28

6.6K 168 5
                                    

Dalawang linggo ang nakakalipas at nakalabas na rin sa hospital si Gladys. Isang napakasamang bangungot ang nangyari at kahit na bumalik sa katinuan si Gladys ay may panahong bumabalik sa kanyang ala-ala ang nangyari.

Kasalukuyang nasa veranda ng kanilang kuwarto si Gladys samantalang si Alex naman ay nasa trabaho pa.

Si Gladys ay nakatingin na naman sa malawak na ulap at unti-unting tumulo ang kanyang luha.

'Paano kaya kung buhay pa ang anak ko? Ano kaya gender niya? Siguro maganda o guwapo ang anak ko' isip-isip ni Gladys at wala sa sariling napahawak sa tiyan niya.

'Oo nga pala, hindi na babalik ang anak ko. Wala na ang anak ko'

Sa pag iisip niya ay hindi niya namalayan ang patak ng kanyang mga luha na puno ng lungkot at pighati. Ang sakit na nararamdaman ng isang ina.

Kasabay ng pagpatak ng mga luha niya ang pagbuhos ng ulan at ang dating asul na ulap na naging itim.

Unti-unting nababasa ang babae habang nakatingala sa langit kasabay ng kanyang mga luhang hindi tumitigil ang pag-agos.

Napansin naman ni Chain si Gladys dahil nasa ibaba siya at nakikita niya ang dalaga.

"Miss Gladys!! Umuulan, pumasok ka na!" Sigaw nito pero hindi siya pinansin ni Gladys balak pa sanang sumigaw ulit ni Chain pero dumating na ang sasakyan ni Alex kasama si Cloud.

Bumusina ang sasakyan nito na naging dahilan para dali-daling lumabas sina Macy na may mga dalang payong. Pero pagkabukas palang ng pintuan ng kotse ay napatingala si Alex at nanlaki ang kanyang mata habang nakikita niya ang minamahal na nakatingala sa langit.

Para bang unti-unting winawasak ang puso niya sa nakikita, ang sakit sa pakiramdam.

Nagmadali naman si Alex na tumakbo papunta sa kanilang kuwarto habang ang lima ay nasa baba pa rin at nakatingala lang sa babae.

Pabagsak na binuksan ni Alex ang pintuan at patakbong pumunta sa kanilang veranda, doon ay bumungad sa kanya ang babaeng puno ng hinagpis habang nakatingin lang sa langit.

Ramdam ni Alex ang hinagpis ng babae, ramdam niya ang sakit. Kumikirot ang kanyang dibdib habang nakikitang nahihirapan ang babaeng mahal niya, ang sakit rin sa pakiramdam kapag naaalala niya ang nangyari sa kanyang unang anak.

Dahan-dahan na naglakad palapit si Alex ķay Gladys at niyakap siya sa likod. Mahigpit ang yakap niya na wari'ng dinadamayan ang babae.

Sa yakap nito ay napapikit ang dalaga at para bang hudyat ito para ilabas ang kanyang nararamdaman. Hinawakan ni Gladys ang kamay ni Alex na nasa bandang tiyan niya.

Bilang isang magulang, ang sakit isipin na bigla nalang nawala ang iyon nag iisang anak. Ang anak mong hindi pa nasisilayan ang ganda ng mundo.

Sa dami ng pagsubok na kahaharapin, sa oras na ito ay parang hindi na kakayanin ni Gladys ang sakit na nararamdaman niya. Bakit ba kasi sa lahat, ang anak niya pa ang kinuha? Ano bang kasalanan na nagawa niya para mangyari ito?

Pareho na ang dalawa na basang-basa sa ilalim ng patak nang ulan. Inalalayan naman ni Alex ang babae papasok at iginiya sa kanilang banyo.

Malambing at marahan niyang tinanggal ang suot ng babae hanggang sa wala na itong saplot, puno ng pagmamahal niya itong tiningnan at buong pagmamahal na binanggit ang mga salitang makapagpagaan sa dalaga.

"Gladys, I'm still here with you. Whatever happens, I will always be with you. I won't leave you and will always be loyal and always love you. I am your family, I am your prince and will be your king. I will be your knight, to protect and take care of you." Saad ni Alex.

Napatingin naman ang dalaga sa mga mukha ng binata, ang lalaking palaging nanjan sa tabi niya, ang taong sumusuporta sa kanya, ang buo at tunay na nagmamahal sa kanya.

Napaiyak nalang ang dalaga at ngumiti na puno ng hinanakit.

"Sabi ko, kahit anong pagsubok kakayanin ko. Kahit anong mangyari palagi akong maniniwala sayo. Palagi akong magmamahal sayo. Pero Alex, ngayon ay parang di ko ata kaya. Ang sakit eh, anak ko yun eh, anak natin." Umiiyak na saad ni Gladys at napahawak siya sa mukha ng binata at masuyong tiningnan ang mga mata nito.

"Kahit anong isip ko, kahit na anong gawin ko. Naaalala ko ang anak ko, pakiramdam ko kasalanan ko kasi naging pabaya akong ina. Ang sakit Alex, ang sakit-sakit"

"Hon" pagbanggit ni Alex at inipit ang ilang hibla ng buhok ng dalaga sa tainga pagkatapos ay masuyong hinalikan ang noo tanda ng respeto at pagmamahal niya sa dalaga.

"Don't blame yourself, it is not your fault. I should be the one to protect you. I should--" napahinto si Alex ng iniharang ni Gladys ang kanyang hintuturo sa mga labi ng lalaki.

"Alam ko na walang may kasalanan, hindi mo kasalanan yun. At yung babae na naging dahilan ng pagkawala ng anak natin--" napahinto si Gladys at unti-unti ulit na pumapatak ang kanyang luha.

Napansin ito ni Alex at nanginig ang kanyang katawan sa galit na kanyang nararamdaman. Binuksan niya ang shower at naramdaman nilang dalawa ang pagpatak nito sa kanilang katawan.

Napapikit si Alex at bumitaw kay Gladys, napansin ito ng dalaga at niyakap niya naman ang binata.

"I will make sure that person will rot in jail, she will be punished, I will get revenge for our child!" Galit na saad ni Alex at niyakap ulit pabalik ang babae.

Umiling-iling ang babae sa narinig niya sa lalaki.

"Alex, huwag" mahinang saad ni Gladys pero nakuha nito ang atensiyon ng lalaki.

Nangunot naman ang noo ng binata, bakit ba hindi? Namatay ang anak nila tapos hindi? Huwag?

"Alex, hayaan mo ang batas na ang humusga. Wag kang gumanti, wag ka nang gumanti please" pagmamakaawa ni Gladys.

"Alex, ano bang napapala ng paghihiganti? Ang pagbayarin ang may sala? Hindi mo hawak ang batas. Wag mong kontrolin ang kapalaran ng tao. Sa lahat ng nangyayari may dahilan"

Inangat ni Gladys ang kanyang mga palad at masuyong hinaplos ang pisngi ng binata pagkatapos ay ngumiti pero makikita mo pa rin ang sakit sa mga mata nito.

"Ayokong mapuno ka ng galit, hindi maganda ang kinalalabasan nun Alex. Gusto ko lang malaman mo na hindi lahat ng solusyon sa ganitong problema ay paghihiganti. Siguro nga, may dahilan kung bakit nawala sa atin ang anak natin. Alam kong may dahilan ang diyos sa lahat. Masakit man bilang isang ina pero kailangan kong tanggapin" paliwanag ni Gladys sa lalaki

"Alex, gusto ko lang na maging simple ang buhay natin. Walang gulo at walang sakitan. Kasi kung gumanti ka man ay siguradong may gaganti din sayo. Ang walang katapusang galit ang sisira sayo, satin. Let us be together without those hate and revenge, Alex" buong pagmamahal na saad ng babae at hinalikan ang binata.

Doon ay nagsama ang kanilang katawan at buong pagkatao, pinaparamdam sa isa't isa ang pagmamahal.

Kahit anong mangyari, hindi naging magandang sulosyon ang paghihiganti. Naghahantong lamang ito sa madugong laban, puno at walang katapusang galit. Nabubuhay ang mga tao hindi para magalit sa isa't isa, kailangan talaga ang pagpapatawad.

You Are MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon