27

6.4K 158 0
                                    

Nagising si Gladys sa sakit na nararamdaman niya sa buong katawan.

Mabilis itong napatingin sa lalaking nakaupo sa upuan katabi ng kamang hinihigaan niya.

Si Alex ay nakatulala lang habang nakatingin sa bintana.

"Alex?" Mahinhin na sambit ni Gladys at nakuha naman nito ang atensiyon ng binata.

"Hon, are you okay? Do you need something?" Mabilis na tanong ni Alex sa dalaga

Nagtataka naman si Gladys, nakalimutan niya yata ang nangyari. Pero ng biglang nakita niya ang luhang tumulo sa mga mata ni Alex ay biglang bumalik sa kanya ang nangyari.

Ang babaeng tumulak sa kanya at paulit ulit na sinipa ang kanyang tiyan.

Mabilis na napatingin si Gladys sa kanyqng tiyan at napatingin ulit kay Alex.

"Hindi...hindi.....hindi" paulit ulit na banggit ni Gladys at napahawak sa sariling tiyan.

"Ang anak ko, hindi pwede. Ang anak ko" wala sa sariling saad ni Gladys at bigla nalang siyang sumigaw ng napakalakas.

Nagwawala ang dalaga at pilit na tinatanggal ang nakakabit na oxygen sa kanya. Pilit naman itong pinapakalma ni Alex .

"Ano ba! Hindi pwede! Hindi! Hindi pa patay ang anak ko!" Sigaw ni Gladys habang umiiyak

"Hon please stop" sabi lang ni Alex at pilit na pinipigilan si Gladys.

"Aaahhhhhh hindi!!!!"

Pinindot naman ni Alex ang emrgency button at kaagad na sumugod ang mga doktor at nurse.

Si Jenna naman ay napatakip lang sa bibig habang nakikita niya kung paano ginagapos ang kanyang kaibigan para mapatigil ito sa pagwawala.

Si Alex na nahihirapan sa kanyang nakikita na halos mabaliw na si Gladys sa nalaman.

Pinatulog naman ng doktor si Gladys pansamantala dahil sa nangyari.

"Mukhang malakas ang impact sa kanya ang nangyari, maaaring magkaroon siya ng trauma sa nangyaring trahedya sa kanya. Sa ngayon ay pinatulog namin siya pero sana ay hindi na siya magwala sa susunod na gising niya." Paliwanag ng doktor.

Inis na napasabunot si Alex sa sariling buhok at unti unting pumatak ang mga luha nito.

Hapon na at nagising muli si Gladys pero wala na siyang ibang ginawa kundi nakatulala lang sa kawalan.

Pilit itong pinapainom ni Alex at mabuti nalang ay sumusunod ito sa kanya pero kapag lumapit si Jenna ay bigla na lamang nagwawala si Gladys na para bang takot na takot at paulit ulit na tinatawag ang pangalan ni Alex habang umiiyak.

Kahit sinong babae ay natatakot si Gladys at paulit ulit na tinatawag si Alex.

Hindi man umiyak si Alex sa araw na iyon pero alam ng mga tao kung gaano kahirap ang dinadanas ni Alex ngayon.

Hindi muna pumasok sa opisina si Alex at hinahayaan niyang si Cloud na muna ang umasikaso ng trabaho.

****************

Isang linggo na ang lumipas pero ganun pa rin si Gladys, tulala at walang imik. Wala ng pumapasok na babae sa kuwarto ni Gladys at palaging nakabantay si Alex sa babae.

Dumalaw din ang buong pamilya ni Alex at ang mga babae naman ay pumasok lang kapag tulog si Gladys.

Nanlamig ang paningin ni Nella habang nakikita niya ang nangyari sa kanyang kapatid. Sinusumpa niyang pagbabayarin niya ang gumawa nito, alam niyang may nanakit kay Gladys sa trauma na nangyari sa babae.

Ganun rin ang naiisip ng ama ni Alex. Samantalang si Alex ay tanging naiisip niya lang ay kung paano pagalingin ang babaeng minamahal.

Gabi na at kakatapos lang kumain ni Gladys pero nakatulala lang siya sa kawalan. Dahan-dahang tumabi si Alex sa babae at marahan itong niyakap pero walang reaksiyon ang dalaga.

"Hon, bumalik ka na oh. Parang awa mo na, I can't take this anymore" mahinang sambit ni Alex at kaagad na pumatak ang mga luhang pilit niyang pinipigilan.

"Gladys, miss na miss na kita. Kailan ka gagaling? Please bumalik ka na sakin oh" pagmamakaawa ni Alex sa dalaga na nakatulala lang sa kawalan.

"Hon, kahit wala na ang anak natin I will always be with you. I will never leave you behind. All I need is for you to be okay. I am still here, nandito pa rin ako sa tabi mo at inaalagaan ka. Ayokong maging ganito ka, gusto ko yung dating Gladys. Please" pagmamakaawa ni Alex at hinigpitan ang yakap niya sa dalaga.

Sa oras na ito, sa naririnig ni Gladys na iyak.

Sino nga ba ang umiiyak? Puro dilim lang ang nakikita niya.

"Gladys"

Napatingin si Gladys sa pinanggalingan ng boses

"Hon, come back" rinig niya ulit.

Naramdaman naman ni Alex ang kamay ni Gladys na yumakap kay Alex, nabigla naman si Alex at naramdaman niya na nababasa ang balikat niya.

Mabilis na tiningnan ni Alex at ang babae na naging dahilan ng pagkahiwalay ng yakap nilang dalawa.

Nakita ni Alex ang mga mata ng dalaga na dating walang kulay pero ngayon ay mgay buhay na. Ang mga mata umiiyak ngayon.

Hindi naman huminto ang mga luha na tumutulo sa mga mata ng binata habang nakikita nito ang dalaga.

Ngumiti na lamang si Gladys at inangat ang kanyang mga kamay para abutin ang mukha ni Alex. Dahan-dahang pinunasan ni Galdys ang mga luha ni Alex na pumapatak at ngumiti sa lalaki

"Alex, sorry dahil sakin naging ganito ka, umiiyak. At salamat kasi inaalagaan mo 'ko kahit na halos mawala ako sa katinuan" mahinang sambit ng dalaga at kaagad naman napayakap si Alex

"Thank god your back, my Gladys. Your back! Your back. Your fine now" umiiyak na saad ng lalaki habang nakayakap sa dalaga.

Napatawa nalang ng mahina si Gladys sa reaksyon ni Alex at dahan dahang sinuklay ang buhok ng binata.

"Sorry, pinag alala kita." Saad ni Gladys.

Sa gabing ito, tabi silang matulog habang nakahiga si Gladys sa braso ng lalaki.

Si Alex ay sobrang saya dahil bumalik na sa dati ang mahal niya. Nagpapasalamat din siya dahil magiging maayos na ang babae.

Kinabukasan ay nagising si Alex dahil sa narinig niyang bumagsak na bagay at doon nakita niya si Jenna kasama sina Macy, Chain, Chris at Xian.

Wala si Cloud dahil naging busy ito sa trabahong iniwan ni Alex.

Bumangon si Alex at bigla din naman nagising si Gladys, nakita ni Gladys sina Macy at bumangon din ito sabay ngiti

"Pinag alala ko ba kayo? Sorry, bumalik na rin ako sa dati" nakangiting saad ni Gladys at napatakip naman sa bibig si Jenna samantalang nanlaki naman at napanganga ang iba.

Omygod! Totoo ba ito? Kinausap kami ni Gladys? Magaling na siya?

Mga tanong na nasa isip nila pero isa lang ang nararamdaman ng mga ito. Sobra-sobra ang saya nila sa paggaling ni Gladys.

You Are MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon