59

5.2K 113 18
                                    

Sa gitna ng dilim, makikita ang mga matang handang makipaglaban na para bang magaganap na ang pinakakinatatakutan ng lahat.

Maririnig mo ang mga ingay ng mga baril, kung paano nila hinahanda ang mga armas na gagamitin.

Mga taong tila ba ay handang makipaglaban kay kamatayan, handang ibuwis ang buhay para sa karangyaan.

Sa kabilang banda ay makikita naman sa mukha ng bidang lalaki ang nakakatakot at animo'y kasing lamig ng yelo ang mga tingin. 

Mga tinging para bang kapag tiningnan mo ang kanyang mga mata ay makikita mo ang impyerno, ang hari ng impyerno, ang tagasundo, si kamatayan.

Nakakatakot, nakakakaba.

"Hon?"

Napatingin si Alex sa isang babaeng bumihag sa kayang puso. Ang babaeng anghel ng buhay niya, ang magiging ina ng mga anak niya.

Lumapit siya sa babaeng ito at ngumiti ng pagkatamis na para bang nawalang bigla na parang bula ang nakakatakot na tingin sa kanyang mga mata.

"What is it? Do you need something?" Malambing na saad niya at buong pagmamahal na hinaplos ang buhok ng kanyang minamahal.

"Tingin mo ba magiging maayos lang ang lahat?"

"Hon"

"Alex, natatakot ako eh"

Napatingin na lamang si Alex kay Gladys na puno ng pag aalala ang makikita sa kanyang mukha

"Everything's gonna be alright" mahinang saad ni Alex at marahang hinagkan ang noo nito ngunit hindi pa rin mapakali si Gladys

"I promise" huling saad ni Alex bago hinagkan sa labi si Gladys at umalis kasama ang iba pang mga tauhan niya.

Hawak ang isang baril sa isang kamay at isa pang baril na nakalagay sa bewang nito pati ang isang matalas na dagger.

Sa pagkakataong ito, binalot ng takot ang buong sistema ni Gladys habang pinagmamasdan niya ang pagtalikod ni Alex.

Ang pag alis ng lalaking nagbigay sa kanya ng buong pagmamahal.

"Alex, please be safe" bulong ni Gladys sa hangin kasabay ng sunod-sunod na pagtulo ng kanyang mga luha, hinihiling na sana ay walang mangyayaring masama sa kanyang asawa.

Read more at my new account @MissJSWrites

You Are MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon