33

6.3K 156 1
                                    

Kinakabahan man si Gladys sa ibabalita ng apat ay kalmado pa rin itong humarap sa kanila at hinintay ay sasabihin ng mga ito.

"M-miss, si boss kasi..." nag aalinlangang pagsisimula ni Chain kay Gladys.

"Si boss po, naaksidente" mahinang pagdugtong ni Chris sa sinabi ni Chain

Sa balitang ito ay parang nawalan ng buhay ang mundo ni Gladys, hindi niya alam kung bakit hindi siya sumigaw at malakas na humihikbi.

Tulala lang ang dalaga habang nakatingin sa kawalan, dahan-dahan siyang umupo sa kama at bumuhos nang walang tigil ang luha ng babae.

Hindi naman alam ng apat ang nangyari, tahimik lang naman kasi ang babae at patuloy na bumubuhos ang luha nito na para bang isang ilog ngunit hindi ito umiimik. Tahimik lang ito na para bang malalim ang iniisip.

Sandaling pumikit ang mga mata ng dalaga at dinamdam ang hangin na humahalik sa balat ng babae. Inangat niya ang kanyang mga kamay at pinunasan ng marahan ang kanyang sariling luha.

Sa sandaling ito, para bang namatay ang dating Gladys at napalitan na nang nakakatakot na babae. Sa isang tingin lamang ng babae ay para bang si kamatayan na susundo sayo.

Walang emosyon ang babae at bawat titig nito ay parang bang isang matalas na kasangkapan, handang makasakit at ipaparamdam sayo ang kadiliman.

Nangatog naman ang mga binti ng apat, nakakatakot ang aura na pumapalibot sa babae ngayon.

"Nakumpirma na ba?" Malamig na tanong ni Gladys sa apat kaya agad na umiling ang mga ito bilang sagot sa tanong ng dalaga.

"Pero kumalat na ang balita tungkol sa aksidente ni Boss, maski buong pamilya Ramirez ay alam na ang tungkol dito." Pagbibigay alam ni Macy sa dalaga

Napatango na lamang si Gladys at sandaling napaisip. Imposibleng ganun lang ang nangyari, hahanapin ko si Alex kahit na tumapak pa ako ng bangkay ng mga tao.

Sa pag iisip na ito ay naging mas matalim ang tinging ipinupukol ni Gladys sa kawalan na animo'y handa itong makapatay ng nilalang.

"Sa ngayon ay maghihintay muna tayo. Sigurado ako, mamaya o bukas ay may bisitang darating" huling sabi ni Gladys bago pinalabas ang apat.

Ang mga bodyguard na ito naman ay nanayo ang mga balahibo sa katawan, para kasing naging ibang tao na ang dating anghel nilang amo.

Nagagawa nga naman ng pag-ibig. Mukhang ang boss nila ang nag-iisang kahinaan ng babae dahil mabilis na nagbago ang anyo ng dalaga pagkatapos nitong malaman ang balita.

Kinabukasan, hindi nga nagkamali si Gladys. Ala-sais ng umaga ay maingay na ang doorbell dahil sa mariin na pagpipindot ng kung sino man sa labas ng pintuan.

Mabilis na nagisung si Xian at nagulat nang pagbukas niya ng pinto ay isang demonyita pala ang nag aabang sa pinto.

Akala naman ni Xian bisita, bwesita pala to. Sino naman kayang demonyo ang bumulong sa babaeng ito na dumayo sa pamamahay ng kanyang amo? Anong masamang engkanto ang nag aya sa kanya para mang bwesit rito?

Tinaasan lang siya ng kilay ng babae pero masama lang ang tingin ipinupukol ni Xian sa bagong dating na babae hanggang sa nakarinig siya ng yapak ng paa papunta sa kinaroroonan niya.

"Papasukin mo ang bisita Xian." Pag utos ni Gladys kay Xian, napasimangot na lamang ang lalaki dahil sa sinabi ng kanyang amo pero sinunod pa rin naman niya ito.

Nilakihan niya ang space ng pinto para makapasok ang babae sa loob ng mansiyon.

Kasalukuyang nakaupo ang dalawang babae sa may sofa, magkaharap ang dalawang babae at tanging maliit na lamesa lamang ang humaharang sa kanilang dalawa.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo rito sa mansiyon ng fiance ko?" Mataray na tanong ni Kath kay Gladys na tahimik lang na nakaupo sa sofa at kalmadong umiinom ng gatas.
Hindi pinansin ni Gladys ang tanong na ito ni Kath at patuloy lamang siya sa pag iinom ng kanyang gatas nang biglang malakas na hinampas ni Kath ang maliit na lamesa na tanging humaharang sa dalawa at sabay na napatayo sa inis.

"I'm talking to you!" Matinis na sigaw ni Kath kay Gladys pero sandali lamang na napatingin si Gladys at inubos ang gatas na hawak-hawak niya.

"Hey! You bitch!" Nanggagalaiting sigaw ng fiance kuno ni Alex at namumula ang mukha na nakatitig sa kalmadong presensya ni Gladys

Eleganteng inilapag ni Gladys ang wala nang laman na tasa nito sa maliit na lamesa at tumayo.

Walang emosyon lamang na napatingin si Gladys sa babaeng namumula na sa inis.

"Anong kailangan mo? Sabihin mo na para makaalis ka na dito" balewalang saad ni Gladys kay Kath dahilan para mas lalo itong namula sa galit.

Inilang hakbang lamang ni Kath ang pagitan nilang dalawa at inis na inabot ang buhok ni Gladys pero naunang hinablot ni Gladys ang buhok ni Kath at ipinaikot ito sa kanyang mga kamay sabay malakas na hinila pababa na naging dahilan para sumunod naman ang ulo ni Kath pababa.

Napasigaw ng matinis na boses si Kath sa ginawa ni Gladys. Para namang nasapian ng kung anong demonyo si Gladys at malakas na hinila muli pataas ang buhok ni kath na naging dahilan para sumunod naman ito at malakas na sinampal ni Gladys ang babae.

*paaaak!* nag paulit-ulit ang malakas na tunog ng sampal ni Gladys kay Kath sa bawat sulok ng mansiyon.

Hindi pa nakuntento si Gladys at sinampal niya ulit ng mas malakas pa si Kath sa kabilang pisngi. At mas dinagdagan pa ni Gladys ang pananakit kay Kath.

*boogsh!*

Malakas ang tunog nang suntok ni Gladys sa mata ni Kath at mabilis namang nawalan ng lakas ang babae kaya para itong lantang gulay na napaupo sa sahig ng mansiyon habg hawak-hawak ang ilong nitong dumudugo.

Unti-unting pumapatak ang dugo na nagmumula sa ilong ni Kath papunta sa malamig na sahig ng mansiyon. Napanganga lang naman ang apat na nanunuod sa eksena ng dalawang babae.

Napalunok na lamang ang tatlong lalaki, nakakatakot pala magalit ang anghel nilang amo. Wala sa sariling napahawak sa sariling ilong ang tatlo samantalang si Macy naman ay napangiwi sa nasaksihan

Iniisip palang ng apat ay paniguradong masakit ang tama nun. Ang lakas ng impact eh, umecho pa talaga sa bawat sulok.

Namumula ang dalawang pisngi at dumudugong ilong ang natanggap ni Kath sa panggugulo nito kay Gladys.

Nanginginig pa nga ang mga kamay ni Gladys habang masamang nakatingin kay Kath na nakahawak lamang sa dumudugong ilong nito.

"Wag na wag mong ubusin ang pasensya ko. Wala pa yan sa 1% na kaya kong gawin sayo. Umalis ka na dito dahil kung hindi ay baka mawalan ka ng buhay nang maaga. Gusto ko pang makipaglaro sayo, KATHERINE" malamig na banggit ni Gladys sa babae.

Mabilis namang tumayo si Kath sa sahig at tumatakbo palabas ng mansiyon habang may galit ang mga mata.

'Humanda ka Gladys! Sisiguraduhin kong pagbabayaran mo ang ginawa mong to sakin!' Isip ni Kath habang paalis sa mansiyon.

Pagkaalis ni Kath ay kalmadong umpo ulit si Gladys sa sofa at nag cross legs pa.

"Humanda kayo, ilang linggo mula ngayon ay may ipapagawa ako sa inyo." Malamig na saad ni Gladys sa apat na nakatayo lamang sa tabi ng hagdanan.

You Are MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon