Chapter 21

444 12 1
                                    

A CHAT WITH A GHOST
Chapter 21

Iminulat ko ang aking mata nang maramdaman ko ang sikat ng araw na tumatama sa balat ko. Napaupo ako at nasapo ko ang ulo ko. Ang sakit nito, sobrang sakit.

“My Fee”

Napatingin ako sa tumawag sa’kin. Si Dae lang pala at nakaupo siya sa may study place ko at nakaharap sa’kin.

“Sorry bigla akong naglaho. Nanghina lang ako” sambit niya.

“Okay lang” mahina kong sagot. Napangiwi ako. Ang sakit talaga ng ulo ko. Naramdaman kong lumapit si Dae sa’kin.

“Masakit ang ulo mo?” tanong niya. Sinubukan niya akong hawakan ngunit tumagos lang ang kamay niya sa ulo ko. Napabuga siya ng hangin. “I will chat your friends” sabi niya.

Tumango ako at bumalik ako sa pagkakahiga. Tingin ko, nilalagnat ako. Ang bigat ng katawan ko. Napatingin ako kay Dae na nagchachat. Bigla siyang napatingin sa’kin at nanlaki ang mata niya. Why?

“Fvck! Bakit ngayon ko lang napansin ang mga pasa mo?!” gulat na singhal ni Dae.

He noticed it. Nagtakip agad ako ng kumot.

“Okay lang ako,Dae. Just calm” I said.

“Fee, sinaktan ka ng multong ‘yon!! Tss, ipapaghinganti kita sa babaeng ‘yon” galit niyang sambit at agad na tumayo.

“Dae, please…don’t leave me. I need you. Di mo na kailangan gawin ‘yun” mahina kong sambit.

“Fee?”

Nanghihina na ako. Di ko na siya marinig.

“Fee!”

I closed my eyes. I need to rest,Dae. I just need to sleep for a moment….

Nararamdaman kong may pumupunas ng mainit na tubig sa katawan ko. Napadilat ako. Naaaninag ko ang mukha nina Cho at Milky. Nandito na nga sila. Ilang oras ba akong nakatulog ulit.

“Goodness, you’re awake. Akala namin dadalhin ka na namin sa hospital eh. I know you hate that place kaya hindi muna” saad ni Cho.

“Halos ilang oras ka ding walang malay” sambit sa’kin ni Milky.

“Walang malay? I’m just sleeping” I said.

“No, you’re unconcious. Hindi ka namin magising” sagot ni Cho.

Tumango ako. Inilibot ko ang paningin ko.

“Where’s Dae?” tanong ko.

“I don’t know. Hindi namin siya nakikita jusmi” sagot ni Milky.

Napabangon ako. Sana hindi niya pinuntahan ang babae ‘yun…

Tito Eloy’s PoV

“Oh ang kapal ng mukhang pumasok sa pamamahay ko” sambit ko sa presensyang nasa likuran ko.

Kasalukuyan akong naglilinis ng mga mamahaling alak ko. Take note, imported ang mga baby ko. Dahan-dahan kong ibinalik ang wine sa lalagyan niya at sinuguradong maayos ito. Napaharap ako sa kanya.

“I need your help” sambit niya.

“Wag mo kong ine-english diyan. Paano ka nakapasok?” tanong ko.

“Bote? Tapos pinagulong ko papasok ng pintuan” sagot niya.

“Simula gate?!” gulat kong tanong.

Sumilip ako sa likuran niya. May bote nga. Talino naman ng multo ‘to.

“Oo. Kailangan ko ng tulong mo”

A CHAT WITH A GHOST (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon