagot naman nito sakin.

"Talaga ba? Balita ko, nakita mo yung ginawa sakin nung unggoy." Saad ko sa kanya. Napaiwas naman ito ng tingin sakin.

"Oo nga nakita ko. Alam ko namang wala lang yun eh." Sagot nito sakin.

"I do not know lang ah." Simpleng komento ko naman.

"Oo na aamin na ko. Kumirot yung puso ko, nang makita ko yun." Seryosong sabi sakin ni Ion. Niyakap ko naman siya nung marinig ko iyon.

"May tiwala ka naman sakin diba. At saka ikaw lang ang mahal ko, Ion. Magtiwala ka sakin." Saad ko sa kanya at mas hinigpitan ko pa ang yakap sa kanya. Gumanti naman ito ng yakap sakin.

"Mahal din kita, ikaw lang din ang mahal ko. May tiwala ako sayo. I love you, Darling." Sweet na sabi sakin ni Ion at lumayo siya sakin ng bahagya.

"I love you too, Darling." Sagot ko naman sa kanya at naglapat ang aming mga labi.

"Swimming na tayo." Pagyaya ko sa kanya at lumayo na kay Ion.

Lumusong na nga ako sa may tubig. Napa-irit naman ako ng biglang may humawak sa bewang ko. Paglingon ko ay si Ion lang pala. Hinampas ko naman ito sa balikat.

"Napaka mo! Ginulat mo ko!" Inis kong saad sa kanya. Akala ko talaga kung sino na yung humawak sa bewang ko.

"Hahaha, sorry na, Darling. Ang ganda talaga ng asawa ko." Pambobola sakin ni Ion. Napangiti naman ako sa narinig ko.

"Bolero ka talaga." Komento ko naman sa kanya.

"Hindi kita binobola no." Saad nito sakin at mas lalo pang idinikit ang katawan niya sakin.

"HOY! KAYONG DALAWA DYAN! NAPAKA PDA NIYO! RESPETO NAMAN! PUMUNTA KAYO RITO SAMIN!" Sigaw ni Vhong samin. Agad naman kaming pumunta sa kanila habang magkahawak ang aming kamay.

"Panira ka talaga ng moment naming mag-asawa." Inis kong sabi kay Vhong.

Tinawanan na lamang kami ng aming mga kaibigan. Miski si Ion napatawa na rin. Sinamaan ko naman ng tingin si Ion.

"Bakiiiit? Bakiiiit ka na naman galiiiit?" Tanong sakin ni Ion. Napatawa naman ako sa narinig ko sa kanya. Naging boses paniki na naman ito.

"Bakit ka ba kasi nakikitawa sa kanila?" Pagtatanong ko sa kanya. Ngumiti naman ito sakin.

"Ang cute mo kasing mainis, Darling. Ngiti kana huh. Wag ka ng magagalit." Panglalambing nito sakin.

"Oo na." Simpleng sagot ko na lamang.

Sana nga lagi na lang kaming ganito. Wala ng manggulo pa samin. Kung sino man yung may balak na guluhin kami, sana hindi na niya ituloy.

Way Back Into My Wife and Kids (COMPLETED)Where stories live. Discover now