48

5.4K 112 4
                                    

Mariin ang tingin ni Lerrione sa kanyang anak habang pinapakinggan nito ang sinasabi ni Alex.

"Dad, please tell me the truth"

Napatingin na lamang si Lerrione sa kanyang anak, hindi niya inaakalang masyadong matalino ito para mapansin iyon.

"Anak, I-"

"Dad, magsisinungaling ka na naman ba? Tell me dad, si Cloud ba?"

Napaiwas nalang ng tingin ang kanyang ama.

"So siya nga? He's my half brother?" Hindi makapaniwalang saad ni Alex sa kanyang ama.

"Why didn't you tell me?!"

"If I told you, what would you do?!"

"Siya ang may kagagawan ng lahat ng to! Namatay yung anak ko dahil sa kanya!"

"Xander, iba ang sinasabi ng lolo niya! Masisisi mo ba siya kung puro kasinungalingan lang ang sinasabi sa kanya?"

"Kung alam mo yung buong katotohanan, bakit mo pa itinago?! Bakit hindi mo pinigilan ang lahat ng kaguluhang to?!"

Si Gladys ay mabilis namang napatingin sa labas ng sasakyan ng makita niyang parang nagsisigawan na ang mag ama.

Handa na sanang buksan ni Gladys ang pinto ng biglang mag ring ang kanyang cellphone.

Nakita naman niya ang pangalan ni Jenna.

"Hello?" Pagsagot nito sa tawag ng kaibigan.

"Gladys? Omygod! San ka ba nagpupunta?"

"Sorry, kasama ko kasi ngayon si Alex eh" pagsabi ng katotohanan ni Gladys sa matalik na kaibigan. Alam kasi ni Jenna na buhay si Alex.

Excited namang ikinuwento ni Jenna ang nangyari sa kanila ni Cloud na nagpangiti kay Gladys.

"Congrats kasi kayo na. Paano ba naging kayo?" Bigla namang pinamulahan ng mukha si Jenna sa tanong ni Gladys.

"Ah eh, basta! Teka, nasaan ka ba ngayon?" Pagtatanong pa ni Jenna na sinagot naman ng totoo ni Gladys, hindi naman kasi nagsisinungaling si Gladys sa kaibigan ngunit ito na yata ang pinaka maling desisyon na ginawa niya sa buhay niya.

Habang nag uusap sila ay mayroong isang tao na lihim na nakikinig sa usapan ng dalawang babae.

Mag isa lang naman kasi si Jenna sa kanyang apartment ngayon at pumasok muna sa trabaho si Cloud.

Hindi na alam ni Jenna na may nag momonitor na pala sa kanya. May isang matandang lalaki na nanonood lamang sa ginagawa ng babae.

Read more at my new account @MissJSWrites

You Are MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon