25

6.8K 166 7
                                    

Pagkauwi nila galing sa pag shopping ay nakarating na si Alex sa mansion.

Naisipan din ni Jenna na dito nalang siya mag aayos kasabay ni Gladys. Nandito na rin naman si Cloud dahil palagi itong kasama ni Alex sa kahit saang party.

Kahit amo niya si Alex ay alam naman ng lahat na magkaibigan ang turingan ng dalawa, mas mukha pa nga silang magkapatid kaysa sa totoong kuya ni Alex eh.

Sinalubong naman ni Alex si Gladys at niyakap.

"How's your shopping?" Tanong ni Alex sa dalaga pero ng akmang sasagot si Gladys ay sumingit naman si Jenna.

"Wag mong tanungin yan! Di yan aamin na nakasalubong namin ang hipokritang Jamie sa botique! Bweset na babaeng yun! Kung hindi lang yun mall ay malamang sinuntok ko na pagmumukha nun!" Sumbong naman kaagad ni Jenna

Hay naku, napakadaldal talaga. Walang tigil ang bunganga.

Napatingin naman si Alex kay Gladys at alanganin naman itong ngumiti.

"Okay lang naman ako, nagtalo lang ang dalawa kung sino ang anghel at anak ni Satanas, yun lang. Tahimik lang ako sa tabi" paliwanag ni Gladys at awkward na ngumiti

"Anong nanjan sa tabi? Iniwan mo kaya ako na nakikipagbatuhan ng salita sa makating higad na yun!" Reklamo pa ni Jenna at biglang lumubo ang pisngi. Nagtatampo.

"Hoy Alexander! Sa susunod, samahan mo yang babaeng iyan kapag magshopping! Wala yang mabibili kapag mag isa lang! Wala daw pera!"

"Jenna!" Saway naman ni Gladys pero mukhang wala talagang makakapigil sa bunganga ng babaeng ito.

"What? But I gave you a card, right?"

"Oo, kaya lang--"

"Kaya lang hindi daw kanya! Nakakahiya daw gumastos!" Sumbong pa ni Jenna

"Jenna, ano ba?"

"Aba bakit? Pagkatapos mo kong iwanan ganun na yun?" Nagtatampong tugon ni Jenna at kinuha ang paper bag ni Gladys

"Okay, mag ready na tayong lahat! 7 pm ang party ng matandang iyon" pag a-announce ni Jenna

"I hired some make up artists for the both of you" sabi ni Alex at inaya ang dalawang babae sa isang guest room

"Also you Macy" sambit naman ni Cloud kaya sumunod naman kaagad si Macy

"Ay! Marami akong biniling dress! Magsukat ka kasama namin Macy dear" pag-aya pa ni Jenna sa babae

Ilang oras ang dumaan at 6 pm na nang gabi, 7:30 magsisimula ang party kaya may oras pa sila.

Dalawa ang sasakyan na gamit nila.

Sa isa ay nakasakay sina Chris, Chain, Cloud at Jenna samantalang sa isang sasakyan naman ay nakasakay sina Macy, Xian, Alex at Gladys. Driver sina Chain at Xian.

Mabilis naman na nakarating ang mga ito sa isang hotel, marami na rin ang naririto at mukhang piro mayayaman ang dumalo.

Hindi nila alam ay nasa loob na ng hotel si Angelo Ramirez, ang kapatid ni Alexander Ramirez kasama si Katherine ang fiance kuno ni Alex.

Nakaupo si Angelo sa isa sa mga VIP seats kasama si Katherine. Sa totoo lang, medyo hindi naman talaga kapani-paniwala na mag fiance si Alex at Kath eh, mas maniniwala pa siguro ang mga tao kung sina Angelo at Katherine kasi sila ang palaging magkasama.

Sa pagdating ni Alex kasama sina Gladys ay kaagad na umupo ang mga ito sa VIP seats kasama si Jenna, dapat nga doon si Jenna sa unahan kasama ang kanyang pamilya pero ayaw naman nito, gusto niyang kasama palagi ang bida eh.

Hindi nagtagal ay dumating ang mga magulang ni Alex at sunod naman na dumating ay si Nella ang kapatid nito.
Maya-maya pa ay dumating na rin ang pamilya ng nga Santillan, sino bang hindi nakakakilala sa hari at reyna ng entertainment industry? Si Harry Santillan at ang asawang si Dianne Santillan kasama ang ampon na anak na si Yves Heda Santillan na ngayon ay isang sikat na artista.

Ang mga Santillan ang namumuno sa entertainment industry, si Dianne ay isang Superstar at writer samantalang si Harry ay President ng CVA entertainment agency at isa ding director.

Mukhang sumunod sa kanila ang ampon nila dahil isa na itong artista. Maganda naman si Yves, mabait sabi ng iba meron namang nagsabi na plastik pero ewan ko lang, malay ba natin?

Siguro sa lukso ng dugo kaya biglang napalingon si Gladys sa hari at reyna ng entertainment industry. Hindi maipagkakaila na medyo kahawig ni Harry si Gladys at halata ding ampon si Yves kasi wala talaga itong kamukha.

Para rin namang may bumulong kay Dianne at napatingin sa direksiyon ni Gladys, nagulat naman ang dalaga at umiwas ng tingin.

'That girl, she look just like Harry' isip ni Dianne. Pagkaupo nila sa kanilang VIP seat ay kaagad na hinila ni Dianne ang asawa.

"Love, that girl. Look at her, She look like you. Maybe she's our--" saad ni Dianne pero naputol ito ng biglang magsalita si Yves.

"Mom, Beatrice Rose is dead. Mas masasaktan lang kayo kung iisipin niyong buhay pa siya, mas lalo lang kayong aasa eh" sa pagsabi na ito ni Yves ay biglang sumama ang tingin ni Harry sa kanya.

"Don't you dare speak like that" hindi alam ni Harry pero talagang naiinis siya palagi sa batang ito. Bakit ba kasi kailangan niyang ipamukha sa asawa na patay na ang anak nila? Kahit siya nasasaktan kapag iniisip niyang wala na ang kanyang nag iisang prinsesa.

Napayuko lang naman si Dianne at konti nalang ay parang tutulo na ang luha nito kaya niyakap nalang siya ni Harry. Halos mabaliw ang ginang nang malaman niyang nawawala ang anak niya, nung biglang may nakita silang sanggol sa tapat ng gate nila ay inaakala ni Dianne na anak niya ito at pilit na kinupkop kaya kahit ayaw ni Harry ay wala siyang nagawa para sa kaligayahan ng asawa

Ni hindi nga nila alam kung saang lupalop nanggaling ang batang ito eh. Hanggang ngayon ay pilit pa ring hinahanap ni Harry ang kanyang anak.

"My daughter is not dead. Hangga't wala akong nakikitang bangkay ng anak ko, hundi ako maniniwalang patay siya" matigas na sabi ni Dianne at napatingin ulit sa direksiyon ni Gladys na masayang tumatawa sa mga biro nina Xian.

'Kung buhay ang anak ko, siguro kasing ganda niya ang anak namin' isip ni Dianne habang nakatingin kay Gladys.

Napatingin din naman si Harry sa direksiyon na tinitingnan ni Dianne at nagulat din siya ng makita ang mukha ng dalaga. Hindi maipagkakailang kamukha niya ito. Kumuyom ang kamao ni Harry at iniisip na niya kung paano imbestigahan ang babaeng kahawig niya.

Sana nga siya na ang matagal na nilang hinahanap.

You Are MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon