Chapter 47

288 9 0
                                    

A CHAT WITH A GHOST
Chapter 47

"K-kuya Eloy?!" sabay-sabay naming sigaw.

"Oo, bakit? Di naman nagbago mukha ko ah" kunot noong sagot ni kuya Eloy.

"Akala namin, simpleng empleyado ka lang dito tapos may pa-CEO pala sa table mo" sambit ni Cho.

CEO? Tumingin ako sa table ni kuya Eloy. Wow! Meron nga! Pahabang glass siya na may nakaukit na pangalan niya at sa baba nito, nakasulat ang "Chief Executive Officer".

"What the fvck!" sigaw ko.

"Maliit na kompanya lang naman ito. Pinaubaya nina kuya sa'kin dahil may inaasikaso silang ibang kompanya" inosenteng sabi nito.

"Anong maliit? Your company is one of the prestigious company na nakasulat sa isang business magazine na binasa ko noong nakaraang araw! Ang kotse na ginagawa niyo ay mga luxury cars, sports cars and what so ever so malaki ito kuya!" sigaw ni Cho sa kanya.

"Di ko kayo maintindihan" inosenteng sabi ni Milky sa tabi namin. "Nga pala, ang pogi mo sa damit mo, kuya Eloy" sambit niya sa kanya.

Bumaling ako kay kuya Eloy at huminga lang ito ng malalim. Diretso niya kaming tinignan dahilan para tumaas ang mga balahibo namin. Geez! Nararamdaman ko ang presence niya bilang boss!

"Oh tapos? Ano naman? Dahil ba alam niyo na mayaman ako at isa ng CEO, lalayo na kayo sa'kin?" tanong nito.

"Hindi sa ganun, kuya" sagot ko.

Bigla itong ngumiti at umikot pabalik sa table niya. Kinuha niya 'yung glass na nakapatong doon at itinabi. Naupo siya sa swivel chair niya at sinenyasan kaming maupo sa may visitors chair na katapat ng table. Naupo naman agad kami doon at di na nagsalita.

"Anong pakay niyo?" tanong niya.

"Si Kenji, ayaw niyang ibalik ang katawan ni Dae" diretso kong sagot.

Ayaw ko ng paligoy-ligoy pa kayanv dineretso ko na si kuya Eloy. Marami ng naaksayang oras at naghahabol kami ngayon bago mahuli ang lahat at maging masama si Dae. Kailangan na naming mabawi ang katawan as soon as possible.

"Tulad ng inaasahan ko" sabi nito.

"Pero...pero may binigay siyang deal. My soul in exchange of Dae's body" sabi ko.

"No, Fee! Hindi natin 'yon isasama sa choices natin. Mapapahamak ka doon" matigas na sabi ni Cho na nasa tapat ko.

Alam ko namang mapapahamak ako dahil sa deal na 'yon pero pumapasok pa rin sa isip ko na pumayag. Ngayon naman, ako ang magsasakripisyo para sa kanila at matahimik na ang mundo nila, para mabuhay na din si Dae.

"Fee, wag mo kaming iiwan" sabi ni Milky sa tabi ko. Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil ito.

Hindi ko din naman sila gustong iwan pero kung wala na talagang choice, papayag ako.

"May plano ako pero....napaka-delikado. Hindi natin pwedeng gawin ang ginawa natin kay Madel dahil katawan ni Dae ang mapapahamak. Bigla iyong maaagnas kapag sinunog ang tunay na katawan ni Kenji"

"Anong plano, kuya Eloy? Kahit ano, papayag ako" sabi ko.

Nagsalubong ang kilay niya at tila may naisip siyang plano pero ayaw niyang sabihin sa'min.

"Pumayag ka sa deal na 'yon"

"No way!" sigaw ni Cho.

"Hindi pwede!" tutol ni Milky.

Nagtataka akong tumingin kay kuya Eloy. Paanong pumayag? Ibibigay ko ang kaluluwa ko?

"Kuya-"

"Patapusin niyo muna ako. Pwede?" iritang tanong niya. Huminga ulit siya ng malalim at muling nagsalita. "Kailangan mong pumayag sa deal ni Kenji para sumama siya sayo. Kailangan niyang maaksidente para humina siya at maagaw ni Dae ang katawan niya. Ganoon din ang balak ni Madel sayo dati kaya gusto ni Kenji na maaksidente ka. Ang problema nga lang, baka pati ikaw madamay"

A CHAT WITH A GHOST (Completed)Where stories live. Discover now