60

5.4K 112 9
                                    

Maliwanag ang buwan, napakagandang klima ng panahon.
Kitang-kita ang mga magagandang kinang ng mga bituin sa madilim na kalangitan.

Sa kalagitnaan ng kagubatan ay naroroon nakatago ang isang warehouse kung saan magaganap ang labanang tatapos sa matagal na laban.

Isang malaking warehouse, kasalukuyang nakatayo sa gitna si Don Syntiero kasama ang kanyang mga tauhan habang nakapaskil sa kanyang mga labi ang ngiting wagi.

Pagpatak ng alas otso ng gabi, kasabay ng pagkarinig ng mga ingay ng sasakyan ang paglitaw ng tatlong anino sa gitna ng kadiliman.

Nangunguna rito ang lalaking may mas mataas na antas ng atraksiyon sa mga kababaihan, nakatayo si Alexander dala ang mga ngiting kasing lamig ng yelo sa lugar ng north pole.

Nasa tabi nito ay nakita ng matanda si Cloud, ang kanyang apo na may nakapaskil na aura na kasing dilim ng kalangitan, bukod rito ay wala ring kahit anong makikitang ekspresyon sa kanyang mukha na nagbibigay ng takot sa mga makakakita.

Sa isang tabi din ni Alexander ay nakatayo ang isang lalaking hindi din naman nahuhuli sa magandang appeal na naroroon sa kanya.
Habang walang nakapaskil na kahit anong emosyon sa kanyang mukha ay kapag nakikita mo naman ang kanyang mga mata ay mayroon ditong galit na nag aalab kagaya ng apoy.

Sa likod ng tatlong pigurang ito ay nakatayo ang iba pang mga tauhan nila na magaling ring makipag laban.

Tahimik ang paligid ngunit biglang nabasag ang katahimikan ng makita ng matanda ang tatlong pigura na nakatayo ngayon sa kanyang harapan.

Kumawala ang isang malakas na halakhak ng matanda. Pagkatapos humalakhak ay panandaliang katahimikan at dahan-dahang nawala ang ngiti ni Don Syntiero at napalitan ito ng galit.

"Akalain mo nga naman, ang tatlong magkakapatid, magkakasama na ngayon?" Saad ng matanda

"Nakakatawang isipin, puro kasi kayo may mga minamahal na babae ngayon. Paano kaya kung mapapasakamay ko ang mga iyon? Hmm? Kakalabanin niyo kaya ako?" Natutuwa naman ang matanda sa nakikita niyang reaksyon ng magkapatid.

"Old man, I'm tired of this. After you control my life, now I am free I will make sure to make you regret for what you did to me" saad ni Cloud

"After you put drugs on my foods and drinks, now I will make my revenge" sabi naman ni Angelo

"Can't you just die?" Maiksi man ang saad ni Alex pero dahil sa sinabi niya ay napalitan ng galit ang mukha ng matanda.

"Humph! Let us see who will die first!" Sigaw ng matanda at sinenyasan ang kanyang mga tauhan na simulan na ang laban.

Read more at my new account @MissJSWrites

You Are MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon