Chapter 20

469 10 1
                                    

A CHAT WITH A GHOST
Chapter 20

Napamulat ako ng may humahawak sa bewang ko. Gabi na ba? Napatingin ako sa kanya. Si Dae!

"Am I dreaming? 12 na ba?" tanong ko sa kanya.

"Yes, my Fee, baby babe loves sweet heart" sagot niya. Daming naiisip nitong endearment.

"Teka, bago ako nakatulog may malamig na presence akong naramdaman sa likod ko. Ikaw ba 'yon?" tanong ko. Hindi kaya umepekto ang halu halu halu boo kaya nawala 'yung multo?

"No, kung sino man iyon, hindi siya masama dahil hindi ka niya ginalaw" sagot niya.

Its good to hear that. Humarap ako sa kanya at niyakap ko siya. Buti sa panaginip, walang deadline o limitasyon ang paghawak ko sa kanya. Sana habang buhay nalang akong nananaginip ngunit alam kong nanghihina siya tuwing lumalabas sa panaginip ko.

"Wala na ba ang multo?" tanong ko.

"Nandito ako" sagot niya.

Natawa ako at hinampas ang dibdib niya. Alam niya naman kung sino ang tinutukoy ko eh. Napatingin ako sa kanya. He was smiling at hindi ito creepy. A genuine smile then.

"Hindi ko tinatanong kung nandito pa ba ang Baby ghost ko" sambit ko sa kanya.

"Owkay. Hindi ko na nararamdaman ang babaeng 'yun dito. Maybe, kumukuha pa siya ng lakas sa ibang tao. I try to get rid of her" sabi niya sa'kin.

Inihilig ko ang mukha niya sa dibdib niya. Hindi naman siya amoy bangkay. Wala siyang amoy. Parang hangin lang ngunit nakakapa mo siya at nakikita. Naramdaman kong humigpit ang yakap niya.

"By the way my Fee, I love it everytime you called me Baby ghost. It makes me feel that I'm alive. It makes my dead heart beats so fast"

Napangiti ako sa narinig ko. Ayokong matulog sa panaginip ko. Gusto kong sulitin ang panahon kung saan nahahawakan ko siya dahil paggising ko, alam kong bihira ko na siya mahawakan.

"I want to be with you forever. Sana wag ka ng umalis, Baby ghost" sambit ko.

"Hindi ako aalis, my Fee. Kahit anong mangyari, hindi ako aalis sa tabi mo. You are my world now. Pinaikot mo ang nakasteady kong mundo. Binigyan mo ng kulay ang bawat araw na lumilipas. I will never leave you because.... I love you" he said.

Bakit ngayon pa tayo nagkita, Dae? Kung kailan patay ka na. Sobrang hirap....sobrang hirap tanggapin na nagmamahal ako ng patay pero ang presence niya buhay na buhay. I talk, laugh, cry, walk and chat with him. I get jealous everytime na wala siya sa tabi ko. Baka kasi nambabae ng multo siya o kaya pinatulan niya 'yung babaeng walang mata at panga. Nakakainis lang.

"Oh what's with that poker face? You don't love me?" biglang niyang tanong ng mapansin niya ang iritable kong mukha.

"I love you Dae" sagot ko.

"What?" seryosong tanong niya. Kunot-noo siyang nakatingin sa'kin.

"I love you, Dae" banggit ko.

"Are you sincere? You don't call me Baby ghost" he pouted. Umangat ako then I kissed him, just a smack.

"I love you damn so much, my Baby ghost" I said to him.

Napangiti naman siya at abot langit pa ito. Ahmmm...ngiting aso? Napatingin ako sa pisngi niyang may sunog. I raised my hand to hold it. Bigla niyang hinawakan ang wrist ko.

"What will you do?" tanong niya.

"I want to touch your face" sagot ko.

"No" sambit niya at agad tinakpan ang kalahati ng mukha niya. "It makes you feel so disgusting" Napangiti ako. He was sounds childish uttering it.

A CHAT WITH A GHOST (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon