16

7.5K 173 4
                                    

Tatlong araw na rin ang nakalipas bago niya muling marinig ang boses ng maganda dilag, bukod sa nangyari kaninang umaga.

Napangiti nalang ang binata dahil tila ba isang pangpakalma ang boses nito para sa kanya, hinahaplos ang buhok at kinakantahan.

"Alex?" Muling tawag ng dalaga sa kabilang linya. Hindi man alam ng lalaki ang isasagot pero kusang sunagot ang mga labi nito.

"Mmm?" Malambing na sagot ng binata na nakapagpangiti rin sa dalaga. Sa sagot ng binata ay para bang hindi sila nagkatampuhan.

Napa isip tuloy ang dalaga, galit pa rin ba kaya ito sa nangyari?
Bahala na, nakakamiss na rin kasi.

"Tungkol sa nangyari noon" nagsisimula palang sa paliwanag si Gladys ay alam na ng binata ang ibig sabihin. Sa totoo lang, hindi naman kasi talaga siya nagalit sa dalaga, gusto niya lang iparealize sa kanya na hindi nito kailangang solohin ang problema dahil nandiyan naman siya.

Ano pa nga ba ang silbi ng lalaki kung kaya naman pala ng babae ang kanyang sarili sa kanyang mga problema, dito kasi talaga sila hindi nagkakaintindihan. Gusto ng dalaga na solohin ang problema, sinasabi niyang gusto niyang matuto na lumaban pero hindi niya ginagawa, ang tangi niya lang ginawa ay hayaan ang dalawang babae na tratuhin siya ng masama.

Alam ng binata na gusto ng dalaga maging malakas, pero hindi niya kailangang maging independent dahil hindi naman kasi lahat ng problema ay kaya niyang solusyunan na mag isa.

Gusto niyang iparealize sa dalaga na hindi niya kailangang gawin iyon. Ang dapat lang nitong gawin ay matutong lumaban, matutong palakasin ang kanyang pag iisip. Hayaan sana siya ng dalaga na protektahan siya sa pisikal na laban.

Kahit man siya, gusto niyang maging malakas ang babae, yung kayang lumaban sa mga taong pinagsasabihan siya ng masama. Gusto niyang maramdaman ng babae na hindi sa naiisip nitong paraan ang tama, hindi porket sinasabi niyang para sa bata rin ay para talaga sa bata ang resulta. Hindi kasi naiisip ni Gladys na sa lahat ng desisyon niya, palaging nakasalalay ang kinabukasan ng anak nila.

"I'm sorry" sabi ng dalaga sa binata

'I'm sorry? Sorry? Is that it?' Napaisip ang binata. Kahit na naghihingi ng tawad ang dalaga ay hindi ito ang gusto niyang marinig. Isang sentence lang at babalik siya, sabihin lang niya ang mga salitang iyon at babalik siya sa tabi nito.

Nalungkot naman ang dalaga, nanghingi na siya ng tawad pero hindi parin ito umiimik. Masyado ba talagang masakit ang sinabi niya? Pero nagsorry na siya.

Hindi ba niya naisip na namimiss na niya ito? Sa lungkot ng dalaga ay napatingin ito sa bintana ng guest room

'Na mimiss ko na talaga ang lalaking yun' isip ni gladys habang hinihintay pa rin ang sagot nito sa telepono

Nakakalungkot pero wala siya magagawa. Napabuntong hininga nalang ang dalaga at binaba ang kamay na hawak ang phone.

"Namimiss na kita" sinabi niya iyon sa pag aakalang hindi narinig ng kabilang linya ngunit malinaw na narinig ito ng binata.

Kaagad na napangiti si Alex sa narinig, sa wakas, ang mga salitang matagal na niyang inaabangan. Malawak ang ngiti niya at pinatay ang tawag kasabay ng paglabas ng litrato ng dalaga sa screen nito.

"I miss you too" bulong ng binata habang nakatitig sa screen ng kanyang cellphone.

Samantalang ang dalaga naman ay malungkot na tiningnan ang nakapatay na  na-tawag.

'Mukha ngang galit pa siya' malungkot na na-iisip ng dilag at nilapag ang cellphone sa lamesa.

Umalis na ito sa guest room at bumalik sa kuwarto niya at ni Alex. Sa nakikita niya ay unti-unting namumuo ang kanyang mga luha.

Si Alex lang naman kasi ang unang taong sumuporta sa kanya, siya lang ang unang taong nagbigay ng kulay sa malungkot niyang mundo.

Kung alam lang siguro ni Gladys na hindi galit sa kanya si Alex noh?

Pagkatapos ng pag uusap ay bumalik na si Alex sa kanyang kompanya. Pagkarating niya ay lahat ng madadaanan niya ay yumuyuko sa kanya.

Nakaabang naman ang mga managers at mga matataas na posisyon ng kompanya samantalang si Cloud naman ay nag aabang na sa kanya sa harap ng elevator.

Walang ekspresyon ang mukha ng binata habang papasok sa elevator na para lang sa mga matataas na posisyon ng kompanya. Naunang pumasok si Alex at kaagad namang sumunod si Cloud na kaagad sinarado ang elevator.

Wala namang ginawa ang mga direktor kundi yumuko tanda ng paggalang sa kanilang presidente.

Pagkadating sa opisina ay nakasalubong naman sa kanila ang assistant ni Cloud na nakasuot ng office attire, agad siyang yumuko sa dalawa pero nakangiti ang kanyang mga labi. Hindi naman tiningnan ni Alex ang babae, ni hindi niya nga kilala eh. Dinaanan lang siya ni Alex at pumasok sa loob.

Kaagad na umupo siya sa kanyang upuan at nagsimulang magbasa ng mga dokumento.

Samantalang sa mansiyon naman ni Alex ay naghahanda si Gladys ng pagkain, balak niya kasing puntahan si Alex sa opisina nagba-baka-sakaling makita niya si Alex. Todo naman ang angal nina Macy kasi bukod sa hindi naka wheelchair si Gladys ay gusto pa niyang umalis ng mansiyon. Kung kaya ay pasekretong tumawag si Macy sa kanyang amo, bilang isang private bodyguard ay responsibilidad niyang protektahan ang babae dahil yun ang inuutos ni Alex

Habang busy si Alex ay biglang nag vibrate ang kanyang cellphone. Hindi naman agad niya napansin pero pagkatapos ng tatlong ring ay kaagad na nakuha nito ang atensiyon ni Alex.

Kinuha niya ito at nangunot ang noo kasi tumatawag si Macy sa kanya, pero kahit man ay nagtataka, sa isipan niya ay baka may kinalaman ito kay Gladys kaya sinagot niya ito.

Kaagad namang umimik si Macy sa kabilang linya.

"B-boss, balak po kasing pumunta ni Miss Gladys diyan mamaya. Magdadala po ng lunch niyo" pagkasabi naman ni Macy nito ay napatingin si Alex sa orasan at 11:00 am na pala.

"Did she eat already?"

"H-hindi pa boss, ang alam ko po pagkaabot niya ng pagkain ay aalis na siya kaagad. Gusto ka lang daw talaga niyang bisitahin" napangiti naman si Alex rito

"Allow her, take her friend with you. Make sure that she will arrive her safe" huling bilin niya at kaagad na pinatay ang tawag.

Pagkatapos ay tinawagan niya si Cloud

"Sir?"

"Tell me my schedule this lunch"

"Uh....sir, you have a meeting with the president of Cyber Company at 11:30"

"Alright" sabay patay ng telepono. Napangiti naman kaagad si Alex.

Ano kaya ang naiisip nito.

You Are MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon