53

5.9K 137 15
                                    

Ilang linggo ang nakakalipas matapos ang malagim na nangyari kina Alex at Gladys, kaagad na nakahanap ng pansamantalang matutulugan si Alex kasama ang kanyang asawa at sina Ara at David.

Gabi na at nakatulala lamang si David sa kalangitan na puno ng mga nagkikintabang mga bituin. Kumikinang ito na tila nagbibigay ng saya at pag asa ngunit lungkot at pighati ang tanging nararamdaman ni David sa mga oras na ito dahil sa nangyari sa kanyang pinakamamahal na ama.

Napapatingin na lamang ang tatlo sa binata na nakatingala sa langit at tahimik na inaalala ang kanyang namayapang ama, nakakalungkot isipin na hindi man lang nailibing ang kanyang ama sapagkat nakasama na ito sa pagsunog ng bahay.

Malungkot lamang na nanunuod ang tatlo lalo na si Gladys, ngunit alam naman niya na hindi siya ang kailangan ngayon ng binata.

Napatingin na lamang si Gladys kay Ara na sobrang lungkot nang mga mata habang pinagmamasdan si David na nagmumukmok sa labas ng kanilang pansamantalang tinitirhan.

"Ara" mahinang bulong ni Gladys ngunit narinig naman ito ng dalaga kaya napatingin ito kay ate Bea niya.

"Ate" malumanay na tawag ng dalagita na para bang naiiyak na ito. Marahan lamang siyang nginitian ni Gladys

"Bakit hindi mo siya puntahan? Sa ngayon ay kailangan niya ng taong lubos na makakaintindi sa kanya"

"Pero ate, ako ang naging dahilan kung bakit namatay ang tatay niya. Paano kung galit siya sakin? Paano kung ayaw na niya sakin? Paano kung---" napatigil sa pagsasalita si Ara ng marahan siyang hinawakan ni Alex sa balikat kaya napatingin naman si Ara sa kanyang kuya Gabriel na katabi ni Gladys.

"Ara, wag mang mag isip ng ganyan. Kailangan lang talaga niya ng taong makakaintindi sa kanya, yung taong pinagkakatiwalaan niya ng buong puso. Ikaw yun Ara" sambit ni Alex

"Sige na Ara, ikaw ang pinaka kailangan niya ngayon." Sambit rin ni Gladys at naglakad na paalis ang mag asawa upang bigyan ng oras ang dalawa na mag usap.

Kasalukuyang nasa isang bahay sila na katamtaman lamang ang laki, sakto na ang limang miyembro ng pamilya. Mayroong apat na kuwarto ang bahay at may kanya-kanya rin itong palikuran.

Magkahiwalay ng kuwarto si Ara at David at magkasama sa iisang kuwarto si Alex at Gladys.

Dahan-dahang inalalayan ni Alex si Gladys na umupo sa kama dahil malaki na talaga ang tiyan nito.

Limang buwan narin ang tiyan ni Gladys at tatlong buwan naman na buntis si Jenna pero nakakapagtakang masyadong malaki ang tiyan ni Gladys para sa limang buwang buntis na ina.

Read more at my new account @MissJSWrites

You Are MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon