61

5.6K 115 28
                                    

Kasalukuyang nasa loob ng high-tech na kuwarto si Gladys. Hinanda kasi ito ni Alex para mapanatiling ligtas ang kanyang mag-ina.

Malaki na ang tiyan ni Gladys at nakaupo lamang siya sa isang malambot at mamahaling upuan hawak hinahaplos niya ang kanyang malaking tiyan.

"Libra, can you let me see the CCTV footage outside?" Mahinang sambit ni Gladys.

"Yes" sumagot naman ang isang AI robot na ginawa mismo ni Alex at nakaprogram ito na sumunod sa utos nilang dalawa lamang.

*Ang isang AI o Artificial Intelligence ay isang area ng science kung saan ang isang machine ay mayroong pagiisip na parang katulad ng isang tao na may sariling program na sumunod sa kung sino man ang gumawa nito.*

Sa pagsagot na ito ni Libra *pangalan ng AI robot* ay biglang bumukas ang isang flat screen tv at ipinakita dito ang footage ng CCTV's na nasa labas ng kinaroroonan ni Gladys.

Nakikita niya ang paghihirap ng mga tauhan ni Alex para lang maprotektahan siya. Naririnig niya ang mga sigaw na puno ng paghihinagpis.

Nakikita niya ang sobrang daming mga kalaban na halos maubos na ang mga tauhan na nagpoprotekta sa kanya.

Napapikit na mariin si Gladys at nakita niya ang isang elegante at mamahaling piano sa tabi.

Naglakad siya papunta sa kinaroroonan ng puting piano. Umupo siya sa upuang nakalaan doon.

Binuksan niya ang nakatakip sa piyesa ng piano at huminga ng malalim, ngumiti siya ng mapait. Pinindot niya ang isa sa mga piyesa sa piano at rinig sa buong kuwarto ang tunog nito.

"Libra, let them hear my voice as their support." Mahinang saad niya

"Yes, starting to hack their technology....

Connecting to team A........

Connecting to team B........

Connecting to team C........

Connecting........

5%....

20%...

70%...

90%...

100%...

Connected.

All set" rinig niyang boses ng isang babaeng robot.

Sa pagkakataong ito, dahan-dahan na pumipindot si Gladys sa mga piyesa ng piano

Ang mga technology na nagkokonekta sa kanilang lahat ay biglang nagkaroon ng magandang melody.

Napakagandang tugtog na naririnig at nagbibigay ng lakas ng loob sa mga taong wala ng pag asa.

Napatigil din si Alex ng biglang narinig niya sa earpiece ang magandang musika.

Hawak ang baril habang nakaharap sa matanda at sa mga tauhan nito, nag iisa lamang si Alex at sugatan na rin siya. Hinihingal siya pero bigla na lamang siyang nakahugot ng lakas ng loob ng marinig niya ang magandang boses ng kanyang asawa.

《You Can Be king again.》

Habang tumutunog ang piano ay napapikit si Gladys at dinadamdam ang musika na kanyang nilikha.

Read more at my new account @MissJSWrites

You Are MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon