26

6.5K 157 2
                                    

Sa kabilang dako naman, sa parte ni Angelo kasama ang pamilya ng mga Ramirez.

Napatingin si Valentine sa anak niyang si Angelo at kay Kath, masama naman ang tingin ni Lerionne sa anak niya.

Si Valentine ay isang businesswoman at si Lerionne ay isang deputy director, pareho na napatingin ang dalawa sa kanilang anak na nakikipagtawanan sa fiance kuno ni Alexander.

Kung hindi lang dahil sa labis na pagmamahal ni Valentine sa kanyang anak na si Angelo ay sana pinigilan niya ito. Kaya lang wala siyang magagawa, ang gusto niya lang ay maging masaya ang asawa niya at ang mga anak. Napatingin din naman si Lerionne kay Alexander na masayang nakikipagkuwentuhan sa isang napakagandang babae, buntis ang babae at mukhang may relasyon ang dalawa.

'Anak, patawad. Sa susunod na kailangan mo ng tulong ay kakampi ako sayo at tutulongan kita. Sana pahpasensyahan mo ang ginawa ng kuya Angelo mo' isip ni Lerionne

Napabalik ang tingin ni Lerionne sa asawa ng biglang siniko siya nito sa tagiliran at bahagyang itinuro ang kanilang anak na si Angelo at si Katherine. Nakita niya ang kamay ni Angelo sa bewang ng dalaga.

Ang dalaga naman ay parang nahihiya pa pero ngumiti lang din naman at hinayaan ang kamay ng binata. Hindi naman ito nagustuhan ni Lerionne, kung hindi lang nagtangkang saktan ni Angelo ang sarili ay talagang matagl na niyang inilayo ang babae sa anak niya.

Alam niya sa sarili na fiance siya tapos nakikipag harutan sa kapatid nito? Sana lang talaga ay maturuan ng leksyon ay walang hiyang babae, nagpapasalamat nalang si Lerionne kasi mukhang mabait ang babaeng kasama ni Alexander at mukhang masaya ang dalawa. Wala ng mahihiling pa si Lerionne kundi maging masaya ang kanyang mga anak.

Si Valentine naman ay pekeng napangiti kay Katherine na mukhang kunwari pa ay nahihiya sa kanya. Gustuhin mang ipaikot ni Valentine ay kanyang mata dahil sa kaplastikan ng dalaga ay pilit nalang itong ngumit.

Dadating talaga ang panahon at maiiwan mo rin ang anak ko!, tanging iyon lang ang naiisip ni Valentine.

Nang mag umpisa ang party ay nag excuse muna si Gladys na pupunta sa restroom kaya napatango nalang si Alex pero may pag alala ang kanyang mga mata.

"Are you sure your going to be okay?" Nag aalalang tanong ni Alex sa dalaga

"Ano ka ba Alex, sa comfort room lang ako pupunta. Okay lang ako" saad ni Gladys at mabilis na hinalikan ang pisngi ng binata at umalis na papunta restroom.

Hindi lang alam ng dalaga ay mayroon palang sumusunod sa kanya samantalang hindi naman mapalagay si Alex pero biglang nilapitan siya ng kanyang kuya Angelo.

Wala namang nagawa si Alex kundi harapin ang lalaki

"Lil' brother! Matagal din tayong hindi nagkita. How're you?" Slang na pagkakasabi ni Angelo

"What do you want?"

"Nothing, just wanna talk to you about some random things?"

"I don't have time for your nonsense!" Inis na banggit ni Alex pero ngumiti lang si Angelo.

"Brother, show some respect. I am still older than you" ngiti ni Angelo at hindi naman maganda ang pakiramdam ni Alex sa mga ngiti nito.

Napansin naman ni Nella ang kanyang dalawang kapatid na nagtatalo kaya nilapitan niya ang mga ito

"What are you doing? Are you arguing in public?" Walang ekspresyon na saad ni Nella sa dalawa at napaiwas nalang ng tingin ang mga ito.

"I'm busy, I need to see my fiance" saad ni Alex

"Katherine?" Nanunuyang banggit ni Angelo at ngumisi

Napakuyom naman ng kamao si Alex at tumalikod nalang ng biglang may tumatakbo ng babae na lumabas na comfort room

"Help! There's a pregnant woman! She's bleeding!" Sigaw ng sigaw ang babae at namumutla pa ito.

Bigla namang napangisi si Angelo sa narinig at kaagad na napalingon si Alex. Mabilis itong tumakbo sa restroom ng mga babae

Pagkarating niya rito ay tumambad sa kanya ang dugo na nangagaling sa babae na kani-kanina lang ay hinahanap niya.

Para bang bumagal ang mundo ni Alex habang nakikita niya si Gladys na nakahiga sa malamig na sahig ng restroom habang dumudugo ang maselang parte nito.

Mabilis na lumapit si Alex sa babae at mahigpit na niyakap ito. Nanginginig si Alex na nakahawak sa babaeng mahal niya at pilit na ginigising ang dalaga.

"Gladys! Gladys!" Paulit ulit na sigaw ni Alex

Kaagad namang dumami ang mga tao, syempre chismis na naman.

Mabilis namang itinaboy nina Chain ang mga tao, lumapit din ang pamilya ni Jenna at Alex at sobra silang nalungkot sa nakikita nila.

"Please hon wake up" pagmamakaawa ni Alex at hindi niya namalayan ang mga luhang mabilis na pumapatak sa kanyang mga mata.

"Cloud! Call the ambulance! Hurry!" Sigaw ni Alex at mahigpit na nakayakp sa babaeng walang malay.

"Oh god, please hon wake up. Please wake up" yun lamang ang paulit ulit na binabanggit ni Alex

Humahagulhol na si Alex habang nakimita niya ang maputlang babae na halos maligo na sa sariling dugo. Halos gumuho ang mundo ni Alex

Ang ina naman ni Alex ay napatakip nalang sa bibig at napaiyak na rin sa nasaksihan nito.

Ang kanyang anak na umiiyak habang nakayakap sa babaeng sobrang maputla na, ang babaeng nagdadala ng kanyang apo

Nakakaawang tingnan ang anak niya na nagmamakaawang gumising na ang babae.

Si Nella naman ay sobra sobra ang galit. Nasasaktan siya sa nangyari lalo na sa magiging pamangkin niya.

Hindi alam ni Alex kung paano siya nakarating sa hospital at nakaupo na ngayon. Nakatulala lang si Alex at nakatingin sa kawalan.

Si Jenna na tulala rin habang umiiyak at nakaupo sa waiting area habang hinihintay na lumabas ang doktor na nag aasikaso sa kanyang kaibigan.

Si Nella na nakatitig lang sa pintuan ng ER at ang magulang ni Alex na nakaupo lang sa tabi ni Alex. Si Angelo naman ay walang pakialam na nakatingin lang sa buong pamilya niya kasama si Katherine at kaagad naman ding umalis ang dalawa.

Pagkalabas ng doktor ay napatingin lang siya sa mga tao na naghihintay sa masamang balita.

"Family of the patient?" Mabilis na tumayo sina Alex.

Naintindihan naman ng doktor ang rekasyon ni Alex

"Your the husband?" Tanong ng doktor pero hindi ito sinagot ni Alex at nakatitig lang sa doktor.

Napailing nalang ang doktor at ipinagpatuloy ang balita.

"I'm sorry to say this but the child died. Ginawa namin ang lahat para mailigtas ang dalawa pero about 4 months palang ang bata at hindi nakayanan ang impact na nangyari. Looks like the kother was hit in the stomach multiple times the causes the miscarriage.

I'm sorry for your loss" malungkot na ibinalita ng doktor at kaagad na umalis pagkatapos magpaalam

Pero para kay Alex ay aparang nawalan siya ng buhay sa narinig. Ang anak niya, wala na.

Paano nangyari ito? Ano ba ang nangyari?

Biglang nandilim ang paningin ni Alex at sumigaw pagkatapos ang sinuntok ng marahas ang pader ng hospital. Halos makita na ang buto ng binata dahil sa impact at pilit na pinipigilan ito ng ama niya at ng kanyang ate.

Nagwawala ito sa sobrang sakit na nararamdaman niya.

Dahil sa nakikita ni Nella ay mabilis niyang sinampal ang kapatid.

"Nahimasmasan ka na ba?" Tanong ni Nella ng makita ang kapatid na napahinto at mabilis na napaupo sa sahig at humahagulhol sa iyak.

"Alex, always remember. You still have her" paalala ni Nella sa lalaki kaya medyo nahimasmasan naman si Alex at tahimik na umiiyak.

You Are MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon