24

7.1K 171 3
                                    

Mabilis lumipas ang panahon at isang buwan na ang nakakalipas nung mangyari ang pagtatalo ni Gladys at ng fiance kuno ni Alex.

Medyo lumaki na rin ng kaunti ang tiyan ni Gladys dahil malapit na rin itong mag apat na buwan

Isang buwan na rin ang nakakalipas at wala namang ibang nangyari bukod sa normal na araw-araw ni Gladys at Alex.

Hindi pa ulit nakakapunta si Gladys sa kompanya ni Alex. Samantalang si Jenna naman ay nakahanap na ng trabaho bilang isang photographer sa isang RunWild magazine kung saan kumukuha ng litrato ng magagandang tanawin

Hindi pa man gaanong sikat si Jenna ay maganda naman ang mga kuha niya. Kahit walang konek ang kurso nito sa trabaho ay tinanggap pa rin ito dahil namangha ang chief editor nila sa mga kuha ni Jenna.

Sa ngayon ay naghahanap sila ng dress na pwedeng maisuot sa birthday party ng ama ni Jenna.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin alam ni Gladys na pamilya ng mga sundalo ang mga Maldives, marahas kasi ang pamilyang ito sa mga kalaban kaya talagang kinatatakutan ito ng karamihan.

Buong pamilya nila ay may sundalo, sa pamilya ni Jenna ay ang kanyang ama at nakatatandang kapatid na lalaki ay isang sundalo. Isang Captain ng Airforce ang kanyang kuya at isang Lieutenant General ang ama sa Army samantalang lieutenant Colonel ang ina nito sa isang Army.

Mabuti na lamang at pumayag ang ama nila na hindi maging sundalo si Jenna pero pinag aral ito ng self defense at ilang galaw ng martial art.

Ganun siguro kapag bunso, dalawa lang naman kasi silang magkakapatid at hindi maipagkakailang prinsesa siya sa kanila. Lahat ng gusto nasusunod.

Sa ngayon ay nasa mall sila para maghanap ng damit dahil dadalo din sa party si Gladys at si Alex kasama na ang mga bodyguards.

Naiwan nga lang ang mga iyon dahil kaya naman na daw ni Jenna protektahan si Gladys, wala din namang magagawa si Alex kung yun din ang gusto ni Gladys.

Sa kasamaang palad, kung minamalas nga naman ay nakasalubong pa nila si Jamie.

"So nandito pala ang makating babae, hindi na nahiya at nagawa pang gumala sa mall na to pagkatapos ipaako ang bata sa ibang lalaki? Napakalandi" pagtataray ni Jamie kay Gladys

Nakasuot si Jamie ng isang puting dress na nagpapamukha sa kanya na para bang isang anghel kaya lang inihulog ng langit, di kasi bagay.

"So nandito pala ang babaeng mukhang anghel pero inihulog ng langit papuntang empyerno dahil sa itim ng budhi nito. Buti tinanggap ka pa dun? Demonyita" pagtataray din ni Jenna at ginaya-gaya pa ang tono ng pananalita ni Jamie kanina

"Ha! Ikaw pala? Wag kang mag alala, hinulog ka din naman ng langit. Mapanakit kasi yang bunganga mo, masyadong matalas ang tabas. Paputol mo na" nang aasar din namang saad ni Jamie at umikot pa ang mata na parang matatanggal na.

"Ay ganon? Mali ka, hindi ako hinulog ng langit, nanggaling na talaga akong impyerno. Anak kasi ako ni Satanas, nandito lang ako sa lupa para sunduin kaluluwa mo at sunugin sa apoy ng impyerno" pang aasar din pabalik ni Jenna

"Oh? Kaya pala lagi kang minamalas, galing ka kasing impyerno. Ingat ka, baka makasunog ka ng gamit dito at makapagbayad ka pa." Sabi ulit ni Jamie.

"Kaya nga eh, baka makasunog ako. Ang hot ko kasi, pero don't worry kasi may pangbayad naman ako di gaya mo. Ipaalala ko nga pala sayo, wag ka masyado lumapit sakin, baka masunog ka. Mukha ka pa namang bangkay, dagdag pa ang suot mong kulay puti. Pwede ka nang iburol" sumbat pa ni Jenna sabay flip ng hair at umirap pa.

"Ha! Galing ka ngang impyerno kaya walang nagkakagusto sayo" saad ulit ni Jamie

"Oops! Let me tell you, sa sobrang dami ng manliligaw ko baka matapakan mo na buhok ko sa sobrang haba. Di gaya mo, puro landi" balik na sumbat ulit ni Jenna

Si Gladys naman ay pabalik balik ang tingin sa dalawa, bakit ba dito pa talaga sila sa botique nag aaway? Nakakahiya sa mga tao.

"Pumapatol naman sila, ibig sabihin hindi nila ako kayang tanggihan" sabi ni Jamie

"Syempre papatol sayo, di kasi maka score sa mga high class kaya dun nalang sa parausan. Talo mo pa kasi ang linta kung makadikit sa mga lalaki. Talo mo pa ang higad sa kati. Ikaw na teh" nang aasar pa na sambit ni Jenna at nagawa pang pumalakpak.

"Tsk, kunwari ka ding mala anghel. Galing naman impyerno"

"Uy hindi ah, kakasabi ko lang sayo kanina na anak ako ni Satanas. Hindi ako gaya mo na ibinagsak sa impyerno galing sa langit, di natiis ang virus galing sayo. Gusto mo ipatikim ko pa sayo kamao ko para makita mo talaga ang impyerno eh"

Patuloy lang sila sa pagtatalo kaya nagawa nalang ni Gladys na maglibot-libot sa lugar. Naghahanap ng magandang pwedeng maisuot.

Hanggang sa nakakita siya ng isang dress na kulay green. Isang royal type na dress at may design na gold linings.

Napakaganda, hindi din mahihirapan isuot ito ni Gladys kahit buntis siya kasi ang higpit lang nito ay sa ilalim ng kanyang dibdib at wala sa bewang.

Akmang kukuhanin na ito ni Gladys ng may makasabay siya sa pagkuha, nagulat naman si Gladys at kaagad na napatingin sa babaeng humawak rin nito.

Maganda ang babae, may maitim itong buhok at medyo tan na balat. Mayroon itong malamig na aura na nakapalibot sa babae.

Napabitaw naman si Gladys at alanganing ngumiti sa babae.

"Sige sayo nalang, pasensya na" saad ni Gladys at yumuko ng kaunti pagkatapos ay ngumiti siya sa babae at naghanap ulit ng ibang damit.

Napahanga naman ang babae kay Gladys.

'Napakagandang babae at napakabait, mahinhin at walang halong ka plastikan ang ipinapakita. Mukhang nakahanap ka ng maayos na babae my dear little brother' isip ng dalaga at kaagad napangiti at lumapit kay Gladys.

"Here, sayo nalang" nabigla naman si Gladys at napatingin sa babae.

"Ay naku okay lang. Wala din naman akong pangbayad niyan. Tinitingnan ko lang, at hinihintay ko lang din naman yung kasama ko eh" paliwanag naman ni Gladys.

'Walang pangbayad, mygosh lil' brother, hindi mo ba binibigyan ng pera itong girlfriend mo? Mukhang buntis pa naman' isip ng babae.

Napangiti nalang ito sa asta ni Gladys.

"Why don't you try it? I won't buy it anyway. Sigurado akong bagay to sayo"

"Okay lang, wala talaga akong pera eh"

"Mm, okay then. Ibabalik ko nalang ito, My name is Nella, you can call me ate Nella, how about you?"

"Gladys" ngiting sagot niya at nakipagkamay sa babae.

"Nice to meet you" sambit ng babae at umalis na kasabay nito ang pagdating ni Jenna

"Bakit mo ko iniwan dun? Dapat nakita mo kong paano ko ipinahiya yung malditang yun! Kung di lang dumating yung guard ay talagang pinalipad ko na tong kamao ko papunta sa pagmumukha nun!" Reklamo ni Jenna kay Gladys.

"Nang aaway ka na naman"

"Siya nagsimula! Teka, bakit hindi ka pa kumukuha ng damit?"

"Wala naman akong panggastos"

"Anong wala? Eh para saan yung card na ibinigay sayo ni Alexander?"

"Hindi naman akin yun"

Hindi alam ng dalawa na nakikinig pa rin pala si Nella at napangiti ito.

'Mukhang hindi naman pera ang habol niya sa kapatid ko. Good job lil' brother, naka jackpot ka kahit sobrang sama ng ugali mo' isip nito at napangiti nalang sa magiging lovelife ng kapatid.

Sa huli ay kinuha ni Jenna ang nakita kanina ni Gladys at iyon na ibinili, gamit syempre ang pera ni Alex.

Para saan pa ang pera kung hindi naman gagastusin? Binigay na, wala ng bawian aba!

You Are MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon