19

7.8K 183 18
                                    

Pagkatapos ng drama ay naging tahimik lang ang biyahe pero wala na ang awkward na atmosphere sa kanilang dalawa na para bang naiintindihan nila ang isa't isa kahit na hindi sila nagpapaliwanag.

Sa tagal ng biyahe ay kaagad na nakatulog si Gladys sa pagod at antok idagdag mo pa ang nakakarelax na tugtog at ang amoy na Vanilla.

Si Alex naman ay relax na relax din habang nagdadrive at bumalik na sa dating linaw ang kanyang mga mata.

Mabilis lang ang biyahe ng dalawa at kaagad na nakarating sa kompanya, nakalinya na sina Macy at si Jenna kasama si Cloud ay nandun sa loob ng office ni Cloud.
Sino bang may alam ng ginagawa ng dalawa? Sila lang naman ang nandun.

Balak sanang buksan ng guard ang pintuan ng sasakyan ni Alex pero pinigilan ito ni Xian, napatingin naman ang guwardiya sa kaniya na nagtataka. Mukhang hindi alam ng guwardiya ang ugali ng boss nila.

Pero kahit na nagtataka ang guard ay nakinig ito kay Xian at binawi ang kamay, bumalik sa puwesto kung saan nakalinya.

Sa loob naman ng sasakyan ay pinagmamasdan lamang ni Alex ang dalagang mahimbing lang na natutulog. Napangiti ang binata sa dilag. Inangat niya ang kanyang kamay at dahan-dahang hinawakan ang pisngi ng dalaga.

Napakaganda ng dalaga, mala-porselanang balat, may maliit ngunit matangos na ilong na animoy isang ilong ng manika, may manipis at cute na mga labi, medyo mahaba at sobrang itim na pilik mata, may normal din na pagkapink ang pisngi ng dalaga na nakakadagdag sa alindog nito. Mayroong hanggang dibdib na buhok na kulay itim na halatang hindi pa nagagamitan ng kung anong pangpaganda ng buhok.

Unti-unti namang gumalaw ang mga mata ni Gladys hudyat na magigising na ito, hinaplos ni Alex ang mga pisngi ng dalaga. Nang magmulat ng mata si Gladys ay kaagad siyang napatingin sa napakaguwapong mukha ni Alex.

Mabilis namang namula ang mukha ni Gladys dahil sa sobrang lapit nilang dalawa sa isat isa, napangiti naman ang binata at inipit ang ilang buhok ng dalaga sa tainga.

"Your fully awake now?" Tanong ni Alex na ikina-tango lamang niya.

Kaagad namang sinuklian ng ngiti ni Alex si Gladys at lumabas ng sasakyan. Ang mga kawawang tauhan naman na nakapila ay sumaya sa unang pagkakataon na makita nilang lumabas na ang boss nila. Nakakangalay ding maghintay kung kailan balak lumabas ng amo nila.
Nakakatakot naman kapag inistorbo ito.

Nakakagulat man para sa ibang tao bukod sa kanila nina Chris dahil mismong boss nila ang pinagbubuksan nila ng pinto ngayon kusa itong nagbukas ng pinto para sa ibang tao. Sino ba ang masuwerteng ito?

Pagbukas naman ng pinto ay nasilayan nilang lahat ang magandang babae na kasama na boss nila kanina sa pag alis.

Sa pagbaba nang dalaga ay talagang napanganga na ang mga tao sa nakikita, inaalalayan lang naman ng kanilang presidente ang babae palabas ng sasakyan. Bakit ba wala itong respeto sa mga single? Nakakasakit sila sa damdamin!

Pagkatayo ng dalaga ay muntikan pa itong matumba dahil sa hilo, kaagad namang hinawakan ng binata ang bewang nito at inalalayan.

Nahihilo nga ang dalaga, biglang sumama ang pakiramdam nito pagkababa ng sasakyan.

"Are you okay?" Nag aalalang tanong ni alex pero ngumiti lang naman ang dalaga sa kanya.

Tuloy lang sa pag aalalay si Alex kay Gladys at dinaanan lang nila ang mga taong kanina pang nakatayo sa labas. Napapatingin naman si Gladys sa mga ito pero walang pakialam si Alex at hinila lang palapit sa kanya pagkatapos ay lumingon sa mga taong ito at sobrang dilim ng mukha. Nakakatakot.

Bakit? Ano na naman bang ginawa nila?

Hindi nila alam na nagagalit si Alex dahil nag aalala si Gladys sa mga taong ito, bakit nila pinag aalala si Gladys? Sino ba sila?

Mabilis na sumunod sina Macy sa kanila ni Alex. Pagkapasok nila sa elevator ay naunang pumasok ang dalawa kasunod ng apat na ito.

Nakakasakit mang isipin na may sobrang tamis sa harap nilang apat na parehong walang lovelife pero wala silang magagawa. Bakit ba kasi wala silang lovelife? Nakakainggit tuloy sa dalawang taong ito.

Pagkarinig nila ng 'ding' na tunog ay bumukas na ito at naunang lumabas ulit ang dalawa deretso sa opisina ni Alex. Sa kasamaang palad, pinagsarhan sila ng pinto ni Alex kaya wala silang ibang magagawa kundi makigulo kina Cloud.

Pagkapasok nila sa office ay nangunot ang noo ni Alex ng makita ang babaeng nakaluhod sa sahig. Bakit hindi nila pinaalis? Ang mga walang hiyang yun!

Samantalang ang mga bodyguard na ito naman ay sandaling napaisip, parang may nakalimutan sila. Ano ba iyon? Para talagang may nakalimutan sila pero di nila matandaan.

Sa opisina naman ni Alex, pareho silang dalawa na nagulat sa babaeng nakaluhod. Naawa naman kaagad si Gladys dito at lumapit sa babae.

"Ayos ka lang ba?" Mahinhin na tanong ng dalaga pero pagkaharap ng babae sa kanya ay puno ng galit ang mga mata nito, akmang itutulak nito si Gladys pero nahawakan kaagad ni Alex ang mga kamay ng babae at puwersahang binitawan na naging dahilan ng pagbagsak nito sa sahig na nanghihina.

Gusto pa sanang tulungan ni Gladys yung babae pero hinila siya ni Alex at pinaupo sa mismong upuan niya. Nagtataka namang tumingin si Gladys sa binata pero binalewala lang ito ni Alex at hinalikan ang noo nito bago kinuha ang cellphone niya at may kung sinong tinawagan.

Nakakaawa naman ang natawagan niyang si Chain dahil napagbuntunan ng galit nang amo. Nakakaawa, makikita mo nalang si Chain na parang asong pinalo ng amo sa katigasan ng ulo.

Mabilis na pumunta ang mga ito sa loob ng opisina ni Alex, ang nakakagulat lang ay parang walang nakikita ang dalawa at sobrang sweet pa.

Nakaupo sa swivel chair si Alex sa sariling upuan at nakakalong sa kanya si Gladys tapos nagsusubuan pa. Nakita nila ang dalang pagkain kanina ni Gladys at yun ang kinakain nila.

Bakit ba kailangan nilang maging sweet sa harapan ng mga single katulad nila? Nang aasar ba sila o ano? Hindi ba nila alam na nakakasakit na sila ng damdamin ng mga nag iisa sa buhay? Nakakaiyak naman ang pakiramdam nila.

Nakakaawang mga utusan.

"Xian, kumain na ba kayo? Baka gutom na kayo" nag aalalang tanong ni Gladys sa kanila

Gusto na tuloy maiyak ng mga ito, mabuti pa ang maganda nilang reyna napakabait samantalang ang hari nila parang kakambal ang demonyong palaging galit!

"Hindi pa po eh" nahihiyang sagot naman ni Xian.

Napatingin naman si Gladys kay Alex, napatingin din naman si Alex sa mga mata ng dalaga. Nagmamakaawa naman ang mata ng dilag, masama man sa loob ng binata pero napabuntong hininga nalang ito. Bakit ba hindi niya kayang tanggihan ang minamahal?

Kumuha naman kaagad ng black card si Alex at hinagis kay Chain na mabilis naman nitong nasalo. Aba! Black card to!

"Enjoy kayo! Kumain kayo ng marami" malawak na ngiti ni Gladys. Naging malawak din naman ang mga ngiti ng mga sawing utusan na ito at mabilis na hinila ang babaeng nakahiga na sa sahig. Tumatakbo sila palabas

Oras na para magsaya! Para to sa mga single katulad nila!

Pagkalabas sa kompanya ay kaagad nilang ibinaba ang babae sa gilid ng kalsada at masayang pumunta sa mamahaling restaurant. Masayang gumastos kapag libre!

You Are MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon