Chapter 2

793 20 1
                                    

A CHAT WITH A GHOST

Chapter 2

Nasa canteen kami ngayon. Wala eh, kinabahan ako sa labas kaya hinatak ko sila agad papasok ng canteen. Sarap na sarap yung dalawa kasi libre ko habang ako ito pakuha-kuha lang ng french fries sa table. Biglang tumunog ang phone ko sa bulsa. Napakunot-noo ako ng makita na naman ang message ni Dae na naka-balloon. Sh!t! Binlock ko na ito kanina ah! I read his message again.

Dae: Hinahamon mo ba ako babae? You looked terrified kanina as presence ko kahit tirik na tirik ang araw. Paano kaya mamayang gabi? Mata mo naman ang papatirikin ko? Wag mo na akong i-block ha? Kung ayaw mong ituloy ang binabalak ko.

Sh!t!

Bakit Fee? tanong ni Chocolatey.

Nothing sagot ko.

Tinuloy niya lang ang pagkain. I replied to him.

Me: Are you threatening me?

Wow, he replied so fast. As if, parang 15 seconds lang. I read his message.

Dae: Sorry na. Kasi ikaw, block mo ko eh.

Me: Bakit hindi kita iba-block? Tinatakot mo kaya ako!

Dae: Sorry na pleaseeeeee. Di na kita tatakutin promiseeee

Me: Buti nagkakaintindihan tayo.

Dae: Yieeeeee may mutual understanding at tayo na ah!

Me: Bwiset ka!

Dae: Kalma, baka bigla mo kong matawag na babe niyan.

Me: Mamatay ka na sanang lintek ka!

Nanggigigil talaga ako sa kanya! Saan niya napupulot ang confidence niyang makipagflirt sakin?!!!! First time kong makakilala ng ganyang lalake. Well, iba naman siya kay Bravo, kasi si Bravo puro puri lang sa sarili ang alam gawin eh. Pasikat lang ng pasikat. I looked at my phone again.

Dae: Grabe naman! Ano yun double dead na ako? Patay na patay ay dalawa so times two equals four.

Me: What?!

Geez, ang hina ko sa Math! Ano ba yang pinagsasabe nito?! Akala ko nga dati puro numbers lang ang Math eh, ngayon may x and y na.

Dae: Di ko magets. Ang four ba ibig sabihin ay Four you o Fourever mo ako?

Me: What the fudge!

Natawa ako bigla. Napatingin ako kina Milky at Chocolatey na seryosong nakatingin sakin.

Bakit ganyan kayo makatingin? tanong ko.

Bakit ka nakangiti dyan na parang tanga? tanong ni Milky.

Sino yan Fee? tanong naman ni Chocolatey.

Anong sino? tanong ko sa kanya.

Siningkit nilang dalawa ang kanilang mga mata at tila ba binabasa ako. Parehas pa silang napahawak sa sintido nila. Ano bang trip ng dalawang to?

You are blushing sabay nilang sabi.

Biglang tumunog ang phone ko. A message came from Dae ang nakita ko. I read it at halos tumalon ang puso ko sa nabasa ko.

Dae: Yieeeeee nagbablush siyaaaaaa

H-HINDI NOH! angal ko. I bite my lower lip. Paano niya nalaman na nagbablush ako? Nilibot ko ang paningin ko at busy naman lahat ng tao sa pagkain. Wala naman akong makitang kakaiba. Wait, inistalk ko na ba ang profile ni Dae? Sh!t! Baka doon ko siya makilala!

Liar. You bite your lip. Manneurism mo kapag nagsisinungaling ka saad ni Chocolatey.

Talino mo frenny puri sa kanya ni Milky.

A CHAT WITH A GHOST (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon