20

7.8K 180 3
                                    

Mabilis na lumipas ang araw at oras na ng graduation ni Gladys.

Kasalukuyang nasa stage si Gladys at nakatingin sa kapwa niya mga estudyante. Suot ang itim na toga ay lumapit siya sa microphone at naghandang mag speech bilang isang suma cum laude.

"Hello everyone" pag uumpisa ni Gladys, masyado siyang kinakabahan. Talagang nakaka-kaba sa harap ng maraming tao. Pero napatingin siya sa isang taong sumusuporta sa kanya.

"I am Gladys Reign Entigro, that all of you known as a girl that has a lots of misfortune" sa pagbanggit na ito ni Gladys ay kaagad na napayuko ang mga estudyante. Nagi-guilty sa mga sinasabi nila noong panahon na nalaman nilang nabuntis si Gladys.

"I experienced bullying, I suffered different pains. I am scared to face trouble" sa pagsalita ni Gladys ay napatingin sa kanya ang ibang estudyante na katulad rin niya na nabu-bully.

"I know, I am not the only one that experienced bullying. Everyone of us suffers, we experienced a lot of difficulties. We experienced being thrown like garbage. We experienced being called as trash. Gossips that made our privacy ruined." Napatango naman ang mga estudyante na nakarinig, ang iba ay napaiyak. May mga magulang ding napaluha dahil alam nila ang hirap na naranasan ng kanilang mga anak.

"I grow up with no parents, no true friends but just an no ending pains. I grew up afraid of light, I am swallowed by darkness. No hope and no love. I have never experienced someone that supports me, that loves me dearly." Naluluhang banggit ng dalaga at napatingin kay Alex na nakaupo sa likuran habang nakangiti sa kanya na para bang nagsasabing ayos lang ang lahat.

"But there is someone that extend their hands to help me see this light, he gave me hope. He love me for who I am." Napa-palakpak naman ang iba, siguro dahil sa paghanga? Walang nakakaalam pero alam niGladys na hindi yun ang importante dahil nandiyan ang lalaking nagpapahalaga sa kanya. Nanonood at sino-suportahan siya.

"Being a student is not easy, we did a lot of hardworks. Stay up all night to do our thesis and requirements, that is really tiring" napatawa naman ang ibang mga estudyante at mga guro, totoo naman kasi, nakakapagod naman talaga.

"But here we are, ready to end this chapter of our lives and start a new story. A story that will begin after this day, a different kind of story. A new chapter and a new beginning. Happy graduation day everyone!" Sa pagsigaw na ito ni Gladys ay para bang naging hudyat sa mga estudyante.

Sabay-sabay silang tumayo at nagsigawan, masayang katapusan at bagong simula ng kanilang buhay. Pero siyempre sa ating bida, hindi pa magtatapos dahil marami pa ang susunod na mangyayari.

Pagkatapos ng graduation ceremony ay nakauwi na sina Gladys at Alex. Masaya silang dalawa dahil sa wakas tapos na siya sa pagiging isang estudyante at masayang tanggapin ang pagiging isang ina at balang araw ay magiging asawa.

Sa mga taong masayang nakapag-graduate alam naman natin na hindi lahat ng tao ay puro lang saya sa pagiging isang estudyante.

Nakakaranas tayo ng iba't ibang hirap sa buhay, problema sa pamilya, kaibogan, eskuwelahan at miski sa buhay pag-ibig.

Hindi din naman natin masasabi kung kailan tayo magiging masaya o maging malungkot, hindi natin alam kung kailan makakaranas ng sakit o saya. Hindi tayo sigurado sa susunod na mangyayari sa hinaharap.

Pero ang pinakamagandang gawin ay matapang na harapin ang lahat ng pagsubok na darating, ang mga pagsubok na naging daan para maging mas matapang at matatag ang isang tao, ang samahan, ang pagkakaibigan at ang pagmamahalan.

Walang nakakaalam kung magiging matagumpay si pagsubok na wasakin ang pangarap ng isang tao. Si pagsubok ang nagsisilbing gabay natin upang mas maging buo ang paninindigan sa isang bagay.

Sa totoo lang, hindi naman masama ang isang pagsubok eh. Isa nga itong magandang paraan na subukin kung hanggang saan ang kaya mong gawin, kung hanggang saan ang limitasyon mo. Kung hanggang kailan mp kakayanin.

Lahat naman ng tao nasasaktan, lahat ng tao may dahilan para maging isang masama at maging isang mabuti.

Kung hindi ka matatag, paano mo matatagumpayan ang mga pagsubok na binigay ng kalangitan. Kung hindi ka magwawagi, paano mo mapo-protektahan ang mga mahal mo sa buhay kung sarili mo nga di mo kayang protektahan.

Si pagsubok ang nagbibigay daan para marealize natin ang lahat ng mga pagkakamali natin sa buhau, ito ang tumutulong sa atin upang makayanan natin ang mga gulo at problemang kakaharapin pa.

**********************

Pagkarating nila sa mansiyon ay kataka-taka ang pananahimik ni Alex. Kakaiba, para bang may problema ito.

Tatlong buwan narin ang tiyan ni Gladys at unti-unti nang nakikita ang paglaki ng tiyan nito. Kahit ganon pa man ay hindi maipagkakailang maganda pa rin ang katawan ni Gladys.

Saktong pagpasok nila sa kuwarto ay kaagad na lumabas si Alex para tumawag sa kanyang cellphone habang si Gladys naman, kahit na nagtataka ay hindi niya ginawang makialam kasi ayaw naman niyang tanggalan ng privacy ang lalaki.

Kung may problema ito ay pwede namang sabihin sa kanya, kung gusto niya ng karamay ay naririto lang naman siya pero kung ayaw niyang malaman ng babae ay wala na siyang magagawa kung iyon nga ang gusto niya

Habang nasa garden naman si Alex ay makikita ang galit sa kanyang mukha habang may kausap sa cellphone nito.

"Where is he?!" Galit na sigaw niya.

"Boss, he just arrived in the philippines" sagot naman ng kausap nito sa telepono.

"That bastard! Report to me if something unusual happens"

"Uh, actually there is something unusual boss" nag aalangang saad ng kausap nito sa kabilang linya. Nakakatakot naman kasing sabihin dahil siguradong magagalit ito.

"What?" Nagtitimping tanong ni Alex sa kausap

"He arrived with a girl"

Pagkatapos nang tawag ay mas lalong dumilim ang ekspresyon ng binata.

'Could it be her? If she tries to hurt Gladys, I'll make sure she rots in hell!' Isip ni Alex.

Paano bang nangyari at bumalik pa ang hayop lalaking iyon? At anong pumasok sa bungo nun at sinama pa ang demonyitang iyon?

Bumalik naman kaagad sa kuwarto si Alex at naabutan si Gladys na nakasuot ng night gown at naghahanda na sa pagtulog.

Naglalagay palang ng lotion ang dalaga ay naramdaman niya bigla ang malalakas na bisig na nakapulupot sa kanya.

Niyakap siya ng binata sa likod. Nagulat naman ang dalaga ngunit hindi siya kumawala sa yakap nito at humilig pa sa binata. Nagkatinginan sila sa kanilang repleksyon sa harap ng salamin at ngumiti na para bang naiintindihan nila ang isa't isa. Ito na rin ang naging paraan ng dalaga upang maging relax ang binata.

You Are MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon