13

7.7K 183 2
                                    

Kaagad na pumasok sa loob sina Jenna at Cloud kasama ang Apat pang utusan ni Alex.

Hindi na sila nag abala pang sundan ang amo nila dahil alam nilang gusto nitong mapag-isa.

Pagkapasok nila sa loob ay naabutan nila ang dalaga na umiiyak habang nakatingin sa labas ng bintana. Walang maririnig na hikbi ngunit makikita mo ang mabilis na pagbagsak ng mga luha mula sa mga mata ng dalaga na ani mo'y pumapatak na ulan.

Kahit na walang nakakaalam nang nangyari ay nasasaktan si Jenna sa sinapit nang kanyang bagong kaibigan.

Dahan-dahang lumapit si Jenna at umupo sa higaan. Nakatalikod lang si Gladys sa kanilang lahat. Ang iba naman ay nakatayo lang at pinagmamasdan ang talaga sa kanyang paghihinagpis.

Hinawakan ni Jenna ang balikat ni Gladys, gusto niyang patahanin ang dalaga ngunit paano nga ba?

"H-hindi ko na alam ang nararamdaman ko Jenna" bulong ni Gladys na sapat lamang para marinig ng mga tao na nasa loob ng apat na sulok na kuwarto.

"Hindi ko naman sinasadyang sabihin yun eh" umiiyak na paliwanag nito kay Jenna. Saktong pagkaharap ng dalaga ay makikita ang namumugto nitong mga mata.

Namumula rin ang kanyang ilong na tanda na kanina pang umiiyak ang dalaga.

Hindi naman kasi alam ni Jenna ang sitwasyon, ayaw niyang makialam lalo na't wala siyang alam sa nangyayari. Sa ngayon, gusto lang niya itong patahanin kung kaya hinila niya ang dalaga at niyakap ito ng mahigpit.

"Don't worry, sigurado akong magkaka-ayos din kayong dalawa. Wag ka nang umiyak" pagpapatahan nito ngunit imbis na tumahan ay mas lalo pang napahagulhol ang dalaga.

Magkaka-ayos? Paano? Alam niya sa sarili niya na hindi siya handa sa relasyon nilang dalawa. Kahit gaano pa kabait si Alex ay alam niyang hindi niya mapipilit ang sariling isipin na ayos lang ang lahat kapag magkasama silang dalawa.

Hindi rin siya sigurado kung ano nga bang nararamdaman niya para kay Alex.

Kahit na tanggap na niyang magkakaroon na siya ng anak pero handa na ba siya? Kahit na sabihin niya sa sarili na handa na siya hindi pa rin maitatago ang malaking parte nang pagsisisi, galit at panghihinayang na nararamdaman niya.

Bukod sa pangarap niyang makapag trabaho muna ay gusto niyang magpakasal sa taong mahal niya, yung minahal niya muna ang tao bago magpakasal at magka anak.

Kung sa normal na mag asawa pinag-uusapan muna ng magkabilang panig kung handa na ba silang magka anak. Eh paano pa siya? Mag ga-graduate palang siya sa college.

Hindi niya rin gaanong kilala ang lalaki, kahit napakabait nito, paano siya makakasiguradong hindi siya nito sasaktan?

Paano na mapapatunayang maging mabuti siyang ina at asawa kung hindi niya alam ang dapat gawin. Inaamin niyang masyado pa siyang bata para mag isip nang pagkakaroon ng pamilya.

Di hamak na isang One night Stand lang naman ang nangyari, alam niyang nasasaktan siya sa sarili niyang sinabi kanina, pero masisisi niyo ba siya kung nalilito siya? Sino ba ang matinong tao na kakakilala palang pero magpapakasal kaagad.

Gusto niyang magkaroon ng time para siguraduhing hindi siya magkakamali sa desisyong gagawin niya para kapag balang araw, maaalala niya ang nakaraan, hindi niya pag sisisihan na naging asawa niya si Alex.

Gusto lang naman niyang maging handa, pero nung binigyan siya ng space ni Alex pakiramdam niya sobrang sakit na makita ang binatang tumalikod sayo. Ang sakit makitang naglalakad siya palayo.

Kapag ba nakapag-desisyon na siya hindi pa kaya huli ang lahat.

Marami kasing tao ang nangangakong maghihintay sa kanilang minamahal pero konting panahon lang sumuko na kaagad.

Inaamin niyang wala pa siya gaanong tiwala sa lalaki, pero masisisi ba siya kung pagdududahan niya ang katapatan nito? Kahit nga ang magkasintahang ilang taon nang magkasama naghihiwalay lang din sa isang pagkakamali, paano pa kaya silang nagkakilala lang sa iisang pagkakamali?

Nalilito siya, hindi lang sa nararamdaman niya kundi pati na rin sa sitwasyon, marami siyang problemang kakaharapin pero natatakot siyang gumawa ng paraan para dito.

Natatakot siyang makita ang naging kaibigan niya na masaktan sa simpleng galawa lang niya, natatakot siyang kontrahin ang auntie niyang matagal nang nagpapakain sa kanya.

Habang umiiyak si Gladys ay bigla na lamang itong nakatulog sa yakap ni Jenna, wala namang ibang magagawa ang kaibigan tungkol dito. Problema ito ng mag-asawa, bakit pa siya makikisali? Wala naman kasi siyang alam sa lovelife na yan.

Dahan-dahang ipinahiga ni Jenna si Gladys sa higaan kasabay ang pag vibrate ng cellphone ni Cloud hudyat na may tumatawag.

Sa labis na pag aalala ay hindi na nagawa pang tingnan ng binata ang caller at kaagad na sinagot ang tawag.

"Hello?" Sagot niya sa tawag

Ngunit imbis na sagot na 'hi' o 'hello' ay walang natanggap si Cloud. Bumungad sa pandinig niya ang boses ng lalaki na kasinglamig ng yelo na nagtatanong.

"How is she?" Sa simpleng tanong lang ay biglang nawala ang nasa isip ni Cloud at kaagad na naging blanko. Bigla pa siyang napanganga sa gulat.

'Ano daw? Sinong she?'

Saka pa lamang bumalik sa realidad ang binata nang marinig niya ulit ang boses ng lalaki.

"Cloud"

Para bang hudyat ang salitang ito at kaagad na napatingin ito sa dalagang mahimbing na natutulog sa higaan

"Sir, nakatulog po sa sobrang iyak niya" napatingin naman lahat ng tao sa kanya nang marinig ang sinabi niya

"Is she fine now?" Nag-aalalang tanong ulit ni Alex sa kabilang linya

"Okay na sir, nakatulog na po siya"

"Okay, let her know that she need to use a wheelchair from now on. Tell her that the doctor recommended it." Paliwanag pa niya

'Ano? Magiging katulong na ba kami?' Isip ni Cloud. Napatingin siya sa kasama na kaagad namang nalaman ang mensahe.

'Si boss?!'

"Make sure that she eats nutritious food everyday. Don't let her eat foods that are harmful to her health and don't remind her about me" napahinto naman sa pag iisip si Cloud sa sinabi ng amo

"Sir? Bakit hindi ka namin pwedeng ipaalala sa kanya?"

"Just do it. Make sure that anyone of you should be with her 24/7. You should make her smile every second. From now on, I forbid you to say my name when she's around" pagkatapos ng bilin nito ay kaagad nang pinatay ang tawag.

'Ano ba talagang nangyari?' Yun ang gusto niyang itanong kanina pa pero dahil ayaw niyang matanggalan ng trabaho ay pinigilan niya ang bunganga niyang magtanong.

Pagkatapos ng tawag ay ikinuwento niya sa lahat ang mga bilin ni Alex. Napipilitan namang tumango ang tatlong lalaki ngunit alam nilang bawal hindi sumunod kaya tumango nalang sila nang sapilitan.

You Are MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon