37

6.3K 159 4
                                    

Nakatingin lamang si Ara sa reaksyon ni Alex at napasimangot, may mahal na pala siyang iba? Di bale na, mas maganda pa rin naman siya.

"Nasaan ka na ba? Pupuntahan kita. May good news din ako sayo" pagpapaliwanag pa ni Gladys.

"No, its dangerous. Baka mapano ka pa, magkikita din naman tayo" malambing na saad ni Alex sa kabilang linya.

Nanlaki naman ang mga mata nina David at Ara sa narinig, ang lambing ng boses ng kanyang kuya Gabriel! Paano ito nangyari?

"Please, miss na kita. Gusto kitang makita. Mag iingat naman ako eh. Sige na please" pagmamakaawa ni Gladys sa kabilang linya.

Napasaltak naman si Ara, boses lang naman maganda sa babaeng yan! Yun lamang ang iniisip ni Ara pero alam naman nating mali siya.

"Alright, but please be careful. Don't let anyone know about me"

"Okay, I know what to do. Text me the address at pupuntahan kita" saad ni Gladys kaya sinabi naman ni Alex ang address, mabuti na lamang at nasa may Batangas lamang si Alex at hindi mahihirapan si Gladys na pumunta sa kung nasaan man si Alex.

Sa gabing iyon ay nakatulog si Gladys nang mahimbing sa pag iisip na nasa mabuting kalagayan ang lalaki.

"Salamat David" sincere na pagpapasalamat ni Alex kay David.

"Wala yun kuya, mukhang miss mo na girlfriend mo eh" napatawa na lamang si Alex at napailing.

"She's not my girlfriend" sa sinabing iyon ni Alex ay medyo lumiwanag ang mga mata ni Ara sa pag aakalang may pag asa pa siya ngunit biglang nawalan ng buhay ang mukha ni Ara nang marinig ang sunod na sinabi ni Alex na nagpawasak sa kanyang puso.

"She's my wife" napanganga na lamang si David sa narinig.

'Kaya pala ganun nalang ang reaksiyon niya nang marinig ang boses nito? Asawa pala niya?' Isip ni David.

Sabagay, totoo naman talagang asawa na ni Alex si Gladys. Legal na silang mag asawa dahil sa pinirmahang marriage contract ni Gladys nung lasing silang dalawa at nung unang beses na may mangyari sa kanila.

Sa totoo lang, nagpakalasing si Alex nun kasi nagagalit siya sa kanyang kuya, palagi kasi nitong pinapaalala sa kanya na fiance niya si Katherine kaya kinontak niya ang kakilala niyang abogado at naghanap ng babaeng pwede niyang tawaging asawa.

Nagkataon naman na nakita niya si Gladys na nag tatrabaho sa isang fast food chain. Inalam niya ang lahat tungkol kay Gladys at sinabi niya sa kanyang abogado, mabilis namang inasikaso ito ng abogado ang mga papeles at sinabing kailangan nalang ng pirma ng babae.

Para namang nakikiayon ang tadhana sa kanya dahil nung hawak-hawak niya ang papeles ay nakita niya si Gladys na papasok sa bar kasama ang ibang mga katrabaho nito.

Nakita niyang lasing ang babae at malapit nang matumba ng biglang nasalo siya ni alex at dinala sa isang hotel. Doon ay walang kaalam-alam si Gladys na nakapirma na pala siya ng kontrata na walang bawian.

"Now, we're officially husband and wife. You are officially mine, Beatrice Rose Santillan" bulong ni Alex sa babae at hinalikan ito ng mapusok.

Hindi naman alam ng babae ngunit tumugon ito sa bawat halik ng lalaki hanggang sa nagising na lamang si Gladys na walang saplot kasama ang napaka gwapong nilalang na natutulog sa tabi niya.

Mabilis itong nagbihis at kabadong umalis sa lugar na iyon.

Napapangiti na lang si Alex kapag naaalala niya ang nangyari ng gabing yun.

Sa totoo lang kasi, matagal na niyang alam na isang Santillan si Gladys. Nagpanggap lang siya para maisahan niya ang taong naging dahilan kung bakit nagkagulo ang buong pamilya niya.

Sa pagbabalik niya ay sisiguraduhin niyang magbabayad ang may gawa nito.

Kinabukasan, hindi pa nagigising si haring araw ay napabangon na naman si Gladys dahil nasusuka na naman siya.

Pagsapit ng ala-sais ng umaga ay umalis na ang apat na bodyguard para ituloy ang pinapagawa ni Gladys. Ibig sabihin, walang makakapansin na nawawala si Gladys.

Kaagad na kinuha ni Gladys ang limited edition na sasakyan ni Alex na matagal nang nakatago at walang nakakaalam nito maski ang apat.

Bago kasi magpaalam ang dalawa ay ipinaliwanag muna ni Alex ang dapat gawin ng babae upang walang maka-trace kung nasaan siya.

Ang sasakyan kasi na ito ay hindi nakapangalan kay Alex kundi sa abogado, para bang ginamit lang ni Alex ang pangalan ng abogado para makuha ang sasakyan ng walang nakakaalam.

Tinakpan ni Gladys ang plate number ng sasakyan upang walang makakaalam nito.

Tinanggal na naman ni Gladys ang nakatakip sa plate number ng medyo malayo na siya sa mansiyon.

Kaagad na tinungo niya ang lugar patungo sa address na sinabi ni Alex sa dalaga.

Nalaman naman kaagad ng buong barangay na may dadating na bisita si Alex, at dahil kilala ng buong barangay si Alex ay curious ang mga ito na nakaabang sa gilid ng kalsada dahil papasok pa naman ang maliit na bahay nina David.

Nasa bandang tanghali nang may humintong mamahaling sasakyan, nagtataka namang napatingin ang mga tao kung sino ang tao sa loob nito kasi halatang mayaman.

Bumukas ang pinto at nakita nila ang makinis na binti ni Gladys, naka dress lamang kasi nang kulay blue si Gladys at naka doll shoes, nakalugay din ang magandang buhok ng dalaga.

Pagkalabas ni Gladys ay nagtataka ang dalaga kung bakit maraming tao sa paligid, napanganga naman ang mga tao sa nakikita nilang napakagandang babae.

Matangkad si Gladys, at napakaamo ng mukha. Walang-wala ang kagandahan ni Ara sa babaeng ito.

"Uhm, excuse me. Kilala niyo po ba ito?" Mahinhin na tanong ni Gladys at ipinakita ang picture ni Alex sa kanyang mamahaling phone.

Napatango naman ang mga tao at todo ngiti ang mga ito saka iginiya ang dalaga sa bahay na kinaroroonan ni Alex.

Si Alex ay kasalukuyang nasa tabi ng dagat at nakatingin lang sa kawalan habang iniisip kung kailan dadating ang dalaga, hindi naman kasi sinabi ni Gladys kung anong oras dadating basta ang sabi nito ay ngayon daw.

Si David naman ay nasa loob ng kanilang maliit na bahay kasama si Ara na nakasimangot habang iniisip kung gaano kapangit ang itsura ng asawa ni Alex.

Nagulat na lamang ang dalawa ng biglang may maingay sa labas ng bahay, mabilis na lumabas ang dalawa at nakita nila ang matangkad na magandang babae kasama ang mga kapitbahay nila.

"Ito ang bahay nung pogi!" Sabi ng mga tao. Napatingin si Gladys sa bahay at napatingin sa dalawang tao na naggaling dito.

"Hi, do you know him?" Pinakita ni Gladys ang picture ni Alex na naka business suit na nakaupo sa upuan at masaya ang ngiti na nakatingin sa camera na hawak ni Gladys. Magkatabi ang dalawa habang nakahawak sa bewang ni Gladys si Alex samantalang si Gladys ang may hawak ng phone. Mahahalata mo talagang masaya ang dalawa.

Hindi maiwasang mapanganga ni Ara at David sa nakikita, sobrang guwapo ng kanyang kuya Gabriel sa suot na iyon! At ang sweet ng dalawa.

Napatango lamang si David.

"Si kuya gabriel, nandun siya sa may tabing dagat" sabi ni David

Medyo nagtataka pa si Gladys sa sinabi ng lalaki na Gabriel daw ang pangalan ni Alex pero naaalala niyang nagtatago ang lalaki kaya ngumiti na lamang so Gladys.

Si Ara naman ay napalunok nalang sa sariling laway, ang ganda pala ng asawa ni Gabriel.

Si Alex naman ay napatayo sa kanyang kinauupuan at balak ng bumalik sa maliit na bahay.

Malapit na sana si Alex ng mapahinto siya sa kanyang nasilayan, si Gladys na nakatayo ngayon sa harapan ng bahay na kasalukuyan niyang tinitirhan.

Unti-unti ding tumulo ang luha ni Gladys at mabilis na napatakbo papunta kay Alex.

Mabilis na nasalo ni Alex ang babaeng kaagad na yumakap sa kanya. Mahigpit na niyakap ni Alex ang babaeng matagal na niyang hindi nakita. Ang babaeng sobra-sobra niyang namimiss.

You Are MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon