Chapter 18

466 16 1
                                    

A CHAT WITH A GHOST
Chapter 18

“Tubig oh”

Kinuha ko ang tubig na inabot ni Kristine. Di ko parin makalimutan ang napaginipan ko.

“Ano bang nangyari?” tanong ni Milky at naupo sa tabi ko.

“Bigla siyang nagsisigaw. Binabangungot yata siya” si Cho na katabi ko ngayon ang sumagot para sa’kin.

“Hayan na, kase ang kulit. Sabi ng umiwas sa multo eh” sabat sa’min ng tito ni Kristine.

“Tito naman. Di ka nakakatulong” asik ni Kristine sa kanya.

“Abat! Ako pa ang hindi nakakatulong? Tutulungan ko nga sanang mapalayo ‘yang kaibigan niyo sa mga kaluluwa at espirito eh ayaw pumayag. Hay nako. Bahala na nga kayo dyan” iritang sabi sa kanya ng tito niya sabay lakad palabas ng pinto ng kwarto ni Cho. Bumaling sa’kin si Kristine. Nakatayo lang siya sa harap ko at napangiwi nalang siya dahil sa tito niya.

“Asan na ba ‘yung boyfriend mong multo? Hindi ka man lang bantayan” inis na tanong ni Milky.

For the first time, ngayon ko nakitang alalang-alala sila sa’kin. Tuwing magkakasama kasi kami puro katuwaan. Hindi ko na namamalayan na may ganitong side pala sila.

“Nakakulong” tipid kong sagot.

“Hala! Saan? Anong krimen ang ginawa niya? Mapapiyansahan ba? Saang kulungan?” gulat na tanong ni Milky.

Napatampal ako ng noo dahil sa kanya. Kinuha ko ang phone ko at buti naman hindi lowbat. Dumako ako sa profile ni Dae. I closed up his picture kahit hindi naman nila kita si Dae. Hinarap ko ang phone sa kanila.

“Alam niyo ba kung saang lugar ito?” tanong ko sa kanila.

“Hmmm, familiar siya” sambit ni Cho.

“Hindi ko alam” sagot naman ni Milky.

“Kailan ka ba nagkaalam?” pang-iinis sa kanya ni Cho.

Huminga ako ng malalim at bumaling kay Kristine na mukhang malalim ang iniisip. Napatingin ulit ako kay Cho ng magsalita siya.

“Pamilyar talaga ang lugar eh. Nakalimutan ko na kung saan ko siya nakita” dagdag niya.

“Hindi ko matandaan pero parang nagpunta na kami ng boyfriend ko dyan” sagot ni Kristine. “Bakit? Ano bang meron sa lugar na ‘yan?” tanong niya sa’kin.

“Dyan nakakulong si Dae. Nakaupo siya mismo sa bench na tinititigan niyo” sagot ko.

“Asan?” tanong ni Milky.

Nilapit nilang tatlo ang mukha nila at tinitigan mabuti ang litrato. Kapag itong mga ‘to sumigaw, ewan ko na.

“Wala naman-“

“AAAHHHHHHHHHHHH!!!!!!!” sabay-sabay nilang tili.

Napatakip ako ng tenga sa lakas ng bunganga nila. Napansin kong biglang pumasok ang tito ni Kristine sa kwarto.

“ANONG NANGYARE?!” pasigaw niyang tanong.

“WE SAW A GHOST TITO!!!” sigaw ni Kristine.

“AHHHHHHHHH NAKAKATAKOT SIYA!!!!” sigaw ni Cho.

“AHUHUHUHU MAY MUMU!!!” sigaw ni Milky.

Napailing nalang ako. Sinamaan ako ng tingin ng tito ni Kristine. I just shrugs.

“Calm girls” sabi ko sa kanila. “Mabait si Dae. Hindi niya kayo sasaktan”

Sabay-sabay silang napaupo sa kama habang ang sama ng tingin sa’kin. Medyo kumalma na sila.

A CHAT WITH A GHOST (Completed)Where stories live. Discover now