Chapter 17

421 10 0
                                    

A CHAT WITH A GHOST
Chapter 17

Naramdaman kong lumapit si Dae sa’kin at lumuhod siya sa harap ko gazing at my eyes. Hindi ko mapigilan ang luha ko. Panay lang ang pagtulo ng mga ito.

“Fee” tawag sa’kin ni Dae.

“We think, you need to be alone. Sorry Fee kay tito. Nasa kusina lang kami” sabi sa’kin ni Kristine.

Naramdaman kong tumayo silang tatlo sa sofa at naglakad palayo. Tumingin ako kay Dae.

“Mahal mo parin ba ako?” tanong niya.

“Mahal na mahal kita, Dae” sagot ko.

Sinubukan niyang hawakan ang pisngi ko ngunit tumagos lang ito. Sinubukan niya ulit akong hawakan at nagtagumpay siya. He wiped my tears away.

“I don’t want to see you crying. Kahit patay na ako, hinding-hindi ako aalis sa tabi mo. I promise” sambit niya habang nakatingin sa mga mata ko.

“Wag kang aalis ah?” tanong ko.

“Yes, my Fee. I will never leave you” sagot niya.

Sinunggaban ko siya ng yakap ngunit natumba lang ako at tumagos sa kanya. Umayos ako ng upo at nakarinig ako ng tawa galing sa kanya.

“Anong nakakatawa?” tanong ko habang nagpupunas ng luha.

“Nothing. Basta tatandaan mo my Fee, tumitibok ang patay kong puso sayo” sambit niya.

Napangiti ako. I want to kiss him now pero tumatagos ako. Kahit ano, gagawin ko Dae para manatili ka lang sa tabi ko.

Tito Eloy’s PoV

Ikamamatay namin ito. Sobrang lakas ng spirit na ‘yon at natalo niya lahat ng pagsangga sa bahay. Nakita ko siya sa bintana kanina habang kausap ko ang mga kaibigan ni Kristine. Sigurado akong papatayin niya kami kapag nakialam pa kami sa babaeng ‘yon. Kailangang siyang malayo sa mga multo para sa kaligtasan nila.

Kasalukuyang nasa kusina ako at sinisindihan ko ang kandila sa bintana. Kailangan bukas ito magdamag para hindi tuluyang makapasok ang masamang elemento na ‘yon.

“Tito”

Halos bumaliktad ang puso ko sa gulat ng marinig ko ang tawag ni Kristine. Aatakihin ako sa puso nito.

“Dahan-dahan naman Kristine jusko!” singhal ko sa kanya.

“Ang sama mo pa nga kay Fee. Diretso mong sinabi na patay na pala ‘yung multo” sabi niya sa’kin. Nakita ko ang dalawa niyang kaibigan na nasa likuran niya at mukhang takot. Asan na ‘yung babaeng laging sinusundan?

“Fee pala ngalan ng babaeng ‘yon at saka, anong masama doon? Unang pumapasok sa isip ng isang tao kapag nakakita ng multo ay patay na iyon. Di bale nalang kung gusto niya mabuhay ‘yong multo” natatawa kong sabi.

“Exactly! Boyfriend niya ‘yung multo. Kahit konting pag-asa naman sana magkatuluyan sila, binigay mo” sabi niya sa’kin.

Boyfriend? Multo? Nakakatawa sila. Ang lakas ng loob ng babaeng ‘yon makipagrelasyon sa multo. Di niya ba alam na may consequences lahat ng mga bagay.

“Ano ba ‘yon? Boyfriend niya bago mamatay o boyfriend niya noong multo na?” tanong ko.

“Multo na” ‘yung babaeng maputi ang sumagot.

“Opo, kasi pagkakaalam namin, no boyfriend since birth si Fee eh” sambit naman ng maitim na babae.

“Asan na ‘yung kasama niyo?”

“Nasa sala, hinayaan muna namin-“

“Nandito ako”

Sumulyap ako sa babaeng pumasok sa kusina. ‘Yung Fee nga. Nasa likod niya ‘yung multong boyfriend niya daw.

A CHAT WITH A GHOST (Completed)Where stories live. Discover now