Chapter 50

323 10 1
                                    

A CHAT WITH A GHOST
Chapter 50

"Talaga?" nakangiting tanong ni Kenji. Umaaliwalas ang mukha niya habang nakatingin sa'kin.

"Oo, mahal. Sasama na ako sayo sa kabilang buhay, Kenji"

Binuhay ko ang makina ng sasakyan at pinaandar ko ito.

"Saan tayo pupunta?"

"Sa Circle, mahal" sagot ko.

"Wow, di ako makapaniwala. Sabi ko na nga ba, gusto mo din ako. Mas pipiliin mo ako eh"

Huminga ako ng malalim. Napansin kong napipigtas ang bracelet na suot ko.

"Pero Kenji, ibabalik mo na ang katawan kay Dae. Nakokonsesya ako. Iniwan ko siya"

I'm really sorry, Dae.

"Di mo siya nakikita? He was fvcking devasted and crying. Nakakaawa siya. Buti at sa'kin ka sumama, I'm not weak like him"

Di ko na pinapakinggan si Kenji. Ibinaba ko ang isa kong kamay ng biglang napigtas ang bracelet ko. Buti nalang at di napansin ni Kenji.

"Poor, Dae...He was sobbing down the street"

No, Dae. Please...don't cry. Sana maintindihan mo ang ginagawa ko. It was all lies. Alam mo naman ang plano kaya wag ka sanang magpaapekto.

"Ibabalik mo? Nakokonsensya ako" sabi ko kay Kenji.

"Of course, ikaw lang naman kailangan ko. Lets make our own world, Fee" sagot niya.

Napanatag ako bigla. Nanlaki ang mata ko ng mahagip ng paningin ko si Dae na nakatingin sa sinasakyan namin. Nakasakay siya sa ibang bus na kasabay namin.

Ayoko siyang tignan dahil alam kong manghihina ako. Binilisan ko pa ang pagpapaandar. Napakunot-noo ako ng hindi na kumakagat ang preno ng sasakyan at pabilis na ito ng pabilis.

"Hey, baby slow down" sabi ni Kenji.

"Gusto ko na kasing makita ulit ang Circle" pagsisinungaling ko.

Nararamdaman kong mabilis na ang takbo namin dahil nalalagpasan na namin ang ibang kotse na nadadaanan namin.

Kahit saglit ko lang nasulyapan si Dae, alam kong umiiyak na siya. Si Dae lang ang lalaking nakilala ko na hindi nahihiyang umiiyak. Tanda ko pa ang araw na una siyang nagpakita ng kahinaan sa'kin. Noong nagselos siya kay Gerald. Doon din naimbento ang endearment ko sa kanya "Baby ghost".

*Flashback*

"Dae naman-"

"Shhh" pagpapatahimik niya sa'kin. "Naubusan ako ng enerhiya doon ah. Paano ko na tuloy babangungutin 'yon?"

"Dae-"

"Shhhh. Shut up"

Bakit ba ayaw akong pagsalitain nito? Ano namang trip nitong multo ngayon? Nakayuko lang siya at hinihingal.

"Wala kang dapat ipagselos" mabilis kong sambit.

Diretso niya akong tinignan. Maya-maya, nanlaki ang mata ko nang mag-pout siya at mangiyak-ngiyak pa. Hala! Anong ginawa ko?

"Huy! Anong problema?"

Tumulo na ang luha niya. Laahh!!! Anong gagawin ko? Di ko alam kung matatawa ba ako o mag-aalala? Bilhan ko ba siya ng lollipop?!

"Dae, stop crying" sambit ko.

"Ikaw kasi eh! Ipapagpalit mo ko doon kay Gerald! Kainis ka!" sambit niya habang sa ibang direksyon nakatingin.

Napangiti ako. Sobrang childish pala 'tong loko na 'to! Hindi naman siya sobrang inosente. Slight lang? Hikhok!

"Hoy multo hindi kita ipagpapalit" sagot ko.

A CHAT WITH A GHOST (Completed)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ