58

5.1K 109 5
                                    

Malapit nang mag pitong buwan ang tiyan ni Gladys at palaging nakaalalay si Alex sa lahat ng oras.

Sa panahong ito, hindi alam kung kailan gaganapin ang araw na kinatatakutan nila ngunit nananatiling malakas ang loob sa lahat ng laban.

Ngayong araw, maagang nagising si Gladys at nagtungo sa may bakuran upang tingnan ang pag gising ng araw at masilayan ang ganda ng tanawin.

Maya-maya pa ay nabigla na lamang si Gladys sa taong biglang yumakap sa kanya. 

"You woke up early" malambing na bulong ni Alex sa babae

"Mmm, I want to see how the sun rises in the mountains" ngiting turan ni Gladys

Panandaliang katahimikan ay dumaan at maya-maya ay nabasag rin ang katahimikang ito.

"Alex, tara punta tayo sa mall? Gusto kong mamasyal" masayang saad ni Gladys at nilingon si Alex

Paano nga ba sasabihin ng lalaki na delikadong lumabas ngayon lalo na at nag aabang ng magandang pagkakataon ang kalaban para maisahan sila.

Pero kapag nakikita niya ang inosenteng mukha ng asawa niya ay para bang nahihipnotismo siya at hindi makatanggi.

Sa huli ay pilit na ngumiti ang lalaki at tumango bilang pagpayag na mamamasyal sila sa mall mamaya.

Mabilis na nagbihis ang dalawa at nagpaalam kay David na aalis.

Nakasuot ng simpleng puting dress si Gladys at si Alex naman ay simpleng t-shirt at jeans lang din

Sumakay sila sa kulay itim na kotse, simple ngunit kung aalamin ang presyo ay milyon ito.

Kaagad na nakarating sila sa mall, kaagad na lumabas si Alex para pagbuksan ng pinto ang asawa.

Masayang lumabas ng kotse si Gladys na nakasalamin at si Alex na naka sunglasses pa.

"Be careful" usal ni Alex sa babae

Ilan sa mga teenagers na naglalakad sa parking lot ay napatingin sa mag asawa at ang ilan pa ay napatili sa guwapo ng lalaki, may ilang mga lalaki na magbabarkada na nagtutulakan pa para lumapit kay Gladys kasi kahit na buntis ito ay mahahalata mong napakaganda parin.

Niyakap naman ni Alex si Gladys at pagkatapos ay hinawakan sa bewang para alalayan ito sa paglalakad.

"Bakit ba kasi ang ganda ng misis ko eh" malambing na sambit ni Alex at hinalikan ng mabilis ang noo ni Gladys na naging sanhi ng pagtawa ng babae.

"Kung bakit ba kasi ang gwapo ng asawa ko, pinagkakaguluhan ng mga batang babae jan eh" usal ni Gladys at mabilis na kinurot yung tagiliran ni Alex na naging dahilan para mapangiwi ito sa sakit.

"Tara na nga, what do you want to do first?" Pagtatanong ni Alex

"Let's go shopping, please" pagmamakaawa ni Gladys sabay nguso nito kaya mabilis na dumapo ang labi ni Alex sa labi nito.

"Ahhhhhh!!!!"tili naman ng ilan sa mga kababaihan na nasa parking lot pa

Read more at my new account @MissJSWrites

You Are MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon