15

7.8K 171 3
                                    

Sa pagsikat ng araw, sa apartment na tinitirhan ni Jamie ay nakaupo ang may katandaan nang babae, ang auntie ni Gladys.

"Mama! Nakakainis na yang si Gladys! Sigurado akong siya ang nagpadala ng tauhan para gawin sakin to!" Umiiyak na saad ni Jamie sa auntie ni gladys na nag ngangalang Teresa.

"Ano ba kasi talagang nangyari?"

"Galing akong bar, tapos bigla nalang may nagtakip ng ilong ko at pagkagising ko nasa loob na ako ng sako! Buti nalang may nakakita sakin na basurero kundi siguradong habambuhay na ako sa mabahong lugar na yun!" Reklamo naman nito.

Bigla namang napuno ng galit ang mukha ni Teresa, ang tunay na ina Jamie

"Wag kang mag-alala. Kailangan lang nating paamuhin ang babaeng yun at kapag nahanap na siya ng mga magulang niya, makakakuha na tayo ng pera" paliwanag ng matanda

"Eh diba anak yun ng mga Santillan? Bakit hindi nalang natin siya ibalik ng kusa kapalit ng malaking pera? Mama, ang tagal na nating naging mabait sa kanya! Hindi naman ako babysitter!"

"Konting panahon nalang, maghintay ka. Hindi niya naman kayang mamuhay ng mag-isa kaya siguradong babalik at babalik din siya satin. Sa panahon na yun, gagamitin natin ang mga magulang niya. Hindi pa ako nakakaganti sa kanila "

"Pero ma, kailan naman yun mangyayari? Ilang taon na eh.
Kung hindi lang mayaman ang pamilya ng malanding yun ay matagal na sana nating tinapon yun nung makita natin siya sa gubat" sabay irap ni Jamie sa hangin.

Sinong mag-aakalang ang mahirap na si Gladys ay anak pala ng isa sa mga mayamang angkan na mga Santillan.

Ngunit ano nga ba ang nangyari? Ano ba ang dahilan kung bakit galit ang ginang sa totoong pamilya ni Gladys?

Sa lugar naman ni Alex, sa kanyang opisina kaharap ang taong masyadong misteryoso ay may seryusong usapan ang nagaganap.

"Have you punished that bitch?" Galit na tanong ni Alex sa kaharap

"Oo, walang nakakaalam pero sigurado akong si Gladys ang akala nilang gumawa sa kanya nun"

"Let her think that, I will let my men protect her but I still am not satisfied with the result. I want to destroy them both, I want them to wish they we're dead!" Malamig na saad ng binata.

Nakakatakot ang galit sa mga mata nito na animo'y mamamatay ka sa isang tingin mo lamang dito.

Gusto mang umatras sa takot ang binatang kaharap ni alex ay hindi niya magawa, paano? Nakaupo siya kaharap ng mukhang demonyong ito, takot lang niyang tingnan siya sa mata.

"How about their origin? Where are they from? You took almost 3 months investigating it." Tanong pa nito

Napalunok naman ang binata bago napasagot.

"It is a bit complicated, the information I got is still not complete. It is like there is a part of that woman's past that has been suppressed" paliwanag nito.

Sandaling napaisip si Alex at taimtim na nag iisip. Ang kaninang madilim na mga mata ng binata ay mas lalong nadagdagan.

"Its not her doing, that Teresa is not powerful. Maybe she offended someone powerful or there is a part of her past that includes the secret of that powerful family or perhaps there is someone protecting her. Tell me the name of the family that has been suppressing the information, I will only give you 1 month" paliwanag pa nito at tumalikod na sa binata na ibig sabihin ay pwede na itong umalis, napahinga naman ng maluwag ang kausap ni Alex kanina.

Salamat at buhay pa ako!

Samantalang si Alex naman ay kinuha ang kanyang cellphone at tiningnan ang wallpaper niya, ang babaeng nagpapatibok nang kanyang puso.

Napabuntong hininga na lamang si Alex sa komplikadong sitwasyon ng mahal niya

'You have a special identity, my love.'

Kaagad niyang tinawagan ang numero ni Chain. Kaagad naman niya itong sinagot ngunit sa kasamaang palad ay kalahating tulog at kalahating gising pa ang diwa nito kaya hindi niya alam kung sino ang tumatawag sa kanya.

At sa pagkakataong ito, talagang nagkamali siya sa pamamaraan ng kanyang pagsagot.

"Hello! Bakit ka ba tumatawag? Ang aga-aga!" Reklamo ni Chain habang nakahiga pa sa guestroom ng mansiyon ni Alex.

"......" Walang sumagot sa kabilang linya na ikinainis naman niya. Pero nakakapagtaka, sinong may lakas nang loob na tumawag sa kanya sa oras na to? Alam nilang masama siyang magalit! Sino ang walang hiyang tumawag sa kanya?

Sa pag iisip na iyon ay inis siyang napatingin sa caller na sana ay hindi nalang niya ginawa

Jusko! Ang lakas ng loob niyang sumagot ng ganon sa amo niya. Nakakaiyak, para tuloy gusto nalang niyang magtago sa malayong malayo na lugar para tumakas.

Sinong mag aakalang tatawag ang demonyong ito! Kailangan niyang gumawa ng paraan para huwag magalit ang kanyang minamahal na amo

"B-boss, ikaw lang pala. Akala ko kung sino, sorry sa nasabi ko kanina boss! Akala ko kasi na---" hindi man lang siya pinatapos sa pagpapaliwanag at nagtanong kaagad?

"How is she?" Malamig man ang boses ay kapag ang kanyang minamahal na babaeng amo na ang pag uusapan, tiklop si boss jan! Commander ata si Gladys eh.

"Okay lang naman boss! Hindi ko pa nga lang siya nakikita ngayon kasi alam mo na, kakagising ko lang. Pero titingnan ko kung anong lagay niya mamaya!"

"No need" pagkatapos sabihin ni Alex iyon ay biglang may kumatok sa pinto, sa pagaakalang sina Xian lang ay kaagad siyang sumigaw ng "pasok!" Hindi pa naman niya pinatay ang tawag.

Bigla na lamang nanlaki ang mata ni Chain sa nakikita. Si Gladys lang naman ang pumasok! Kausap ko pa si Boss!

"M-miss gladys" nanginginig na sambit ni Chain habang nasa kanyang tenga pa ang kanyang cellphone

Tahimik lang din naman sa kabilang linya at nakikinig lang.

"Si Alex ba yan?" Sa pagtatanong na ito ng dalaga biglang bumilis ang tibok ng puso niya, hindi sa pag ibig kundi sa nerbyus.

Anong gagawin niya?

"Pwede ko ba siyang makausap?" Mahinhin na tanong ni Gladys

Habang sa kabilang linya naman ay nakikinig lang sa boses ng magandang dilag.

"Let her" dalawag salita ang lumabas sa bibig ni Alex at sa takot naman  ni Chain ay kaagad niya inabot kay Gladys ang phone na nanginginig ang mga kamay at kaagad na lumabas ng kuwarto

Kinuha naman niya ito kaagad at inilapat sa sariling tainga.
Kasabay ng pagkarinig ni Alex sa boses ni Gladys na tinatawag ang pangalan niya

"Alex"

You Are MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon