Prologue

2.2K 52 4
                                    


Its eleven o'clock in the evening. Di parin ako makatulog. Kahit anong pwesto ko yata sa kama, walang epek. Napaupo ako at tinignan ang cellphone. Napangiwi ako ng lowbat ito. Kinuha ko agad ang laptop at binuksan ito. Buti bukas pa ang wifi sa bahay. Nag-online ako sa messenger. Buti active pa ang mga members ng gc. Kaya lang nang binasa ko ang mga messages puro good night eh so hindi na ako nagchat. Napadako ako sa mga message request. Nakatakaw ng atensyon ko ang isang pangalan. Naka-hanggul ito. Buti nalang medyo marunong ako magbasa ng hanggul. Ang pangalan niya ay Daebak. Nagchat ulit siya. Well, wala naman akong kausap so kakausapin ko muna siya. Paano kaya 'to napadpad sa account ko? Alam ko kasi private ito.

Dae: Hi
Me: Hello?
Dae: Musta na?
Me: Sino ka?

Diretso ako magtanong. Ayoko kasi ng paligoy-ligoy. Mas maayos nang nakakaintindihan kami.

Dae: Your greatest dream
Me: Ha?
Dae: Charrot
Me: Are you bored?
Dae: No
Me: Lowbat na ako. Bye
Dae: Don't fool me. Di pa naman lobat laptop mo ah.
Me: How do you say so? Teka, paano mo nalaman na laptop gamit ko?
Dae: Dahil alam ko lahat.

Wt! Paanong alam ang lahat. Nabubuksan ba niya camera ng laptop ko? Tss, ano ba itong pumapasok sa utak ko?!

Dae: Hey, wag kang matakot.
Me: Hindi ako natatakot.

Napatingala ako. Paano ko ba tatapusin ang conversation na ito? Ayoko naman siyang i-block. Mukha namang mabait. Biglang nagnotif. ang messenger. Nagmessage pala si Daebak. Binuksan ko ito at tinignan.

Dae: Sino tinitignan mo sa taas?

Paano niya nalaman na nakatingala ako?

Me: Hoy! Paano mo nalaman?
Dae: Dahil alam ko nga lahat.

Geez, may butas ba dito sa kwarto ko? Malamig na nga dahil sa aircon. Dumagdag pa ang lamig galing sa kachat ko. Nagtype ulit ako. Hindi ko muna iyon nasend dahil nagulat ako nang nagreply agad siya kahit hindi pa nakasend.

Dae: Hindi ako creepy noh.

Iyon ang reply niya. Ang isesend ko dapat. "Ang creepy mo pa nga!" Agad akong nagtype ng irereply at sinend.

Me: Asan ka ngayon?
Dae: ...
Me: Sumagot ka! Papatayin kita!
Dae: Nasa kwarto.
Dae: Patay na ako. Masasayang lang effort mo para patayin ako.
Me: Anong patay?!
Dae: Patay na patay sayo.
Me: Seryoso ako tsk.

Papatayin ko na ang laptop. Sasabihin ko nalang bukas na nagshutdown ako. Isasara ko na sana ang laptop agad dahil kinakabahan na ako sa kausap ko. Hindi ko nasara agad dahil parang may nastuck kaya hindi ko masara. Bigla siyang nagreply. Napangiwi ako at inangat ko muli ang screen ng laptop.

Dae: Wag mo naman akong iwan. Ngayon na nga lang ako nagmulto eh.

Multo ampft. T@ngina! Tsk, anong gagawin ko dito?! Napamura ako ng malutong. Napabuga ako ng hangin.

Dae: Wag kang matakot. Di naman kita sasaktan.
Me: Anong multo ka dyan?!

Napatingin ako sa paligid ko. Wala namang tao pero geezz biglang lumamig sa gilid ko. Kinilabutan agad ako. Tumunog ulit ang laptop at napatingin ako.

Dae: Di mo ko makikita.
Me: TAENAAAA MO!!! TIGIL-TIGILAN MO NA! PANANAKOT!!!

Kinuha ko agad ang kumot at medyo kinumot sa katawan ko. Napabalikwas ako ng nagpatay-sindi ang ilaw pero bumalik din naman sa dati.

Dae: Hindi naman kita sasaktan eh.
Me: Matutulog na akooo!! Bye!
Dae: Dadalawin nalang kita sa panaginip.

Di ko na pinansin at binasa ang huli niyang mensahe. Agad kong sinara ang laptop. Wala ng shutdown para patay agad. Nagtalukbong ako ng kumot at agad na pinikit ang mata. Tinupi ko ang paa ko, baka kasi biglang may humawak. T@nginang multo yan!

Kinaumagahan, maganda ang gising ko. Ang kasi creepy ng panaginip ko. May lalakeng yumakap sa'kin ng patalikod. As in, para siyang totoooooooo!! Ang sarap ng yakap, parang gusto kong matulog ulit. Naupo ako sa kama habang nakangiti pa. Kinuha ko ang cellphone ko na medyo malapit sa'kin. Nakalimutan ko palang tanggalin ito kagabi? Bwiset kasi 'yung kachat ko. Nag-online ako at napakunot-noo nang makita ang message ni Dae. Agad nanlaki ang mata ko at parang binuhusan ako ng malamig na tubig.

Dae: Sarap mo palang yakapin.

-End Of Prologue-

A/N: Medyo matagal po ang update sa Wattpad pero mag-uupdate naman po ako nang mabilis sa mga groups. Its either mauuna dito o mauuna sa group.  -GIR 😍

A CHAT WITH A GHOST (Completed)Where stories live. Discover now