09

7.9K 191 22
                                    

"I-ikaw nga?!" Sigaw ni Jenna.

Napahinga naman siya ng maluwag nang maisip na may tutulong na kay Gladys.

"Jusko! Salamat at tumawag ka,pumunta ka dito sa school please! Nahimatay si Gladys sa Cr ng girls. Class time ngayon kaya walang nakakarinig samin dito. Tulong" paghingi ng tulong ni Jenna kay alex.

Sa narinig niya ay mabilis siya napatayo sa kanyang upuan at nagmamadaling lumabas ng office niya.

"Sir, hindi pa po tapos ang pipirmahan niyo" saad ng binatang sekretarya ni Alex na si Cloud

"I don't care! I need to get Gladys" yun lang ang sinabi niya at nagmamadaling lumabas.

Sa narinig namang yun ni Cloud ay kaagad siyang tumawag at pinahanda ang sasakyan ng kanyang boss.

Kaagad siyang sumunod kay alex ang nagreport habang pumasok sila sa elevator.

"Sir, pinahanda ko na ang kotse mo sa baba at ipa-pa re-schedule ko nalang ang mga appointment mo sir"

Tumango lang si alex at saktong pagkarinig ng *ding* ay bumukas ang elevator at madaling lumabas ang dalawa.

Napatakbo ng mabilis si Cloud at binuksan ang back seat at sumakay siya sa passenger seat, sinenyasan naman niya ang driver na umalis na para ihatid ang kanyang boss sa eskwelahan dahil alam niyang si Gladys ang pupuntahan ng kanyang boss.

Tinawagan ni Cloud ang dean ng paaralan at sinabing kailangang sekreto ang pagpasok nila sa paaralan.

Kaagad namang pumayag ang dean at sinalubong ang kotse ni Alex.

Bumaba si Cloud at mabilis na binuksan ang backseat ng sasakyan.
Pagkalabas ni Alexay kaagad na nagsiyuko ang dean at ang mga director ng paaralan.

"Bakit po kayo naparito sir?" Tanong ng dean kay alex pero binalewala lang ito sa halip ay nagtanong si alex sa dean.

"Nasaan ang cr ng girls malapit sa room ni Gladys Reign Entigro?"

Nagtataka man sa itinanong ni alex ay sumagot naman ang matandang lalaki

"Nasa 4th floor ng Management Building sir"

"Lead the way" utos ni alex kaya mabilis na naglakad ang mga director at dean sa lugar kung saan naroroon si Gladys.

Samantalang si Jenna naman ay nalilito na kung paano niya iaangat si gladys kasi hindi naman siya malakas.

Sa hindi inaasahan ay bigla bumagsak papunta sa kanila ang panlinis ng banyo. Mabigat pa naman ang map na ginagamit panlinis sa banyo.

Naisip ni Jenna na buntis si Gladys kaya walang pag-aalinlangang hinila niya si Gladys para yakapin kaya ang ulo niya ang tinamaan na ngayong nag dudugo na. Habang si Gladys ay wala pa ring malay.

Habang sa pwesto naman ni Alex, rinig niya ang malakas na pagbagsak ng bagay sa cr kaya napatakbo siya ng mabilis papunta rito.

Nagtataka man ang mga dean at ang mga director pero sumunod din sila sa sekretarya ni Alex.

Pagkabukas ni Alex ay biglang bumilis ang tibok ng puso niya dahil sa pag aalala kay Gladys.

Sa pagkakataong ito, lahat ng tao na nasa likod bukod kay cloud ay nagulat sa pagtawag niya sa kanilang estudyante.

"Wife!" Sabi nito at agad na tumakbo kina Gladys

Napatakbo din si Cloud kay Jenna na nahimatay na at agad na binuhat. Si Alex naman ay wala din pag-aalinlangang binuhat si Gladys.

Hindi naman makapaniwala ang mga director at dean sa nasaksihan. Sinong mag-aakalang ang babaeng dapat ay babawiin nila ang pagiging top ay magiging asawa pala ng biggest investor ng paaralan.

Mabuti nalang at hindi nila naituloy kung hindi, siguradong babagsak ang paaralan ng hindi nila nalalaman.

Mabilis namang kumilos ang dean at tumawag sa nurdmse ng clinic na ihanda ang kuwarto dahil may kailangan silang ipapagamot.

Pagkadating nila sa clinic ay mabilis ang kilos ng nurse at kaagad pinuntahan Jenna dahil dumudugo qng ulo nito.

Inilapag naman ni Alex si Gladys sa isa sa mga higaan. At masuyong hinaplos ang buhok nito.

Pagkatapos gamutin ng nurse ang sugat ni Jenna ay lumapit naman ang nurse kay Gladys at tiningnan ang kalagayan nito.

"Okay lang siya, nahimatay lang dahil sa stress. Buntis siya diba? Pakiiwasan nalang na mapagod siya o di kaya ma stress. Ipa-check up niyo siya sa doctor para mabigyan ng reseta" yun lang ang sinabi niya na tinanguan lang naman ni Alex.

Sa sandaling ito ay nagmulat naman si Gladys ng makita niya si Alex sa tabi niya na naka-business suit pa

"Alex, anong ginagawa mo dito?" Nanghihinang tanong niya. Napansin din niya ang mga director at ang dean. Nanlaki naman ang mata ni Gladys sa nasaksihan.

"I told you to stay at home, look what happened to you." Nag aalalang saad ni alex sa kanya.

Napangiti naman si Gladys sa reaksyon ni Alex.

"I'm sorry. Mag iingat na ako simula ngayon. Promise"

"You should, I am so worried"

Namangha naman ang mga director sa nakikita nila. Nagpapasalanat din sila at hindi kaagad nila natanggal ang pagiging top ng dalaga dahil siguradong malalagot sila

Pero, si alex ba ang nakabuntis sa kanya?

Siguro, dahil matindi ang pag aalala nito sa dalaga kaya malamang siya nga ang ama ng batang dinadala ni Gladys.

Ikinuwento naman nila ang nangyari kay Jenna kung paano siya prinotektahan.

Na gi-guilty naman si Gladys kasi siya ang dahilan kung bakit may sugat sa ulo si Jenna.

Hindi rin naman nagtagal ay gumising na rin si Jenna at natuwa naman itong malaman na okay lang si Gladys.

Pero malaking gulat niya ng malaman na ang ama ng anak ni Gladys ay ang magiging CEO ng malaking kompanya

Kinalabit niya ang lalaking katabi niya, napatingin naman si Cloud sa kanya.

"Totoo? Siya yung CEO?" tanong ni Jenna sa sekretarya.

"Oo, bakit?"

"Ang hirap paniwalaan! Yung magaling niya kasing bestfriend pinagkakalat na pinapaako daw ni Gladys ang bata sa lalaking mahirap para lang di siya mapahiya! Nakuh! Napaka walang hiya talaga ng babaeng yun!" Malakas ang pagkakasabi ni Jenna na narinig ng lahat.

Narinig rin ni Alex at bigla namang nanlamig ang paligid hudyat na nagalit si alex dahil dun.

Pinagpawisan naman ng husto ang mga director at ang dean dahil alam nilang galit na ang binata

Nakikita nila sa namumuong galit na kamao ng binata.

Hindi parin tinitigil ni Jenna ang kakangawa kaya kaagad na tinakpan ni Cloud ang bibig ng dalaga

"Mmm! Ano ba! Totoo namang sinabi yun ni Jamie at----" hindi na niya natapos dahil bumagsak siya sa kama na nasa taas niya si Cloud na nakatakip ang kamay sa kanyang bibig.

Pilit namang kumakawala si Jenna pero pilit namang hinihigpitan ni Cloud ang hawak niya sa bibig nito.

'Ano bang problema nito? Ang bigat niya ha? Maryosep, nakakahiya ang pwesto namin. Di ba siya nahihiya?' Isip ni Jenna

'Napakadaldal ng babaeng to, kung may tape lang dito kanina ko pa tinapalan ang bunganga nito. Di nakakaramdam, nagagalit na nga si boss eh' reklamo naman ni Cloud.

Mukhang nagsisimula na ang matinding away ng magkabilang panig.

Jenna Vs Cloud

\(^.^)/

You Are MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon