57

5.4K 108 12
                                    

Tanghaling tapat, napakainit sa bansang Pilipinas na animo'y klima ng disyerto.

Sa isang maliit na bahay paupahan ay may isang matandang babae na mabilis na nag i-impake ng mga damit.

Mabilis na nilalagay ang mga gamit sa kanyang maleta, nagtataka man si Jamie sa ikinikilos ng kanyang ina, ngunit wala siya magawa kundi tumingin lang sa kanya.

Mabilis siyang hinila ni Aling Teresa paalis ng kanilang tinitirhan at tahimik lamang na sumusunod si Jamie sa yapak ng ina.

Hanggang sa hindi na nito matiis ang kuryusidad na nadarama.

"Ma, saan ba tayo pupunta? Bakit ka ba nagmamadali?" Tanong ni Jamie sa ina nito.

"Tumahimik ka at sumunod nalang!" Sigaw ni Aling Teresa sa kanyang anak

Bumiyahe sila ng nakatagal na oras at sa wakas ay nakarating na sila sa isang maliit at hindi kilalang probinsya. Punong-puno ito ng mga kakahuyan at mga bahay na gawa lamang sa kawayan.

Pumasok sila sa isang bahay ng kasing laki lamang ng isang kubo at doon nila inilagay ang kanilang mga kagamitan. Habang nag aayos ng mga gamit ay hindi maiwasan ng ginang na magsabi ng kanyang hinanakit sa kanyang panganay na anak.

"Anak, Jamie. Puntahan natin ang bunsong kapatid mo, sunduin natin siya. Baka kung anong mangyaring masama sa kanya" saad ni Aling Teresa na nagpasama sa hitsura ng anak

"Ma! Pagkatapos tayong talikuran ng babaeng yun tapos babalikan natin? Baka nakakalimutan mong pinagtabuyan pa tayon nun!"

"Jamie! Kapatid mo yun!"

"Kapatid? Ma, tinuring ba niya tayong pamilya? Siguro nga iniisip nun na niloloko lang natin siya eh! Palibhasa nasa mga Santillan napunta, ang kapal na ng mukhang magreyna-reynahan" maktol pa ni Jamie habang mababakas ang inis sa kanyang mukha lalo na nung marinig ang pangalan ng kanyang nakababatang kapatid na si Yves.

Read more at my new account @MissJSWrites

You Are MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon