Chapter 34

322 13 0
                                    

A CHAT WITH A GHOST
Chapter 34

Fee’s PoV

Natulala lang ako habang nakikipag-suntukan si Kenji kay Chester. I can’t believe this! He lied to me?

Kusang gumalaw ang katawan ko para lumapit at paghiwalayin ang dalawa. I’m not scared na baka ako ang masuntok. Lutang pa ako habang pinipigilan sila. Bigla akong nasiko ni Kenji kaya nagsitigil silang dalawa.

“Ouch” late response ko dahilan para magbalik ako ang diwa ko.

“Ayos ka lang, Fee? I’m sorry. I’m so sorry”

Napakurap-kurap ako. Biglang umapaw ang inis ko at sinamaan siya ng tingin.

“Kenji? Totoo ba ‘yon? Are you lying to me? Sabi mo, hindi ikaw!”

Di ko na napigilan na tumaas ang boses ko. Sabi ko na, parang may mali talaga dito.

“Alam mong siya ‘yon, Fee?” gulat na tanong sa’kin ni Chester.

“No! Sabi niya, hindi siya! Hindi ko alam. Wala akong alam!” bulyaw ko bumaling ako kay Kenji. Nakayuko ito habang nakaupo sa semento.

“It was…it was me, Fee. I’m sorry, I lied. Ayoko lang layuan mo ko”

That was a sweet stupid decision he ever made! Akala niya lalayuan ko siya? Dammit! Akmang susunggaban siya ni Chester ng suntok ngunit humarang na ako. Binigyan ko ng nagmamakaawang tingin si Chester kaya medyo lumambot ito at napasigaw nalang sa inis.

“Let him to explain, please. Aksidente lang ang lahat, sabi mo di ba?” kalmado kong tanong kay Chester. He gritted his teeth in anger.

“Chester, please” pagpapakalma ko.

This is his side na hindi nakikita ng mga tao. He was angry. Kung galit siya, galit siya. Mahirap pakalmahin ang taong galit. Lalo na’t may parte ang kapatid niya kung bakit siya nagagalit. I understand him. It was his little sister.

Medyo umatras si Chester at umayos ng tayo. Napasuklay nalang siya sa buhok niya sa inis. Bumaling ako kay Kenji.

“Tumayo ka dyan at mag-explain ka!” bulyaw ko.

Tumayo siya at malungkot na tumingin sa’kin. Napapatagis bagang siya at mukhang naghahanap ng tyempo para makapagsalita.

“Kenji-“

“Chester, sorry. I didn’t mean to bumped her. Sira ang preno ng motor at hindi ako makaliko dahil may kotse sa gilid ko. Sorry din Fee, baka kasi kamuhian at layuan mo ako eh”

Napatingin ako kay Chester na halatang galit na galit pa rin. Bigla itong naglakad palayo. He needs space and time for himself. Napailing ako habang tinitignan si Kenji. He has bruise on his right lips. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang pisngi niya.

“Alam mo namang hindi kita iiwan, Dae” sabi ko. Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil iyon.

“Kenji, Fee. Ako si Kenji. I’m sorry for lying. Wag mo akong iwan ha?”

Ibinaba ko ang kamay ko at matalim na tinignan siya. Bakit ba ayaw niyang tawagin siyang Dae? Kainis. Nagsinungaling pa siya. He broke my trust.

“Why did you lie to me? You know I hate liars. You aren’t an exemption, Kenji. Sorry dahil sinigawan kita. You just broke my trust”

“You hate me now? Iiwan mo na ako?” mahina nitong tanong pero sapat upang marinig ko ng malinaw. I can see pain and sadness drow over his face and I don’t like it. Huminga ako ng malalim at tinignan siya.

Wait…He is not crying? Nakayuko lang siya. Where’s my Baby ghost? Is his personality as a baby fades?

Napapikit ako sa naiisip ko. People’s change, Fee. Accept the fact na nagbago na si Dae at limot na niya ang ibang memorya yet he still loves you. Sinagot ko si Kenji.

A CHAT WITH A GHOST (Completed)Where stories live. Discover now