05

9.5K 216 9
                                    

"Alright, enough drama. Are you hungry?" Nag-aalalang tanong niya sakin

Tumango lang ako bilang pag sang-ayon

"Is there anything you prefer to eat?" Tanong niya ulit habang patayo na at handa nang umalis

Sandali naman akong nag-isip kung ano ang masarap kainin pero hindi ko talaga alam.

"Kanin at mainit na sabaw ang gusto ko" saad ko sa kanya habang nakangiti

Ngumiti naman siya pabalik sakin
"Alright, I'll make breakfast. Wash yourself and go downstairs later" huling bilin niya bago umalis.

Sana ganito lang palagi. Sana hindi siya magbabago, alam kong binigyan niya ako ng pag-asa pero kakayanin ko ba? Natatakot kasi ako sa posibleng mangyari eh.

Pumunta na ako sa banyo at naligo, nagbabad ako sa shower dahil gusto ko yung patak ng tubig.

Kasabay ng pagpatak ng luha sa mga mata ko ang pagdaloy ng ala-ala bago ko nalaman na buntis ako.

Noon pa man, si auntie na ang nag de-desisyon kung ano ang dapat kong gawin, saang eskuwelahan ako papasok, sinong maging kaibigan ko, anong kursong kukunin ko.

Si Jamie na parang anak na ang turing ni auntie, parang mas mahalaga pa si Jamie sa kanya na hindi naman niya kaano-ano kumpara sakin na pamangkin niya.

Si Jamie palaging nanjan sa tabi ko, sinasabing bawal makipagbarkada dahil yung ang sabi ni auntie, bawal lumapit sa mga lalaki dahil baka maging crush ko, palaging magbasa ng libro.

Si Jamie na palaging nagpapaturo ng assignments sakin, maraming kaibigan pero ako pinagbabawalan niya.

Laging rason niya ay siya daw ang pinagkakatiwalaan ni auntie na magbantay sakin.

Hindi ko pa nakikita ang mga magulang ni Jamie. Naging magkaibigan lang kami pagkatapos mag high school.

Si Jamie nagkaka boyfriend. Ako hindi dahil puro libro ang inaatupag ko.

Pero hindi ko maipagkakaila na si Jamie ang palaging nanjan sa tabi ko kapag kailangan ko ng tulong.

Naaalala ko nga pala na pinalitan ko na ang number ko nung malaman kong buntis ako.

Hindi ko na kinokontak si auntie, natatakot ako sa reaksyon niya. Sigurado akong magagalit yun. Marami pa naman yung pangarap na gusto niyang abutin ko.

Sorry auntie.

Paglabas ko ng banyo ay nakabalot ang katawan ko ng white towel.
Nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si alexander na naka apron na black at napatitig sakin.

Ngumiti siya at lumapit sakin. Hinalikan ako sa sintido at pumasok sa walk in closet.

"I don't have girls clothes so you can only wear my clothes for now" paliwanag niya at iniabot sakin ang t-shirt niya na plain white. Pero medyo malaki parin sakin. Inabutan niya rin ako ng boxer short niya kaya sinuot ko na rin kaysa walang pang harang sa ibaba.

"Salamat" tanging nasabi ko pagkatapos kong magbihis sa walk in closet.

"Your welcome, breakfast is ready. You should eat before it gets cold." Pagkasabi niya nun ay napangiti ako ng malawak. Hawak niya ang baywang ko pababa sa hagdan papuntang dining.

Doon nakahanda ang fried rice with egg, may ham and bacon. May cereal din. Tapos may rice at sinigang na baboy.may nakahandang kape sa kanya at gatas sakin.

Iginiya niya ako sa isa sa mga upuan at umupo siya sa harap ko. Malaki ang mesa dito. Pang mayaman talaga. Sinimulan ko nang kumain habang kumakain naman siya ng cereal.

Naubos ko na ang pagkain ko pati sabaw. Napatingin naman ako sa cereal niya, natatakam ako.

Iniwas ko nalang ang tingin ko sa cereal at uminom ng gatas na nasa harap ko.

Bigla namang tumayo si alex at umupo sa tabi ko hawak ang cereal niya. Napatingin ako sa kanya at sa cereal na hawak niya tapos umiwas na naman ng tingin.

Gustuhin ko mang kumain pero kay alex kasi yun. Alangan namang kuhanin ko yung kinakain niya.

Sa pag-iisip ko ay bigla nalang akong napa-pout.

Hindi ba talaga pwedeng kainin ko yung cereal ni alex?

"*chuckles*" napatingin ako sa kanya ng marinig ko siyang mahinang tumawa habang nakatingin sakin.

Inabot niya ang bowl ng cereal na kinakain niya kanina. Kaunti palang ang nakakain niya at marami pa ang laman.

Tiningnan ko ulit siya at balik sa cereal. Umiwas ako ng tingin at uminom nalang ng gatas. Nakakahiya naman kasing humingi.

"Alright, susubuan nalang kita" bigla niyang ini-suggest kaya bigla ulit akong napatingin sa kanya.

"Ha?"tanging nasabi ko

Lumapit siya sakin at inilapit ang kutsarang puno ng cereal sakin. Nakakatakam kaya napilitan naman akong ibuka ang bibig ko at isinubo ang cereal.

Masarap at matamis. Napangiti ako sa lasa ng cereal kaya napatingin naman ako kay alex na nakangiti habang tinitingnan ang reaksyon ko.

"Do you like it?" Nakangiting tanong niya kaya sunod-sunod naman akong tumango

Sinubuan niya ulit ako pero pinigilan ko siya.

"Kumain ka muna, kaunti palang ang nakakain mo. Kaya ko namang kumain mag-isa" sabi ko sa kanya pero ngumiti lang siya at isinubo sakin ang cereal

"Don't mind me, I'll eat after you" sabi niya kaya hindi ko maiwasang mag-alala.

Paano kung gutom na siya pero pinipigilan niya lang kasi gusto ko pang kumain? At dahil buntis ako.

Sa pag-iisip ko nang ganun ay nasabi ko ang mga salitang nakakahiya na talaga.

"Share nalang tayo, baka magutom ka kakasubo mo sakin" suggest ko pa sa kanya.

Napangiti naman siya sa inasal ko at inipit ang buhok ko sa tenga

"Alright" yun lang ang sinabi niya pero nag share nga kami.

Kapag sinusubuan niya ako tapos iinom muna ng gatas ay saka naman siya kakain din ng cereal. Minsan sinusubuan ko siya ng bacon na kinakain naman niya.

Habang kumakain kami ay biglang may pumasok na lalaki kasabay ng tunog na *bang* pagbagsak ng pinto.

Tumakbo siya palapit sa puwesto namin

"Boss! Bumalik na ang ibang mga kasamahan sa--" naputol ang sasabihin niya ng biglang ibinagsak ni alex ang kutsara sa bowl na hawak niya.

Napatingin naman ako sa lalaki at takot ang reaksyon niya, tumingin naman ulit ako kay alex pero ngumiti naman siya sakin ibinalik ko ulit ang tingin ko sa lalaki at takot pa ring nakatingin kay alex pero nung ibinalik ko ulit nakangiti parin siya at sa akin pa rin nakatingin.

"Bakit ka natatakot?" Mahina pero curious kong tanong sa lalaki kaya lang sunod-sunod naman ang iling niya habang nakasilip sa tabi ko.

Tumingin naman ulit ako kay alex pero nakangiti pa rin talaga siya.

Bakit ba siya natatakot?

"Alex, nakakatakot ka ba?"

You Are MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon