43

5.8K 132 2
                                    

Kasalukuyang nasa baguio si Jenna upang kumuha ng isang magandang litrato para sa cover ng magazine nang RunWild.

Habang kumukuha ng litrato gamit ang kanyang camera ay biglang nag vibrate ang kanyang cellphone, kaagad niyang kinuha ito curious kung sino ang tumatawag sa kanya sa oras na ito dahil alam naman nila na may trabaho siya sa oras na ito.

Ganon na lamang ang panlalaki ng mga mata ni Jenna nang makita niya ang pangalan ng caller, tumatawag sa kanya si Cloud ala-sais palang ng umaga. Nakakapagtaka naman.

Ngunit kahit na nagtataka ang dalaga ay sinagot niya parin ang tawag kahit na nakakunot na ang kanyang noo.

"Hello?" Sambit ni Jenna

"Jenna, saan ka?" Tanong ni Cloud na kasalukuyang nakaupo sa kanyang mamahaling upuan ng sekretarya at nakatanaw sa bintana ng kanyang opisina at nakikita dito ang ganda ng tanawin sa Maynila.

"Sa Baguio, bakit? At bakit ka napatawag umagang-umaga? Ha? Nang iinis ka ba?" Sunod-sunod na tanong ni Jenna sa kabilang linya at hawak parin niya ang kanyang camera para sa pagkuha ng litrato.

"Jenna, may importante lang akong sasabihin. Anong oras ka makakabalik?" Pagtatanong ni Cloud ng seryuso kagaya ng nakagawian niya.

"Bukas pa ako makakabalik. Bakit?"

"Magkita tayo bukas"

"Ha? Bakit nga?"

"Basta, bukas ko nalang sasabihin sayo kung saan at anong oras" pagkasabing iyon ni Cloud ay pinatay niya kaagad ang tawag.

Nakakunot noo parin naman na nakatingin si Jenna sa cellphone niya at ipinagsawalang-bahala na lamang niya ang pagiging kaiba ni Cloud sa araw na ito.

Kinabukasan, habang nasa biyahe si Jenna at mahimbing na natutulog kasama ang driver ng RunWild magazine na kasama niya papuntang Baguio ay bigla na lamang nag ring ang kanyang cellphone palatandaan na may tumatawag. Sakto namang huminto ang sasakyan nila dahil masyadong traffic, sinubukan ng driver na gisingin si Jenna ngunit masyado itong tulog mantika kaya walang magawa ang driver kundi kuhanin ang cellphone at sagutin.

Sa ginawang iyon ng driver ay parang hindi niya naisip na isang maling galaw ang ginawa niya.

"Hello?" Pagsagot ng driver sa tawag, nagulat naman si Cloud at mabilis na dumilim ang paningin. Sino ba ang walang hiya na sumagot sa tawag na ito?

Bata pa naman ang driver, mga nasa edad 28 pa lamang ang driver kaya talaga namang aakalain mo talagang binata ito kahit na may asawa na talaga.

"Who are you?" Tanong ni Cloud sa driver.

"Ay, sorry po. Tulog pa kasi si Jenna kaya ako nalang ang sumagot, may sasabihin po ba kayo? Sasabihin ko nalang po sa kanya" maglaang na tanong ng driver pero mas lalong nandlim ang paningin ni Cloud sa narinig. 'Jenna'? Tinatawag niya mismo ang pangalan ni Jenna, hindi ba dapat may 'ma'am' yun?

Mabilis na pinatay ni Cloud ang tawag nang hindi man lang inalam ang katotohanan.

Nagtataka naman ang driver kung bakit biglang namatay ang tawag, sakto namang umandar na ang traffic kaya ipinagsawalang bahala na lamang niya ito at nagpatuloy sa pagmamaneho.

Pagkarating nila Jenna sa building ng RunWild magazine ay mabilis namang nagising si Jenna.

"Jenna!" Tawag sa kanya ng driver.

"Oh ikaw pala Lloyd, bakit?" Nagtatakang tanong ni Jenna

"Kanina kasi may tumawag sa cellphone mo, sinubukan kitang magising pero tulog mantika ka kaya ako na ang sumagot kaya bigla niyang pinatay ang tawag" paliwanag ni Lloyd kay Jenna.

Kaagad namang binuksan ni Jenna ang kanyang cellphone at tiningnan ang recent caller at nakita niya ang pangalan ni Cloud.

Hindi alam ni Jenna pero kusa siyang napalunok ng sariling laway. Maya-maya pa ay biglang nag vibrate ang kanyang cellphone at lumabas sa notification niya ang message galing kay Cloud.

Binasa naman agad ito ni Jenna at napatakbo papasok sa Kompanya. Kailangan na daw kasing maipasa ang Litrato upang maayos na ang magazine na i-re-release ngayong araw.

Nagmadali namang si Jenna upang ayusin ang mga litratong nakuha niya at nakalimutan na niya ang problema tungkol kay Cloud.

Mabilis tumakbo ang oras at hindi na namalayan ni Jenna na 9:00 ng gabi na pala, gamit ang kanyang sasakyan na iniwan niya sa kompanya ay nagmaneho si Jenna paalis.

Sa kalagitnaan ng pagmamaneho niya ay bigla na namang nag vibrate ang kanyang cellphone na ibig sabihin ay may nag text sa kanya.

Dahil sa nagmamaneho si Jenna ay hindi na niya muna ito pinansin at patuloy sa pagmamaneho pabalik sa kanyang tinitirhang apartment.

Pagkarating niya sa kanyang apartment ay mabilis na nagbihis si Jenna ng maiksing short at sando para maghanda na sa pagtulog. Nakalugay na rin ang kaninang na pony tail niyang buhok.

Tinanggal na rin niya ang mga kolorete sa kanyang mukha, handa na sanang matulog si Jenna ng makita niya ulit ang message sa kanya phone kaya binuksan niya ito at nanlaki kaagad ang kanyang mga mata sa nabasa.

Nakasaad dito ang pangalan ng bar at ang lokasyon nito. Nanggagaling ito sa numero ni Cloud.

Patakbong tumungo si Jenna sa kanyang sasakyan at nagmaneho papunta sa kinaroroonan ni Cloud na hindi man lang iniisip na nakapambahay pa ito.

Pagkarating sa sinabing bar ay mabilig siyang pinapasok ng nagbabantay dahil naaayon naman daw ang suot nito, hindi niya yata alam na nakapambahay lang si Jenna.

Pagkapasok na pagkapasok ng dalaga sa bar ay nasaksihan niya ang mga tao na nagsasayawan sa gitna at mga magkapartner na nakikipaghalikan na sa tabi habang sumasayaw.

Kaagad namang nakahakot ng atensiyon si Jenna, hindi man naiiba ang suot niya sa mga babae na naririto na sa bar pero si Jenna ay para bang naliligaw sa lugar na ito.

Walang kaartehan sa mukha si Jenna at nakalugay ang kanyang buhok, naka sando lamang ito nang itim na naging dahilan para makita ang cleavage ng dalaga. Naka maiksi itong short na nagpapakita ng makinis at malalambot na binti.

Naka flat sandals ang dalaga na tanging maayos na nasuot niya nung paalis pa lamang siya sa kanyang apartment.

Palinga-linga si Jenna habang hinahanap si Cloud samantalang itong si Cloud naman ay inisang lagok niya lang ang isang basong alak na isinalin ng bartender sa kanya.

Marami na rin ang mga babaeng lumalapit sa kanya ngunit ipinapaalis lamang niya ang mga ito kaya napipilitan ang mga babae na umalis na lamang.

Napapailing na nga lang ang bartender sa inaasta ni Cloud, at sa oras na ito ay nakita ni Jenna si Cloud na umiinom mag isa.

Akmang lalapit na siya nang makita niya kung paano gustong lumapit ng babae na naka fitted ang damit at halos makita na ang kayamanan niya sa gitna sa sobrang iksi ng dress na ito.

Napataas bigla ang kilay ni Jenna at mabilis na lumapit kay Cloud na akmang iinumin na sana ang alak na hawak niya nang biglang hinawakan ito ni Jenna at sapilitang ibinaba ang baso na may alak.

Nabigla naman si Cloud at masama ang tingin sa babaeng marahas na kumuha ng kanyang iniinom na alak.

Napailing na lamang ulit ang bartender, alam na niya ang kapalaran ng babaeng ito. Saksi kasi ang bartender kung paano ipinagtabuyan ni Cloud ang mga babaeng lumalapit sa kanya.

Nang humarap si Cloud sa babae ay nakasalubong niya ang mga mata ni Jenna na masamang nakatingin sa lalaki, nanlaki naman kaagad ang mga mata ni Cloud nang makita si Jenna.

You Are MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon