10

8K 160 13
                                    

Dumaan ang dalawang linggo na katulad pa rin ng dati ang tingin ng mga tao sakin.

Pero si Jenna palagi ko nang nakakasama. Parang siya na yung naging bagong kaibigan ko.

Pumayag din siya sa kondisyon ni Alex na wag ipagkalat ang tungkol sa kanya.
Palagi din silang nagkakausap ni Cloud, ang secretary ni Alex.

"Buntis siya diba?"

"Ang landi"

"Ang aga nabuntis, grabe naman" bulungan ng mga estudyante pero bina-balewala ko nalang.

Hindi na din yun pinapansin ni Jenna pero ang sana ng tingin niya sa kanila.

Pagkapasok namin sa classroom ay umupo na kami sa sarili naming upuan, katabi parin ng upuan ko si Jamie.

Hindi ko nga alam pero hindi na niya ako kinakausap. Para bang ang laki-laki ng kasalanan ko sa kanya.

Mabilis tumakbo ang oras at labasan na, pero hindi ko inaasahan na makikita ko si Jamie sa harap ng gate. Hindi ko nalang siya pinansin kahit alam kong nakatingin siya sakin. Nakakapagtaka lang kasi may mga pasa siya sa binti at braso. Namumutla din siya pero di ko nalang ito pinansin.

"Gladys! Hintay, sabay na tayo!" Sigaw ni Jenna sakin. Napangiti naman ako habang humahabol siya sakin.

Pagkahinto niya sa harapan ko saka naman lumapit si Jamie saming dalawa.

"Oh bakit? Ano kailangan mo ha?" Siga na tanong ni Jenna sa kanya pero hindi niya pinansin at tumingin lang sakin.

Wala nang tao at kaming tatlo nalang ang nandito.

"Gusto kitang kausapin tungkol kay tita" biglang lumakas ang tibok ng puso ko ng marinig ang tawag niya kay auntie.

"Alam na niya ang totoo na buntis ka, naghihintay siya sa inuupahan mong bahay" pagpapatuloy niya. Nanginginig ako habang nakayuko lang.

"Gusto niyang sabay tayong pumunta dun" yun lang ang sabi niya pero unti-unting tumulo ang luha ko.

Alam ko namang magagalit si auntie. Matagal ko na tong pinaghandaan ang pagkikita namin pero bakit parang kung kailan nangyayari parang ayoko siyang makita.

Natatakot ako. Pakiramdam ko mawawasak lahat ng pinaghirapan ko kapag nalaman ni auntie.

Pero kahit ganun hindi pa rin ako nawalan nang pag-asa na sana matanggap niya ang anak ko.

Lumingon ako kay Jenna at nginitian siya. Tinuro niya ang cellphone niya signal na tatawagan niya si Alex pero umiling lang ako.

Palagi nalang akong pinagtatanggol ni Alex, kailan ko maipagtatanggol ang sarili ko?

"Gladys" nag-aalalang tawag ni Jenna pero tiningnan ko lang siya habang tumutulo ang luha ko. Sabay kaway pamamaalam.

Nakikita ko sa mukha ni Jenna na nahihirapan siyang makita ako ng ganito. Nakikita kong malapit na rin siyang umiyak pero hindi siya sumunod.

Bigla na lang ako hinigit ni Jamie sa braso nang napakahigpit. Hinihila niya ako pasakay sa taxi na pinara niya kanina.

Pagkasakay namin sa backseat ay sinabi na ni Jamie ang address ko.

Tahimik lang ang biyahe naming dalawa, pagkahinto ng taxi sa harapan ng bahay ko ay parang gusto ko nalang bumalik sa yakap ni Alex. Naduduwag ako ngayon, gusto kong magpakatatag pero hindi ko kinakaya.

Bigla nalang lumabas si Jamie kaya ako nalang ang nagbayad.

Pagkalabas ko ng taxi ay malakas akong hinila ni Jamie sa braso papasok sa loob

You Are MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon