55

5.1K 113 2
                                    

Isang buwan na ang nakakalipas at wala namang kaguluhan ang nangyari. Para bang tahimik muna bago ang bagyo. Nakakatakot ang masyadong pananahimik ng mga kalaban dahil alam nang pinaghahandaan nila ang araw kung saan ay magtatapos ang away ng mga pamilya.

Limang buwang buntis na si Gladys at kasama niya parin si David, si Ara ay pansamantalang bumalik sa kanilang lugar upang magpaalam ng maayos sa kanyang mga magulang.

Tatlong buwan na ring buntis si Jenna at nagsisimula na ang pagkakaroon ng kaunting umbok sa kanyang tiyan. Nung malaman ito ni Cloud ay talaga namang hindi mawari ang kanyang saya.

Sa araw na ito, may isang lalaki at isang babae na may kasamang batang babae ang dumating. Kasalukuyang nasa airport ang mga ito.

Naka sunglasses pa si Vanessa at naka cap naman ang isang cute na batang babae.

"Mommy, what is this place?" Puno nang kuryusidad na tanong ni Angel sa kanyang ina

"Honey, we are in the philippines. This is the country your daddy live." Paliwanag niya dito.

"Then, when can I meet my daddy?"

"Soon, honey. Soon" ngiti ni Vanessa at patuloy na naglakad patungo sa sasakyan ni Chain.

"Miss Vanessa, sa ngayon ay may pupuntahan muna tayo." Saad ni Chain

"Where are we going, uncle?"

"Secret" misteryusong saad ni Chain at nagsimulang magmaneho.

Isang oras ang nakakalipas ay bumabiyahe parin sila

"Uncle, I'm hungry" reklamo ng bata kaya napangiti na lamang si Vanessa sa kanyang anak

"Honey, what do you want to eat?"

"Is there a fried chicken and spaghetti?"

"Yes there is" sagot ni Vanessa sa anak at sinabihan na lamang niya na dumaan muna sila sa mcdo para kumain

Umorder lang ang mga ito at kaagad na nagpatuloy na sa kanilang biyahe.

Ilang oras ang nakalipas ay huminto ang sasakyan sa isang bahay kung saan ay hindi naman ganon kalaki pero di naman siya maliit.

Lumabas doon si David na nagtataka kung bakit may mamahaling sasakyan na nakaparada sa labas ng bahay na kanilang tinitirhan.

"Sino po sila?" Tanong ni David nang makarating siya sa harapan ng mga ito.

"Nandiyan ba si Alexander? Kailangan namin siyang makita" sabi ni Chain na nagpataka naman kay David

Sinong Alexander? Wala namang alexander dito ah?

Akmang sasagot na sana si David nang biglang pinakita ni Chain ang picture ni Alex.

"Gabriel pala, nandito ba?" Awkward na ngiti ni Chain. Lagot siya kapag nalaman ng kanyang boss na sinabi niya ang totoong pangalan nito. Patay talaga!

"Ah si kuya gabriel? Sandali lang" sambit ni David at tumakbo papasok sa bahay tapos maya-maya pa ay bumalik ulit ang binatilyo at pinapasok ang tatlo.

Pagkapasok sa loob ng bahay ay mabilis na yumuko si Chain kay Xander na ikinataka naman ni David.

"What is it?" Malamig na saad ni alex sa binata.

"Ah boss, nandito na ang pamilya ng kuya mo"

Napatingin naman si Alex sa isang babae at isang batang babae.

"Long time no see, Vanessa" sambit ni Alex na ikinangiti din naman ng babae

"Yeah, long time no see"

"Hon? Sinong kausap mo?" Rinig ng mga tao ang tinig ni Gladys na kasalukuyang pababa ng hagdanan ngunit nahihirapan itong humakbang pababa.

Mabilis namang napatayo si Alex at mabilis na inalalayan si Gladys sa pagbaba.

"Why are you here? Dapat tinawag mo ako kung gusto mong bumaba para maalalayan kita" malambing na sambit ni Alex

Mabilis naman na lumaki ang mga mata ni Vanessa sa kanyang nakikita.
Hindi nito aakalaing may sariling pamilya na rin si Alex kaya wala sa sariling napangiti si Vanessa.

Read more at my new account @MissJSWrites

You Are MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon