21

7.6K 169 3
                                    

Gabi na at mahimbing na na-natutulog ang dalaga ngunit hindi parin makatulog si Alex, palagi niya kasing naaalala ang balitang kanyang natanggap sa isa sa mga tauhan niya.

'She's back' paulit-ulit na naiisip ng binata kung ano ang maaaring gawin ng babaeng iyon sa minamahal niyang si Gladys.

Bumalik na ang babaeng ayaw niyang makita kahit kailan, ang pinili ng kanyang kuya bilang fiance niya. Hindi niya nga alam kung bakit iyong babae na iyon ang napili nang gago niyang kuya.

Kung alam lang sana ng ate niya ay hindi ito mangyayari.

Mayroong tatlong anak ang ama ni Alex.

Dalawang lalaki at isang panganay na babae. Ang lalaking sinasabi ni Alex ay ang kanyang kuya Angelo na may ugaling demonyo pangalan lang ang mukhang anghel.

Hindi naman niya sinasaktan ng pisikal ang kanyang kuya dahil alam naman niyang ayaw ng kanilang ina na nag aaway sila, kapag nagsasabi ng masasakit na salita si Angelo ay tahimik lang si Alex at hindi pinapansin ang kanyang kuya na papansin at kulang sa pansin.

Ang kanilang ate Nella naman ay nakakatakot talaga na babae, kung hindi kayang kontrolin ng kanilang ina silang dalawa kapag nagsasagutan ay ang kanilang ate Nella ang solusyon. Isang tingin lang ay kaagad na titigil ang dalawa, ayaw man aminin ng dalawang ito pero nakakatakot talaga ang ate Nella nila, nagmana kasi talaga ito sa ama na masyadong matalino at malakas na pangangatawan kahit babae at mabilis din sa laban.

Ang kanilang ate Nella ay isang Commander ng Air force. Nasa may edad 32 na ang kanilang ate pero malakas pa rin ito. Hindi naman siyempre papahuli ang kanyang kuya pero malayo talaga ang agwat nilang dalawa. Sa totoo lang, magkasing lakas lang silang dalawa ng kuya niya, pareho ring matalino ang dalawa. Ang kaibahan nga lang siguro ay dati ring nagtraining ang kanyang kuya bilang isang sundalo pero itinigil rin ito samantalang si Alex naman ay naging isang boss ng Underground.

Walang nakakalam nito maliban sa ama nila. Ang ama nilang malakas ang pangangatawan at kahit magsama pa ang tatlong magkakapatid ay mahihirapan talaga silang patumbahin ito.

Hindi man alam ng tatlo pero isang retired deputy director ng national intelligence bureau ang kanilang ama.
Ibig lang sabihin nito, marami nang karanasan ang kanilang ama sa totoong laban at gyera at bukod pa rito ay matalino rin ito sa mga plano at taktika na maaaring gamitin sa kalaban. Ibig sabihin, wala silang pag asa.

Ikinatatakot lang ni Alex ay baka madamay sa gulo si Gladys.

Ang babaeng kasama ng kanyang kuya ay ang pinili nitong fiance, pinayagan naman kasi ito ng ina pero hindi naman siya pinipilit, ang ama naman nito ay walang pakialam basta wag lang nilang pahirapan ang kanilang ina.

Halata naman kasing mahal na mahal ng mga magulang nila ang isa't isa.

Mabilis ang oras at sa pagsikat ni haring araw ay kaagad na nagising si Alex sa liwanag na tumatama sa mukha nito, napatingin rin naman siya sa babaeng natutulog sa tabi niya at nakayakap sa kanya.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na katabi na ulit niya ngayon ang babae, napakasaya niya ngayong araw dahil unang bumungad sa kanya ang mukha ng dalaga.

Maya-maya pa ay dahan-dahang dumilat ang dalaga at napatitig sa mga mata ng binata, para lang talagang panaginip. Napakagandang panaginip.

Nakangiti namang sinalubong ni Alex ang mga tingin ng dalaga at hinaplos ang pisngi nito.

"Good morning hon" bati nito kay Gladys na napangiti rin

"Good morning" malambing rin na sabi nito.

Kumawala naman sa yakap si Gladys at kaagad na nagmumog habang si Alex naman ay nag isip-isip habang nakahiga sa kama.

Wag lang talagang magpapakita ang mga demonyong iyon sa kanya. Talagang lagot ang mga ito!

Pagkalabas ni Gladys sa banyo ay napansin naman nito ang binata na malalim ang iniisip habang nakatingin sa kawalan.

Dahan-dahan siyang sumampa sa higaan at lumapit sa binata.

"Alex" sa pagbanggit na ito ay kaagad namang napatingin sa kanya ang binata.

Tiningnan lang siya ng dalaga na may halong pag aalala

"May problema ba?" Tanong ni Gladys

Napabuntong hininga na lamang ang binata at hinapit palapit sa kanya ang dalaga.

"Yes, just a family problem" bored na sagot ni Alex at hinalikan ang ulo ng dilag saka pumasok sa banyo para maligo at mag ayos.

Pagkalabas nito ay naka bathrobe lang ito at pumasok sa walk-in closet nila.

Nakasuot lang ng simpleng jeans si Alex at isang plain white t-shirt pero kahit ganun ay hindi pa rin naman maitatago ang appeal ng lalaki, masyado talaga itong guwapo.

Lumapit si Alex kay Gladys at walang babalang binuhat ang dalaga, kaagad naman itong napatili sabay napakapit sa leeg ni Alex.

"Anong ginagawa mo?" Kunot noong tanong ng dilag.

"You should take a shower and get ready, we're going to the hospital for your check up" tumango naman si Gladys at dahan-dahang bumaba sa bisig ng binata.

Naka dress lang si Gladys na baby blue summer dress at flat sandals. Kaagad namang nakarating ang dalawa sa hospital at nagpa check up

"I'm sorry to say this but the baby is weak. Have you been abused lately? Or physically hurt? It affects the heath of your baby, you should know that you should put a lot more extra care to your body because of your baby. This baby is weak and you can easily have a miscarriage." Paliwanag ng gynecologist sa kanila.

Napalaki naman ang mga mata ni Gladys sa gulat, paano ito nangyari sa baby niya? Hindi ito pwede.

"Is there anything we can do for the baby to be healthy again?" Kaagad na tanong Alex sa doctor at hinawakan ang bewang ni Gladys para alalayan.

"There is but you can't force the baby to be healthy, it needs time and the effort of both parents. First is the environment, I suggest that you go to a place that has fresh air. Second is the mentality of the mother, she should be stress-free, avoid problems. Third is nutrition and exercise." Pagpapaliwanag ng doctor sa kanila

Mukhang kailangan nilang lumipat ng lugar, yung malayo sa gulo ng siyudad. Kailangan maging healthy ang bata at para na rin makaiwas sa dalawang dating na malas sa buhay nila.

Kailangan nilang umiwas sa gulo, kapag ipinanganak na ang unang anak nila, saka lamang nila haharapin ang problema. Kailangan kasing hindi mag alala si Gladys, para maiwasan ang stress.

You Are MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon